“Pero, Babe—” “I’m sorry, Hope.” Napabuntong-hininga siya nang marinig ang mahina nitong paghikbi. “Akala ko ba babawi ka sa akin? Nangako ka na babawi ka sa akin, ‘di ba?” Muli na naman siyang napabuntong-hininga. Alam niyang sinabi niya iyon sa dalaga, na babawi siya. Pero nang mapagtanto niya na hindi isang normal na tao lang si Hope sa buhay niya ay nagbago ang isip niya. Napagtanto niya na hindi niya kayang malapit sa ibang babae maliban kay Hope— ang babaeng gumugulo sa isip niya. “I know, but I have important meetings this week kaya hindi kita masasamahan sa pag-prepare sa kasal,” pagsisinungaling niya. Ngayon kasi ang schedule nila para maghanap ng magandang pwedeng gawing venue sa kasal nila. Pero dahil sa hindi niya gusto ang magpakasal sa dalaga ay gumagawa siya ng mga excu

