CHAPTER 69

2662 Words

“Eren,” hindi makapaniwalang sambit ni Manang Tessa nang makita ang binata na kakapasok lang sa mansyon ng Montefalco. Napatakip pa ito sa bibig dahil sa gulat. “Manang Tessa!” Mabilis nitong niyakap ang matanda at bahagya pang-inangat. “Ibaba mo nga akong bata ka. Baka mahulog ako.” Pinalo nito ng mahina ang braso niya. Natatawa naman niyang binaba ito. “Pasensya na, Manang. Na-miss ko lang po kayo.” Sinapo niya ang mukha nito saka hinalikan ito sa noo. “Naks! Ang ganda niyo pa rin, Manang Tessa. Walang kupas. May boyfriend ka na ba?” biro niya. Tumawa siya nang kurutin siya nito sa tagiliran. “Ikaw talagang bata ka. Kung anu-ano pinagsasabi mo. Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Alam mo namang tumandang dalaga na ako.” “Naku, naku! Magka-boyfriend na po kasi kayo. Papayagan naman kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD