“Hope!” Nanigas si Hope nang marinig ang boses ni Davis mula sa likod niya. Napahinto siya sa paglalakad at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Bakit ba nakita pa siya nito? Iniiwasan na nga niya ito para hindi na mag-cross ang landas nila dahil ayaw na niyang guluhin ang buhay nito. “Hey!” Bahagya siyang naigta sa lamig ng boses nito. “M-magandang araw po,” magalang na pagbati niya dito, pero hindi siya tumingin o humarap lang man dito. Napakunot-noo ang binata sa inasta niya. “Why are you not looking at me?” Napakamot siya sa sinasabi nito. “Are you deaf? Answer me!” Napaigta siya sa matigas nitong sabi. Bakit ba galit ito sa kanya ngayon? May nagawa ba siyang masama dahilan para magalit ito sa kanya? Napakagat-labi siya. “A-ano kasi…” “What?” Muli siyang n

