CHAPTER 8

1321 Words
Alas-tres pa lang ng madaling araw ay gumising na si Davis saka lumabas sa bahay. Napatingin siya sa bahay kung saan nakatira ang dalaga. Kung ano man ang magiging desisyon ni Hope ay hindi siya susuko. Napabuga siya ng hangin bago naglakad papuntasa tambayan ng dalaga.   Binuksan niya ang kanyang flashlight at inilawan ang madilim na daan. Habang naglalakd papunta doon ay kung anu-ano nang tumatakbo sa kanyang isip, pero iisa lang ang dinadalangin niya, ang sana bigyan siya ng pagkakataon na patunayan ang sarili. Na sana maging sapat na ang mga binigay niyang bulaklak para bigyan ito ng lakas para harapin ang kinatatakutan nito.   Kahit hindi nito sabihin na natatakot ito na baka mangyari din dito ang nangyari sa ina nito ay alam niya. Sino ba naman kasi ang tao hindi matatakot na masaktan dahil sa pag-ibig, kahit siya man ay natatakot sa isiping baka hindi siya magustohan ni Hope, pero hindi siya susuko. Hindi niya susukuan ang dalaga.   Nang makarating sa kubo ay naupo siya sa labas habang nahihintay sa dalaga. Napatingin siya sa kanyang relong pambisig at nakitang malapit nang mag-alas kwatro. Kanina pa siya naghihintay kay Hope, pero hindi pa rin ito dumadating. Dumaan na naman ang isang oras at mag-a-alas singko na, pero ni anino ni Hope ay hindi niya nakita.   Napabuga siya ng hangin sa isiping hindi ang sagot ng dalaga. Napatingala siya sa langit at malapit na din lumabas ang araw. Napabuga siya nang hangin. Nalungkot siya dahil hindi nagpakita sa kanya si Hope, pero hindi ibig sabihin ay susuko na siya. Hindi siya titigil sa panliligaw nito hangga’t hindi nanggagaling sa bibig nito.   Nang sumapit na nga ang araw at alam niyang hindi na talaga dadating ang dalaga ay napagdesisyonan niyang umalis na at bumalik.   Nang makabalik siya ay agad siyang sinalubong ni Eren nang may ngiti sa labi. Napapatingin ito sa likod niya, hinahanap ang dalaga.   “Nasaan si Hope, Davis? Anong sagot niya?” sunod-sunod nitong tanong sa kanya. Napabuga siya nang hangin dahilan para malaman nito agad ang kanyang sagot. “Hindi siya dumating?”   Maliit na ngiti ang kanyang pinakawalan, “Gano’n na nga.”   Nakita niyang nalungkot ito para sa kanya. “Anong plano mo ngayon?”   “Gaya nang sabi mo. Hindi ako susuko. Hindi ko siya susukuan.”   Napangiti ulit ito saka tinapik ang braso niya. “Ganyan nga. Ipakita mo sa kanya na malaki kang kawalan kung papakawalan ka niya.” Napailing na lang siya.   SUMAPIT ang tanghali ay pumunta siya sa bahay nina Hope at may dalang pagkain na siya mismo ang nagluto. Nakalagay ito sa magkaibang tupperwear ang dalawang uri ng ulam. Kumatok siya at gaya kahapon ay ang lola Belya ni Hope ang nagbukas.   “Magandang tanghali, Lola Belya. Kumain na po ba kayo ng tanghalian?”   “Magandang tanghali din sa ‘yo, Hijo. Pasok ka.” Mas binuksan pa nito ang pinto. “Hindi pa kami nananghalian.”   “Tamang-tama po may dala po akong masarap na ulam.”   “Talaga?” Binuksan nito ang tupperwear saka inamoy ang ulam. “Naku! Mukhang masarap, ah. Amoy pa lang.”   “Masarap po talaga ‘yan, Lola Belay, dahil ako mismo ang nagluto niyan.”   Nagulat ito sa sinabi niya. “Ikaw mismo ang nagluto nito?” Tumango siya bilang sagot. “Marunong ka pala magluto?”   “Opo, Lola. Tinuruan kasi ako ni mommy, lalo na’t umaalis kami kailangan marunong ako magluto at para syempre,” lumapit siya sa tenga nito saka bumulong. “para ipagluto ang mapapangasawa ko.”   Napahagikgik ito. “Ikaw talagang bata ka.” Mahina siya nitong hinampas sa braso. “Napakaswerte talaga ng mapapangasawa mo.”   “Maswerte po talaga sa akin si Hope, Lola.”   Natawa na naman ito. “Siya talaga ang gusto mo, ano?”   “Wala na pong iba, Lola Belya.”   Napangiti ito sa kanya. “Oh, siya. Puntahan mo sa kusina si Hope dahil nagpapaapoy iyon para sa pagsaing niya.”   “Sige po, Lola.” Kinindatan niya ito bago siya lumabas sa likod ng bahay nito kung nasaan ang kusina nito.   Nakita niya si Hope na hinihipan ang pinapaapoy nitong kahoy habang may inaabot. Nakita niya ang inaabot nitong isang punit na cartoon, ito siguro ang gagawin nitong pamaypay. Lihim siyang lumapit sa tabi nito saka kinuha ang cartoon at inilahad sa dalaga.   “Salamat—” Bigla itong napatingin sa kanya ng ma-realize na may nagbigay ng cartoon dito.   Muntik na itong matumba dahil sa gulat nang makita siya, mabuti na lang at mabilis siya at nasalo niya agad ito.   “Ayos ka lang ba?” may pag-aalala niyang tanong.   Kung hindi pa niya nasalo ito ay baka natumba na ito. Hindi niya alam kung anong gagawin kung nasaktan ito dahil sa kagagawan niya. Kung hindi ba naman kasi niya ito ginulat ay hindi ito muntik na matutumba.   Agad itong humiwalay sa kanya. “A-ano ba kasing ginagawa mo dito?”   “Nagdala kasi ako ng ulam para sa inyo ni Lola Belya.”   “Bakit?”   “Para may ulam kayo?” patanong niyang sagot saka ngumiti dito.   “Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kusina? Sana doon ka na lang sa sala at nakipag-usap kay Lola.” tanong nito saka sinimulan na ang pagpaypay sa apoy.   “Ako na.” Agad niyang kinuha ang cartoon saka siya na mismo ang nagpaypay.   Mabilis itong lumayo sa kanya at hindi makatingin. “Bakit pumunta ka pa dito sa bahay? Alam mo na ang sagot ko, ‘di ba? Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito ka pa rin.”   “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kahapon?” Humarap siya dito nang makita niyang umaapoy na ang kahoy. “Sinabi ko naman sa ‘yo na hindi porque hindi ka pumunta ay titigil na ako sa panliligaw ko sa ‘yo. Mahal kita, Hope.”   Bigla itong natigilan sa akmang pagbuhat nito sa panggatong. Tumingin ito nang diretso sa mga mata niya. “Bakit parang ang bilis lang sabihin ang mga katagang ‘yan para sa ‘yo.”   “Kasi mahal kita.” Nakita niya ang paninigas nito. “Kasi ‘yon ang totoo, Hope.” Lumapit siya dito dahilan para mapaatras ito, pero dahil wala na itong maatrasan ay napatigil ito sa pag-atras. Hinawakan niya ang kamay nito saka hinalikan habang nakatingin sa mga mata nito. “Mahal kita, Hope, at maghihintay ako hanggang sa mahalin mo din ako.”   Hinawakan nito ang dibdib niya saka bahagya siyang tinulak. Dahil sa titig na titig siya sa bawat galaw ng dalaga ay nakita niya ang paglunok nito.   “Bakit ako, Davis?”   “Dahil ikaw ang tinitibok ng puso ko, Hope. Hindi mo naman mapipigilan ang puso kapag tumibok na siya sa isang tao, ‘di ba?”   “Pero paano naman ako?” Bigla siyang natigilan sa naging tanong nito. Napakurap-kurap siya. “Ganyan ka ba talaga? Pinipilit mo ang isang babae kahit ayaw naman sa ‘yo.” Napayuko siya.   Matagal siyang hindi nakasagot at hindi makatingin sa dalaga. Nanginginig ang kanyang mga kamay na binitawan ito.   “Pasensya na.”   NAPAKURAP-KURAP si Hope nang makitang lumabas si Davis pagkatapos nitong humingi nang pasensya. Napahawak siya sa mesa dahil pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng lakas na inipon niya kanina para sa paghaharap nila ng binata. Tuluyan na siyang napaupo at napahilamos sa mukha.   Hindi niya gustong saktan ang binata. Aaminin niya na may nararamdaman na din siya para dito, pero hindi iyon sapat para maging matapang siyang harapin ang takot sa puso niya. Natatakot siyang mangyari din sa kanya ang nangyari sa kanyang ina. Pinangako din niya kasi sa sarili niya na hahanapin niya ang kanyang ama at gusto niyang masagot ang tanong kung bakit hindi na sila nito binalikan.   Kaya hangga’t maaari ay ayaw niya munang magmahal, kaya hangga’t kaya niya ay pipigilan niya ang nararamdaman para sa binata.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD