“Narinig mo na ba ang balita, Hope?” tanong ni Rizza kay Hope habang naglilinis sila sa mga cubicles. Ito ang kasama niyang naka-assign na maglinis sa cubicles. Mabuti na lang at may kasama na siyang maglilinis dahilan para hindi siya ma-boring habang naglilinis. “Ang alin?” Nilagyan niya ng sabon ang balde na may tubig saka sinimulan ng linisin ang inidoro. “Malapit nang ikasal si Sir Davis at ang fiancee niya.” Bigla siyang napatigil sa ginagawang pag-brush. “Alam mo bang ang tagal din nila bago inaya ni Sir Davis ang girlfriend niya na magpakasal? Limang taon din sila, ah. Naku, naku! Ang swerte niya kay Sir Davis kasi mayaman na, gwapo pa.” Napatiim-bagang siya dahil pinipigilan niya ang maiyak sa narinig na balita. Masaya naman siya para sa binata, pero hindi niya mai

