Natapos ang buong araw nang pagtatrabaho ni Hope. Malakas siyang napabuntong-hininga dahil buong araw ay hindi niya nakita ang binata. Hindi daw ito pumasok ayon sa mga naririnig niya sa mga empleyado sa opisina. Hindi niya maiwasan na malungkot dahil umasa siya na makikita niya ang binata ngayon. “Hoy!” Nagulat siya sa sigaw ni Rizza sa kanya dahil kasabay nang sigaw nito ang pagpatong ng kamay nito sa balikat niya. “Ayos ka lang ba, Hope?” Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil ang lakas ng t***k ng puso niya dahil sa gulat. “Bakit ka ba nanggugulat?” “Sorry naman. Hindi ko naman aakalain na magugulat ka. Buong araw ka kasing wala sa sarili. Ayos ka lang ba?” Hindi nito maiwasan na mag-alala para sa kaibigan dahil hindi naman kasi ito matamlay. “Ayos lang ako.” “Mukha

