CHAPTER 3

1457 Words
Hanggang ngayon ay tulala pa ring nakatingin si Davis kay Hope na ngayon ay nasa harap na nila. Hindi niya maiwasan na mapatitig sa maganda nitong mukha at sa tulip na naiipit sa gitnang tenga nito. Pakiramdam niya ay nasa babaeng ito na ang mga senyales na hinahanap niya.   “Siya nga pala si Hope, Davis. Hope, siya naman si Davis,” pagpapakilala ni Berto sa kanilang dalawa. “Nandito sila para tulungan tayo. Sila ang sinasabi ni Manong Roberto na tutulong sa atin.”   “Maganda araw sa ‘yo, Ginoong Davis,” pormal nitong bati sa kanya saka napayuko ng kaunti.   Napakamot siya sa kanyang batok. “Davis na lang. Medyo nakakailang ang may ginoo.” Natawa siya saka napakamot sa pisngi.   Bahagya siyang napatigil ng sumilay sa labi nito ang isang matamis na ngiti. “Davis.”   Palihim siyang napahawak sa kanyang puso nang bumilis na naman ang t***k nito. Hindi niya alam, pero nakaramdam siya ng saya ng banggitin nito ang kanyang pangalan. Para bang ang pangalan na niya ang pinakamagandang pangalan sa buong mundo dahil lumabas iyon sa bibig ng dalaga.   “Nice meeting you, Hope.” Inilahad niya ang kanyang kamay na tiningnan lang nito.   Kumunot ang noo nito, tila ba parang hindi nito naiintindihan ang sinasabi niya. Napatingin ito sa kanya.   Napatingin siya kay Lolo Aka nang magsalita ito, “Pasensya ka na, hijo, at hindi kami mahusay sa salitang Ingles.”   “Ah gano’n po ba? Pasensya na po.” Tumingin siya ulit kay Hope habang nakalahad pa rin ang kanyang kamay. “Ang ibig kong sabihin kanina ay ikinagagalak kitang makilala, Hope.”   Napakagat-labi siya ng hindi pa rin nito tinanggap ang kanyang kamay. Para tuloy siyang napapahiya.   Napatingin siya ulit kay Lolo Aka. “Hindi kasi basta-basta nagpapahawak sa kamay o sa alin mang parte ng katawan ang mga kababaihan dito sa mga kalalakihan, Hijo.”   “Oh!” Kinuha niyang muli ang kanyang kamay.   Hindi niya akalain na may mga ganito pa rin pa lang tao sa mundo. Yong tipong makaluma ang paniniwala. Gano’n kasi ang sinaunang paniniwala. Sa lahat kasi ng maliliit na bayan o lugar na napapuntahan nila ay ngayon lang siya naka-encounter ng ganito.   “Pasensya na, hindi ko alam.” Napakamot siya sa kanyang batok. Mukhang ilang beses na siyang napahiya sa harap ng dalaga ngayong araw.   “Ayos lang.” Ngumiti ang dalaga sa kanya.   “Siya nga pala, Hope.” Bumaling kay Berto ang atensyon ng dalaga. “Pakisamahan sila sa bodega para doon ilagay ang mga dala nilang tulong para sa atin.”   “Masusunod, Berto.” Bahagya itong yumuko saka muling bumaling sa kanya. Muntik na niyang mahigit ang hininga niya nang tumingin ito sa kanya. “Sumunod kayo sa akin.”   “Ah, sige,” nauutal niyang sagot.   Tumalikod na ito saka naglakad muli. Mabuti na lang at hindi napansin ng dalaga ang pagkautal niya kung hindi ay gusto na niyang magpalibing sa lupa dahil sa hiya. Huminga muna siya ng malalim bago sumunod sa dalaga.   Ilang hakbang pa ang nilakad nila bago sila makarating sa isang medyo may kalakihang bahay na gawa sa kahoy. Nang buksan ito ng dalaga ay may tatlong sako sa loob at wala ng iba pang laman.   “Ano ang mga ‘yan?” Turo niya sa tatlong sako.   “Yan ang mga ani namin.”   “Yan lang?” gulat niyang tanong. “Sa pagkakaalam ko ay marami kayong naaani. Nabenta niyo na ba ang iba?”   “Hindi.” Lumapit ito sa sako saka inayos ang tayo nito dahil malapit na itong matumba. “Ito lang ang mga naani namin dahil sa bagyo. Nasira ang iba naming pananim kaya medyo naghihirap kami. Mabuti na lang at may mga tanim kaming gulay at prutas para may makain pa rin kami. Kapag wala kasi kaming ani ay wala kaming mabebenta sa bayan. Wala kaming paghahatian at ibibili ng mga kailangan namin.”   Napatango-tango naman siya. “Gano’n pala ‘yon. Mabuti na lang at nandito kami para tumulong sa inyo.”   Bumaling ito sa kanya saka ngumiti. “Salamat sa ‘yo at sa mga kasama mo dahil isa ang mumunti naming bayan ang napili niyong tulungan. Narinig ko ang usapan tungkol sa pagtulong ninyo sa mga taong mahirap. Kaya bilib na bilib ako sa inyo, sa iyo dahil may mga mabubusilak kayong puso.”   Napayuko siya dahil naramdaman niyang uminit ang kanyang mukha. Tumikhim muna siya bago nagsalitang muli. Baka kasi mautal na naman siya at tuluyan na iyong mapansin ng dalaga. Nakakahiya na kapag nangyari ‘yon.   “Binabahagi lang naman namin kung anong meron kami. Hindi din naman kasi sa lahat ng oras ay pera ang makakapagpasaya sa isang tao. Sa akin naman, nagiging masaya ako kapag may natutulungan akong mga tao.”   “Kaya nga humahanga ako sa mga katulad mo.” Napalunok siya. Bakit parang iba sa kanya ang ibig nitong sabihin? Napailing-iling siya. Kung anu-ano na lang pumapasok sa isip niya. “Siya nga pala.”   Napatingin siya dito ng lumapit ito sa kanya saka huminto ng nasa harap na niya ito. Tinanggal nito ang tulip na nakaipit sa tenga nito saka inilahad sa kanya. Hindi niya maiwasan na magulat.   “Para sa ‘yo.”   Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa tulip na nakalahad sa kanya. Hindi niya inaasahan na may magbibigay sa kanya ng tulip. Ang inaasahan niya kasi ay siya ang magbibigay ng tulip sa babaeng mamahalin niya habang buhay at papakasalan.   Nakatitig pa rin siya sa bulaklak. “Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng tulip?”   “Ang pulang tulip ay simbolo ng pag-ibig,” sagot nito dahilan para mapatitig siya dito, pero nakatingin lang ito sa bulaklak.   Kaya nga pinangako niya sa sarili niya na bibigyan niya ng tulip ang babaeng mamahalain at papakasalan niya dahil masyado malalim ang ibig sabihin ng bulaklak sa kanya. Red tulips means to him is true, perfect, deep and everlasting love. Pang habang buhay. Kaya ang babaeng mapapangasawa niya lang ang bibigyan niya ng tulips.   Nagulat na lang siya ng tumawa ito. “Huwag kang mag-isip ng kung ano. Walang ibang ibig sabihin ang bulaklak na ito na ibibigay ko sa ‘yo. Ito lang kasi ang bulaklak na maayos na nakita ko. Nasira din kasi ng bagyo ang iba kong pananim na bulaklak. Sabi kasi nila, kapag may bisita ay bigyan ng bulaklak bilang magandang pagsalubong namin sa kanila.”   Medyo nasaktan siya ng iyon pala ang dahilan nito kaya siya binibigyan nito ng tulip. Aaminin niya, bahagya siyang umasa. Umasa na sa unang tingin pa lang nito sa kanya ay agad na may mararamdaman na ito para sa kanya. Pero dahil nasa makaluma itong paniniwala ay alam niyang imposible iyon. Sa mga millennial lang kasi nangyayari ang love at first sight.   Pinagdikit niya ang kamay nila dahilan para magulat ang dalaga. Mahina niyang itinulak ang bulaklak na hawak nito pabalik dito. Hindi niya hinawakan ang kamay ng dalaga. Tanging magkadikit lang. Alam niya kasi na hindi pwedeng basta-basta hawakan ng mga kalalakihan ang mga kababaihan.   “Pasensya na, pero hindi ko matatanggap ‘yan.” Ibinaba na niya ang kanyang kamay.   Nagulat itong napatingin sa kanya. “Ayaw mo ba ng tulip? Hindi mo ba nagustohan?”   Ngumiti siya dito. “Hindi sa hindi ko nagustohan. Sa katunayan, I love tulips. Gustong-gusto ko ang bulaklak na tulips.”   “Kung gano’n naman pala, tanggapin mo bilang pagsalubong namin sa inyo.” Inilahad nitong muli ang tulip sa kanya.   Umiling siya nang may ngiti sa labi. “Hindi ko matatanggap ‘yan dahil malalim ang ibig sabihin sa akin ng bulaklak na niyan. Alam mo na pag-ibig ang simbolo niyan at ipinangako ko sa sarili ko na ang babaeng mamahalin at papakasalan ko lang ang bibigyan ko ng bulaklak na iyan.”   Napatitig ito sa mga mata niya. Hindi niya maiwasan na mamangha sa maganda at inosente nitong mga mata. Gusto niyang hawakan ang buhok nito at iipit sa tenga nito ang takas nitong buhok, pero pinigilan niya ang kanyang sarili at paulit-ulit na sinasabi sa isip na bawal niya itong hawakan.   Napatititg siya sa naturang mapula nitong labi ng ngumiti ito sa kanya. “Ang lalim pala ng ibig sabihin ng bulaklak na ito para sa ‘yo. Napakaswerte ng babaeng mamahalin mo at mabibigyan mo ng ganitong bulaklak.” Tumitig ito sa mga mata niya. “Nakikita ko kasing mabait kang tao.”   Muli ay bumilis na naman ang t***k ng puso niya ng ngumiti ito ng matamis sa kanya. Huminga siya ng malalim saka nginitian din ito. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita si Hope, pero aalamin niya kung totoo ba itong nararamdaman niya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD