KAGAT-KAGAT ni Gella ang dulo ng ball pen habang nakatitig sa papel kung saan nakasulat ang pros and cons ng pagpapakasal ng isang tao sa best friend nito. Why you should marry your best friend: You're comfortable with each other. Pati likaw ng bituka ng isa't isa, alam n'yo na kaya hindi na kayo magkakahiyaan. Hindi ka na rin mahihiya kahit mautot ka pa kapag kasama mo siya. Matagal na kayong graduate sa "getting-to-know-each-other" stage. Kaya mo nang sagutan ang slumbook niya para sa kanya, at pinagtatawanan ka na lang niya tuwing naaalala niya ang "most embarrassing moment" mo. Wala na kayong maitatagong sekreto sa isa't isa. Ultimo paggalaw ng mag mata niya ay alam mo na ang ibig sabihin kaya malabong makapagsinungaling pa siya sa 'yo. Alam din niya kung kailan ka naligo at kung k

