Nagulat si Hope ng may papel na lumipad sa kanya. Tiningnan niya kung sino ang tumapon niyon sa kanya at nakita niya si Steph. Kinuha niya ang papel na tinapon nito saka tiningnan. Napakunot-noo siya nang mabasa na para itong schedule at may nakalagay na mga area. “Ano ‘to?” nakakunot ang noo niyang tanong sa dalaga. “Yan ang mga lilinisin mo ngayong araw,” mataray nitong sagot at naka-cross arm pangnakatingin sa kanya. “Ngayong araw?” “Bingi ka ba? Hindi mo ba ako narinig o hindi ka nakikinig sa sinasabi ko?” matigas nitong sabi sa kanya. “N-narinig ko naman, pero mayamaya ay uwian na din natin kaya papaano—” “Eh, di mag-overtime ka! Hindi mo ba alam ang salitang ‘yon?” Tinaasan siya nito ng kilay at naiinis na nakatingin sa kanya. “Palibhasa galing ka sa probinsiy

