Hinihintay nina Rizza at Hope na bumukas ang elevator habang nag-uusap. “Alam mo, Hope, sa tingin ko dapat hindi mo na talaga binalik kay Steph ang pagkaka-assign do’n.” Ngumiti siya sa kaibigan. “Ayos lang. Hindi naman kasi dapat ‘yon para sa akin.” Pumayag na kasi si Davis na ibalik si Steph at ang saya naman ng dalaga nang malaman nito na ito na muli ang naka-assign sa paglilinis ng opisina ni Davis. “Anong hindi dapat para sa ‘yo? Haler!” Rizza flip her hair. “Si Mr. Montefalco na kaya ang pumili sa ‘yo. Kung tutuusin, wala naman magagawa ang babaeng ‘yon kahit magngangawa ‘yon.” “Napapansin ko, bakit parang ayaw mo kay Steph. Okay naman kayo, ah?” nagtataka niyang tanong. “Nag-away ba kayo?” “Hindi naman, pero nang malaman ko kasi ang totoo niyang ugali ay ayaw ko na sa kanya.”

