Kinabukasan ay sinamahan ni Marco si Hope sa eskwelahan kung saan pwede niyang ipasok ang anak. Nilibot nila ang eskwelahan para makita niya at kung okay sa kanya ang pag-aaralan nito. Maganda at may kalakihan ang kindergarten na papasukan ni Scarlet. Nagustohan naman ito ng kanyang anak kaya naman napagdesisyonan niya na doon na ito ipasok. Malapit lang ito sa bahay na inuupahan nila kaya hindi siya mahihirapan sa paghatid at sundo dito. Nang matapos sila ay iniwan nila si Scarlet kay Aling Nena para samahan siya ng binata na maghanap ng trabaho. Binilhan siya nito ng iilang resume para ipasa sa mga a-apply-an niya. Mabuti na lang at nandiyan ang binata at may nagtuturo sa kanya kung ano ang nilalagay sa resume. Pinasa nila ito sa mga maliliit na store at sa mga kompanya kung saan nag

