Bumalik sa kompanya si Hope na mabigat ang nararamdaman. Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magagalit sa kanya ang ina ni Davis. Akala niya ay maayos na sila nang magkakilala sila. Hindi niya talaga inaasahan na aabot sa ganito ang gagawin ni Saya para lang hindi sila magkabalikan ni Davis. Kahit anu-ano na lang ang kasinungalingan ang pinagsasabi nito kay Anastasia. Hindi din naman niya masisisi ang ginang dahil hindi nito alam ang totoo. Tanging si Ethan lang at David ang nakakaaalam ng katotohanan. Huminga na lang siya nang malalim at pilit na winasik sa isip ang nangyari kanina. Napahawak siya sa kanyang pisngi at nararamdaman pa niya ang init dahil sa sampal ni Anastasia sa kanya kanina. Hindi niya inaasahan na gano’n pala kasakit ang masampal ng ginang. Mabait kasi ito

