Nang buksan ni Hope ang locker ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa nakitang tulip sa loob. One red tulip. Kinuha niya ito saka binuksan ang maliit na envelope na kasama ng bulaklak. Binasa niya ang nakasulat doon. Magkita tayo mamaya sa harap ng bahay mo. Susunduin kita ng alas-syete. I love you, Hope. - Davis Napakagat labi siya nang mabasa ang pangalan ng binata. Hindi nga siya nagkamali, galing nga ito kay Davis. Wala din naman kasing ibang magbibigay sa kanya ng tulip maliban sa binata. Niyakap niya ang tulip saka hindi napigilan ang mapangiti ng malaki. Kinikilig siya sa ginagawa ng binata. Hindi pa nga siya nakaka-recover sa ginawang simpleng the moves ng binata sa elevator tapos ito pa. Balak ata siya nitong patayin sa kilig. Napakagat-labi siya dahil parang gusto

