"NO, I'M going home," sabi ni Kelvin sa mga kaibigan niya. Inulan siya ng protesta ng mga ito at kung ano-ano pa ang ibinansag sa kanya gaya ng "KJ" para lang pigilan siyang umalis. Si Jairi, isa sa mga dati niyang kaklase sa kolehiyo, ang kumaladkad sa kanya sa bar na iyon na nakareserba para sa kanilang magkakaibigan. Matagal-tagal na kasi silang hindi nagkakasama-sama kaya ngayon pinag-trip-an siyang dalhin ng mga ito roon. "I told you, my wife is pregnant at kailangan niya ako. Masasamang impulwensiya talaga kayo por que wala pa kayong asawa," naiiling na sabi niya. Pero kung hindi nahulog ang loob niya kay Gella, malamang ay isa siya sa mga nang-aalaska sa kung sino man sa barkada nila na may asawa na. "You've changed, dude," natatawang sabi ni Jairi. "Dati, ikaw ang nangunguna sa

