Gumabi na pero hanggang ngayon ay nasa daan pa din sina Hope. Hindi na niya maiwasan na magtaka kung saan ba talaga siya dadalhin ng binata. Bigla siyang kinabahan dahil baka dalhin siya nito sa malayong lugar at bigla na lang iiwan doon. Hindi na siya makakabalik sa kanila. Papaano na lang ang anak niya? Hindi na niya ito makikita? Papaano na lang— Bigla siyang napatigil sa mga iniisip niya nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang kamay. “Ano bang iniisip mo? Mukhang ang lalim, ah. Care to share you though with me?” Hindi niya maiwasan na mapatawa ng pagak. “Iniisip ko lang kung saan mo ako dadalhin. Ginabi na kasi tayo sa daan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo nakakarating.” Hindi ito sumagot dahilan para mas lalo siyang kabahan. “May plano ka ba talagang iwan ako di

