Kumunot ang noo ni Hope nang makaramdam ng sakit sa ulo. Napaungol siya saka dahan-dahan na binuksan ang mga mata. Medyo malabo pa ang paningin niya kaya naman ipinikit niyang muli ang mga mata. Kukusutin na niya sana ang mga mata nang hindi niya magalaw ang mga kamay at doon lang na-realize na nakatali pala ang mga kamay niya. Mabilis niyang iminulat ang mga mata at inilibot sa paligid ang paningin. Napakunot-noo siya nang makitang nasa isang kwarto siya na parang matagal ng hindi nagagamit dahil sa itsura nito at marami na ding mga sapot ng gagamba sa sulok nito, medyo may kadumihan din ang paligid. Sinubukan niyang makawala sa pagkakatali pero hindi niya magawa. Napatingin siya sa sarili at nakitang nakatali ang mga kamay niya mula sa likod niya at nakatali siya sa upuan dahilan para h

