"Damn it!" mura ni Davis habang minamaneho ang sasakyan niya papunta sa bahay ng kaibigan niya. Nang makarating sa harap ng bahay nito ay mabilis siyang bumaba at mabilis na lumakad papunta sa pinto nito. Bubuksan na sana niya ang pinto nang mapansing naka-lock ito kaya naman malalakas niya itong kinatok. Hindi siya tumigil sa pagkatok hangga't hindi bumubukas ang pinto. Kulang na lang ay sirain na niya ang pinto para lang makapasok kaagad. "Who the f*cking are you?! Don’t you know that you are f*cking bothering people?" inis nitong tanong nang buksan nito ang pinto niya. Nakita niya ang always poker face nito. "Oh, Davis! It’s you. What are you doing here?" Kung may oras lang siya ay baka binatukan na niya ang kaibigan. "You install tracker in Hope's phone, right?" Mabilis siyang pumas

