Nasa isang party si Davis ngayon. Birthday ngayon ni Ethan, ang anak ng Tita Trisha at Tito Mike niya.
May hawak siyang isang baso ng wine saka nakatingin sa paligid. He is bored. Kapag ganito talagang mga okasyon ay mabilis siyang nabo-bored. Hindi kasi siya mahilig sa mga party. Dumadalo lang talaga siya sa mga birthday party, respeto na din sa mga kamag-anak niya at kaibigan.
Pero kahit kailan ay hindi siya nag-e-enjoy.
“Hoy!” Napatingin siya kay Ethan na bahagya siyang binangga.
Ngumiti siya dito saka itinaas ang hawak niyang wine. “Happy birthday, Dude.”
Itinaas din nito ang wine saka nila pinag-cheers. “Thanks, Dude.” Sabay nilang ininom ang wine. “Nabo-bored ka na naman?” tanong nito habang nakatingin sa mga bisita nito.
Bahagya siyang natawa. “You know me.”
Natawa din ito. “Feeling ko tuloy ang boring ko ding tao kasi hindi ka man lang kita napasaya sa party ko.”
“That’s not true. You know you are my best bud.”
Matanda ito sa kanya ng ilang taon, pero close pa rin sila. Tinawag niya itong kuya noon, pero hindi ito pumayag. Gusto nitong maging mag-best friend sila. Para din naman silang magka-edad lang dahil bata pa rin itong tingnan.
“You know what it really stress me?”
“Your mom, asking you when are you gonna get married?” hula niya na alam niyang iyon naman talaga ang sagot sa tanong nito.
“You bet!”
Sabay silang natawa. “Hindi naman ako nai-stress kapag tinatanong ako ni mommy tungkol diyan. Alam kong gusto niya, pero naiintindihan pa rin niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa din akong nahahanap.”
“Mabuti pa si Tita Anastasia. She understand you.” Tumingin ito sa mommy nito. “My mom didn’t.”
Napatingin siya sa kinaroroonan ng mommy at daddy niya na kausap din ang mga kaibigan nito. Kasama nito sina Trisha, Mike, Amber, Kai, Denver at Monicca.
“Matanda ka na kasi. Thirty ka na kaya ngayon,” biro niya dito saka natawa.
“I’m still not that old.” Napailing-iling ito. “I’m still enjoying my freedom, you know?” Tumingin ulit ito sa kanya. “Sabi kasi nila, once you get married, there is no way to get out. Kaya naman hangga’t hindi pa ako nakakahanap ng babaeng magtatali sa akin ay i-enjoy-in ko na muna ang pagiging binata ko.”
Kahit may pagkapilyo ang kaibigan niyang ito ay kagaya din niya ito mag-isip. Ayaw nitong pilitin ang sarili sa isang babae o ayaw nitong madaliin ang sarili na makahanap agad ng magiging asawa. Kahit pa araw-araw itong inaaway ng ina nito para mag-asawa na.
“Anyway, Dude, thank you sa malaking pera na binigay mo sa charity,” pag-iiba niya ng usapan.
Isa si Ethan sa mga taong nagbibigay ng malaking donasyon sa charity niya. Kahit hindi ito sumasama sa kanya ay nagbibigay naman ito ng mga kailangan ng mga tao.
“Wala ‘yon. Balita ko sa isang liblib kayo na lugar pupunta bukas. Bakit naman do’n?”
Ininum niya nag wine bago sumagot, “Mas kailangan ng mga tao doon ang tulong. Lalo na’t malayo sila sa syudad.”
Inakbayan siya nito saka bahagyang ginulo ang kanyang buhok. “Ang bait mo talaga.”
Natawa siya. “Gano’n ka din naman, ah. Hindi nga lang halata.”
Sabay silang natawa.
“MAG-IINGAT kayo sa byahe, Anak,” sabi ni Anastasia kay Davis na naghahanda para sa pag-alis nila.
“I will, Mom.” Niyakap siya ng mommy niya ng maghigpit.
Napangiti naman siya dahil parang naglalambing na naman ito sa kanya. Alam niya mami-miss na naman siya ng sobra ng mommy niya at gano’n din naman siya. Pero kahit gano’n ang nararamdaman ng mommy niya ay nagpapasalamat pa rin siya dito dahil naiintindihan nito ang kanyang ginagawa.
“Take care, Son.” Napatingin siya sa daddy niya na nakatayo sa likod ng mommy niya. Tinapik ni David ang balikat niya.
“I will, Dad.” Tumango ito sa kanya saka ngumiti.
Napahiwalay siya mula sa pagkakayakap sa kanyang mommy at bahagyang nalungkot ng makitang umiiyak na naman ito. Kaya minsan parang ayaw niyang magpaalam dito kapag aalis na siya dahil lagi na lang itong umiiyak.
Pero hindi naman niya magawang hindi magpaalam sa mga ito dahil mag-aalala ang mga ito sa kanya.
“Mom, I promise that I will take care of myself.” Pilit niyang pinapatahan ito.
“Hindi naman ‘yon ang iniiyak ko, eh.” Pinunasan ni Anastasia ang kanyang mga luha.
Nagtaka siya. Kung hindi ito umiiyak dahil aalis siya, eh, “Ano?”
“Gusto ko lang sana na sa pag-uwi mo may dala ka ng babae na papakasalan mo.”
Napakamot siya sa batok niya. Here them ago again. Parang ang hirap naman ata ng request ng ina niya.
“Mom, naman.” Alam naman na nito na hindi gano’n kadali ang makahanap ng babaeng alam mong siya na nga.
“Don’t pressure our son, Wife.” Hinawakan ni David ang magkabilang balikat nito. “Let him find her on his own.”
“Nag-aalala lang naman ako sa anak natin, Hubby. Ilang taon na siya, pero hindi pa rin siya nag-aasawa,” nakanguso nitong sabi sa asawa.
“Come on, Wife. It’s not base on the age to marry. Do you still remember how old are we when we get married?” Hindi ito nakasagot. “Dadating din ang tamang babae para kay Davis sa tamang panahon. Just wait. Yon naman ang ginawa mo para sa akin noon, ‘di ba?”
Napatitig si Anastasia kay David. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa dalawa. Nakikita niya talaga sa mga mata nito na mahal na mahal nito ang isa’t-isa.
Napanguso ang kanyang ina ng bumaling sa kanya, pero nginitian niya lang ito. His dad save him again.
“Basta, ipangako mo sa akin na hindi ka tatandang binata!” Natawa siya ng dinuro siya nito.
“I promise, Mom.” Itinaas pa niya ang kanang kamay bilang pangako dito.
Alam naman niyang tanging gusto lang nito ay may mag-aalaga sa kanya at makakasama niya habang buhay. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay malapit na niyang mahanap ang babaeng ‘yon.
ISANG ARAW din ang naging byahe nila bago sila nakarating sa lugar kung saan ang susunod nilang tutulungan. Umaga na ng makarating sila.
Nang makababa siya sa sasakyan ay namangha siya sa lugar dahil napakaganda nito. Berdeng-berde mong makikita ang mga halaman at kabundukan na nakapalibot sa maliit na bayan.
Napangiti siya ng makitang napaka-simple ng suot ng mga tao dito at ang iba ay nakasuot pa ng tradional nitong damit, kagaya na lang ng mga tribo sa bukid. Napakagaan sa pakiramdam ang lugar na ito.
Wala kasing polusyon. Walang usok na nagmumula sa mga sasakyan na sumisira ng ozone layer. Dito, masarap at malamig ang hangin. Malamig talaga dito dahil halos nasa taas na sila ng bundok. Kahit mataas na ang araw ay ramdam na ramdam pa rin nila ang lamig.
Mabuti na lang pala nakapagdala sila ng maraming jacket dahil napakalamig naman pala sa lugar na ito.
“Magandang araw po,” bati niya sa isang matandang lalaki na kung titingnan niya ay ito ang namamahala sa lugar.
“Magandang umaga din sa ‘yo, Hijo.” Tumingin ito ng mabuti sa kanya. “Kayo na ba ang sinabi ni Roberto na ang mga taong tutulong sa amin?”
“Sila nga Lolo,” sabi ng isang binatang lalaki. “Ako nga pala si Berto, apo ni Lolo Aka.”
Nakipagkamay siya dito. “Ako naman si Davis at sila ang mga kasama ko.” Tinuro niya ang mga kasama niya. Kumaway naman ang mga ito. “Nagdala kami ng mga kakailanganin niyo. Nabalitaan kasi namin na masyadong malaki ang napinsala sa lugar ninyo dahil sa bagyo.”
“Oo, eh. Halos nasira ang lahat ng mga tanim naming palay at gulay. Hindi namin alam kung papaano babawiin ang mga ‘yon gayong maliit na lang ang natira sa mga semelya.”
“Huwag kayong mag-alala, may dala din kami para makapagtanim ulit kayo.”
“Naku! Maraming salamat.” Masaya nitong hinawakan ang kanyang kamay.
“Walang anuman,” nakangiti niyang sabi dito.
“Narinig mo ‘yon, Lolo Aka? Makakapagtanim na tayo ulit sa tulong nila.”
“Gano’n ba, Apo?” Bumaling naman ito sa kanya. “Maraming salamat, Apo. Napakabait mo namang bata.”
“Walang anuman po, Lolo Aka.” Hinawakan niya ang kamay nito. Bumaling siya kay Berto. “Saan nga pala namin pwedeng ilagay ang mga gamit?”
“Sa bodega na lang. Malaki-laki din ang espasyo doon. Sandali, ituturo ni Hope sa inyo ang daan.” Tumingin ito sa likod. “Hope!”
Napatingin siya sa babaeng tinawag nitong Hope. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya ng makita ang isang maputing babae, na nakasuot ng isang pang-tribal na damit habang may suot sa ulo na isang bandana.
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Ito ang unang beses na nararamdaman niya ito.
Ito na ba ang babaeng sinasabi niya sa sarili niya na papakasalan siya. Mas nagulat siya ng mapansing may tulip na nakaipit sa tenga nito.
Tulip.