Hindi inaasahan ni Hope na ganito kalaki ang kompanya na pagtatrabahuan niya. Akala niya ay isa lang itong isa o dalawang palapag na building, pero hindi. Kung titingnan niya ito ay nasa sampong palapag ito. Halos salamin ang dingding nito dahilan para kuminang ito kapag tinatamaan ito ng sinag ng araw. Huminga siya nang malalim. This is it! Kailangan niyang ayusin ang trabaho para sa anak niya. Pumasok na siya sa building at nakita ang dalawang lalaki na nakasuot ng uniform ng isang guwardya. “Good morning po, Manong Guard,” bati niya dito nang makalapit siya. “Good morning din po, Ma’am. Ano po kailangan nila?” Nakahinga siya nang maluwag ng makitang mabait ito. Nakangiti ito sa kanya. “Isa po kasi ako sa nakuhang taga-linis dito. Magtatanong lang po sana ako kung saan

