NAKAKUNOT-NOONG nag-angat ng tingin si Kelvin sa humarang sa daraanan niya palabas ng opisina niya. "Get out of my f*****g way, Klein," naiinis na utos niya sa nakababata niyang kapatid. Mas matanda siya rito nang dalawang taon. "No, you f*****g get back inside," anito at itinulak siya pabalik sa loob ng opisina at saka isinara ang pinto. "Saan mo naman balak pumunta sa kalagitnaan ng trabaho mo, Kuya?" Pasalampak na umupo siya sa swivel chair. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Ano'ng kailangan mo?" Walang emosyong ibinaba nito ang ilang papeles sa mesa. "'Yan ang sales report natin para sa quarter na 'to. Baka lang 'kako may pakialam ka pa sa nangyayari sa kompanya natin. C'mon, bro, kailan ka ba magma-mature?" "Get your ass out of my office, Klein. Hindi ako papayag na sermunan

