Nakatayo si Hope sa gilid ng hospital bed habang nakahawak sa kamay ni Davis habang ginagamot ang braso nito. Kahit ayaw niyang tumingin sa sugat nito habang ginagamot ay hindi naman niya mapigilang mapatingin. Nag-aalala siya para dito dahil sa kanya kaya nagkasugat ang binata. "Masakit?" tanong niya sa binatang nakatingin din sa sugat nito. Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. "Hindi naman." Hinalikan nito ang kamay niya para hindi siya masyadong mag-alala para dito. Bumaling ito sa Nurse. "Can you finish it faster, Nurse?" Napatingin naman siya sa nurse na tulalang nakatingin sa mga abs ni Davis. Wala pa kasi itong damit na suot dahil nasa kanya ang damit nito at tanging kumot lang ng hospital ang nakatakip sa tiyan nito. Nakikita pa din ang abs nito dahil hindi ito mahawakan ng binat

