“Sasamahan po kita sa pag-meet sa kanya, Tita Anastasia,” sabi ni Saya nang malaman niya na pupuntahan nito ang tunay na Hope. Gusto niyang makita kung papaano ipahiya ng ginang si Hope. Gusto niyang nando’n siya kapag umiyak ito. Gusto niyang ipakita dito na siya ang mas pinagkakatiwalaan ng mga Montefalco kaysa sa kanya. Sigurado naman siya na sa kanya maniniwala ang mga ito dahil matagal na silang magkasama samantalang kamakailan lang nila nakilala si Hope. “Sige.” Lihim siyang napangisi dahil sa pagpayag nito. Humanda ka, Hope. Mas ipapamukha ko sa ‘yo na kahit ikaw ang totoong mahal ni Davis ay sisiguradohin ko na hindi ka nila tatanggapin kahit pa ipagtanggol ka ni Davis. Sumakay na siya sa kotse nito at nagpahatid sila sa driver nito papunta sa kompanya ni Davis. Halos

