Lumabas na si Hope at nagmamadali na sumakay sa kotse ni Davis nang makita niyang naka-park ito sa harap ng compound nila. “Pasensya na. Tumakas lang kasi ako kay Scarlet, eh.” Napakamot siya sa kanyang batok ng tuluyan na siyang makapasok sa sasakyan. Lampas alas-syete na kasi siya nakalabas ng bahay dahil nahihiya siya at hindi alam ang sasabihin kapag nakita siya ng kanyang anak na ganito ang suot. Tumingin siya kay Davis ng hindi ito sumagot. Tulala itong nakatingin sa kanya. Napahawak siya sa kanyang buhok dahil para na siyang matutunaw sa hiya dahil sa titig nito sa kanya. “P-pangit ba? Hindi ba maganda?” Napayuko siya dahil sa hiya at lihim na pinunasan ang kanyang pisngi. Nilagyan kasi siya ni Romina ng kaunting make up para mas gumanda daw siya sa paningin ni Davis. “M-maganda

