"HIJA, look at these gowns. Tiyak na babagay sa 'yo ang mga 'to." "Naku, Tita. They're beautiful, but they look expensive. 'Yong simple na lang ho." Hindi alam ni Kelvin ang mararamdaman habang pinapanood ang mommy niya at si Gella na masayang namimili sa magazine ng wedding gown na gagamitin ni Gella sa kasal nila. Naroon sila ni Gella ngayon sa bahay ng mga magulang niya dahil sinabi na nila sa mga ito ang tungkol sa kalagayan ng babae. Nag-demand agad ang mga magulang niya na pakasalan niya si Gella pero agad ding kumalma nang sinabi niyang nag-propose na siya sa babae. Konserbatibo ang pamilya ni Kelvin kaya alam niyang sa una pa lang ay pipilitin na siya ng mga magulang niya na pakasalan si Gella. Isa pa, tanggap na tanggap ng mga ito si Gella dahil mabait ito at magandang impluwen

