MAYROONG suite si Kelvin sa hotel kung saan ginanap ang anniversary party ng Chen Corporation. Ang orihinal niyang plano ay mag-stay doon mag-isa pagkatapos ng party. Gusto kasi niyang pag-isipan ang nararamdaman niya para kay Gella. Pero ang mismong tao na dapat muna niyang layuan habang nag-iisip siya ay ang kasama niya ngayon. Patuloy pa rin siya sa paghalik kay Gella pagdating nila sa suite. Namalayan na lang niya ang pagbunggo ng likod ng mga binti niya sa kama hanggang sa mapaupo siya roon. Walang pag-aatubiling kumandong si Gella sa kanya habang patuloy na tumutugon sa mga halik niya. Medyo lasing siya pero alam pa rin niya ang ginagawa niya. He wanted Gella now more than anything else. He broke the kiss so he could come up for air. When he looked at Gella's lips which were swolle

