“Ayos na po ang lahat, Mr. Montefalco,” sabi ni Henry, and secretary ni David. Tumango naman siya saka lumabas sa sasakyan. May isang babae na lumapit sa kanila para salubungin sila. “Good morning, Mr. David Montefalco,” bati ng babae sa kanya nang makalapit ito sa kanya. Inilihad nito ang isang kamay na agad naman niyang tinanggap. “Ako nga po pala si Athena Martinez, ang principal ng school,” pakilala nito sa sarili. They both shake their hands. “Good morning.” “Gusto ko lang po sana magpasalamat dahil isa ang school namin sa napili niyong tulungan. Malaking tulong na po ito sa school namin at sa mga bata na nag-aaral dito.” Nagsimula na silang maglakad. Napapatingin naman siya sa paligid. Maayos naman ang paaralan at kulang lang ito ng kaunting ayos at pintura para gumanda uli

