Chapter 4

1752 Words
Nakayakap ang mga braso ni Raven sa likod niya habang nakasubsob ang ulo nito sa kaniya. Nasa ganoong silang ayos nang imulat ni Shane ang mga mata. Nakadikit ang mukha niya sa malapad na dibdib ng binata at nakakulong sa matikas nitong mga bisig. Pakiramdam niya'y ayaw na niyang kumawala roon. She can smell his masculine scent and his breath ramdam din niya ang init na nagmumula sa katawan nito. She felt safe and secured in his arm. It was indeed, a dream come true for her. Kay tagal niyang pinangarap na makulong doon. Heaven! Dahil nakatabi pa niya ito sa pagtulog. Hindi tuloy niya maiwasan na huwag kiligin. Labis na nagagalak ang puso niya sa ayos nilang iyon. Bahagya pa siyang umusog at lalong isiniksik ang katawan palapit sa binata. Muli niyang ipinikit ang mga mata at hinayaang masamyo ang lalaking amoy nito. Pakiwari niya'y dininggin ng mga bulalakaw sa kalawakan ang matagal na niyang hinihiling. Subalit hinawi ng lungkot ang sayang nadarama niya nang maalala kung paano siya napunta sa poder nito. Gumuhit sa maganda niyang mukha ang panlulumo sa sinapit nang matalik niyang kaibigan. Naglandas ang mga luha sa kaniyang mga mata at yugyog ang mga balikat. It was all her fault. Kung sana'y kumilos siya kaagad ay marahil nakatawag pa siya ng tulong 'di sana'y buhay pa ngayon ang matalik niyang kaibigan. Subalit, takot na takot din siya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang nararapat niyang gawin. Humihikbing paninisi niya sa sarili. "Shane, I don't know what happened about you last night but you're safe here now. You have nothing to worry, sweetheart." Mahinang wika ni Raven nasa tinig nito ang siguridad. Ang totoo'y kanina pa ito gising ayaw lamang nito na magambala ang masarap na tulog niya Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap sa kanya ni Raven. Nararamdam din niya ang tiyak na kaligtasan sa mga bisig nito. Humihikbing inangat niya ang ulo. Halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha and there lips were almost touching but not kissing. Nakayuko sa kaniya ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata kasabay ng biglaang pananalasa ng matinding kaba sa dibdib niya. "R-Raven, si R-Rhea," Nangingilid ang mga luhang panimula niya, wari bang sinasariwa sa memorya ang kalupitang sinapit ng kaibigan. "Pinatay nila ang kaibigan ko, pinagsamantalahan ng mga hayop na iyon," muli ay hindi niya napigilan ang sariling huwag mapahagulhol. "Hush... bibigyan natin ng katarungan ang pagkawala ni Rhea,"Pinahid nito ang mga luha sa pisngi niya. "Don't cry, Sweetheart, leave it all to me." anitong Hinagkan siya sa buhok. Sinuklian naman niya ito ng mahigpit na yakap. Batid niyang mali ang katuwaang nadarama niya sa mga bisig nito lalo pa't sa kalagayan niya at sa nangyari sa kaibigan niya pero hindi niya maiwasan. She was always and always dreaming of him in this situation cuddling each other, kissing and making--? She rapidly cut off the malice playing in her mind. "Shane! Nakakahiya ka!" She really hated herself for that. Wrong timing! Maya-maya'y tumayo ang binata mula sa pagkakayakap sa kanya nang tumahan na siya sa pag-iyak. Kailangan ilayo ni Raven katawan mula kay Shane bago pa man tuluyang makalimot. Palihim din pinaglalaban ni Raven ang matinding pagnanasang nadarama sa pagkakataon iyon. What a jerk of him to feel that way sa maling pagkakataon and to think na sa katulad pa ni Shane. Napapadalas yata ang pagsaway niya sa sarili sa mabilis na reaksyon ng masilang parte ng katawan niya. Isa pa'y buong gabi rin hindi nakatulog ng maayos ang binata dahil pagkakadikit ng mga katawan nila. He's not maniac for all saint sake! Hindi rin ganon kabilis mapukaw ang damdamin niya para sa isang babae. But the woman he slept with was damnably risk and tempted for him. Hindi nito kayang magtagal sa ayos nilang iyon or else... Hindi niya naituloy ang sasabihin. Napahugot na lamang malalim na buntong hininga at nagpakawala ng hangin sa dibdib. "Take some rest, ipinaalam ko na kay Enricho na naririto ka at siya na ang bahalang magsabi kay nana Gina upang hindi na mag-alala ang mga magulang mo. Pahahatiran na rin kita ng almusal." "No! Please don't leave me, Raven. nakikiusap ako sa'yo, puntahan natin si Rhea. Gusto kong makita ang kaibigan ko," Muli nagmalabis ang mga luha sa mata nito. "Tinawagan ko na ang mga tauhan ko kagabi, they'll tell us kung may lead na sila kay Rhea," "For pity sake! Alam ko kung saan nila dinala si Rhea. Ituturo ko sa'yo, please." "Shane ikaw na rin ang nagsabi na nakita mo kung ano ang ginawa nila sa kaibigan mo and I'm pretty sure na nanganganib na rin pati ang buhay mo sa mga lalaking lumapastangan kay Rhea. Ikaw rin ang magiging susi para pagbayarin ang mga taong iyon. So, please stay calm. Sa ngayon kailangan mo munang magpahinga para makabawi ka ng lakas. Hayaan natin na batas ang maningil at magparusa sa kanila. Ipinapangako ko, mabubulok sa kulongan ang mga taong pumaslang sa kaibigan mo," May kasiguraduhang pahayag ni Raven. "But I can't! I can't just stay here, I wanna see her please," Luhaang isinubsob ang mukha sa dalawang palad. "I understand my sweet but for now am Afraid you can't. I can't let you go out there knowing that those bastard are still around hunting you." Binuhat siya nito pabalik sa kama pagkatapos ay marahang nilapag at kinumutan. "Magpahinga ka na muna at kapag maayos na ang pakiramdam mo, pangako, ihahatid kita sainyo," dagdag pa nito. Nakasisiguro si Raven na hina-hunting na ngayon ng mga ito si Shane. But he will make sure to send them all behind bars or better yet to send them all to hell for making his Shane felt helpless and miserable. He will break their neck with his bare hands once they touch his woman. Oh f**k! Why the f*****g fucker he would always wants to own her. It shouln't be however he can't help it. Besides, he will desperately won't hesitate to kill for her sake. And damn f*****g him too to felt such disgrace lust while consoling and comforting her. Hindi niya dapat maramdaman iyon lalo pa sa kondisyon ng dalaga. But oh well, he's just man with need. Nasa labas pa lang siya ng guestroom ay hinubad na niya ang damit. Pumasok sa loob at mabilis na tinungo ang banyo. Kailangan niyang magbabad sa malamig na tubig upang mawala ang init na nararamdaman niya. Sunod-sunod din ang kaniyang pagmumura dahil sa inaaktong iyon ng kaniyang katawan. For the very first time in his life he felt such great desire sa babaeng hindi niya dapat magustuhan. He has this urge feeling to bed her to savage her and 0h damn it man. Napangitngit siya sa kalukuhang tumatakbo sa isip niya. Isn't his fault to feel that way he is a healthy man with enormous and active s*x life. He can bed any woman he desire in just a snap of his finger yet he has to conceal and control himself over Shane. Walang siyang pagpipilihan kung hindi isuot muli ang damit niya kahapon ayaw niyang pumasok sa kanyang silid sa dahilang baka magambala niya ang pamamahinga ni Shane. Alam niyang masakit pa rin dito ang pagkawala ng kaibigan nito. Lalo pa at ito mismo ang nakasaksi sa naturang pagpaslang kay Rhea. "Hijo, kumusta si Shane?" Bungad na tanong sa kaniya ng ginang paglabas niya ng guest room. "She's not fine, ma. Dito muna siya habang hindi pa maayos ang kalagayan niya." "You should take care of her, hijo. May palagay akong may mabigat na dahilan kung bakit ganoon ang hitsura niya nang dalhin mo siya rito kagabi," "Nakita niya kung paano pinaslang ang kaibigan niya, ma." Tugon na aniya. Gimbal na natuptop ng ginang ang sariling bibig tanda ng pagkabigla. "Mahabaging langit," Sambit pa nito na sinabayan ng dasal. Akmang magsasalita pa ang kaniyang mama nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. "I'll be there, " Tipid na sagot niya sa kabilang linya. " I've got to go, ma. Ikaw na ang bahala kay Shane," Mabilis siyang humalik sa pisngi ng kaniyang ina. Hindi na binigyan ng pagkakataon na makasagot ang ginang. Hindi pa man niya nakikita ang bagong biktima ng chikinini gang ay malakas na ang kutob niya na si Rhea ang natagpuan patay ng kaniyang mga tauhan sa ilog. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan kulang nalang ay paliparin niya ang kotse marating lamang ang kinaroroonan ng bangkay. Pagkalipas ng ilang minuto ay narating na rin niya ang naturang lugar. Tama nga ang kanyang hinala. Nalumo siya nang makita kalunus-lunos na sinapit ng walang buhay na dalaga. Bakas sa bangkay nito ang panghahalay rito at pagpapahirap bago pinaslang. Katulad rin ng uniporme ni Shane ang nakatapis sa hubad nitong katawan. Hindi man niya kilala ang kaibigan ni shane nakasisiguro siyang si Rhea ang walang buhay na babaeng iyon. Biglang lumitaw sa kaniyang balintataw ang imahe ng dalaga. "Jesus christ!" Uubusin niya ang lahi ng mga Chikinini gang oras na hawakan ng mga ito kahit dulo ng daliri ni Shane. "Mark, Ikaw na ang bahalang magsabi sa mga magulang ng biktima," Nakayom ang kamao at nagtatagis ang mga bagang na utos niya sa lalaki. Bumalik din siya kaagad sa bahay ng mga magulang pagkatapos i-settle ang bangkay. Halos paliparin rin pabalik ang sasakyan marating lamang ang mansion. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis siyang nag-aalala para kay shane. Natatakot siya na matulad ito sa sinapit ng kaibigan nito. Higit sa lahat ayaw niyang mawala ito sa kaniyang paningin. For heaven sake he won't let anyone to touch her. Dire-diretsong umakyat sa ikalawang palapag si Raven nang marating ang mansion. Mabilis na tinungo ang sariling silid na kinaroroonan ni Shane. "Shane?" Tawag niya sa pangalan ng dalaga. Tinakbo siyang niyakap ni Shane, nang makita siya nitong pumasok sa silid. Hilam sa luha at mugto na rin ang mga mata nito sanhi ng walang tigil na pag-iyak. "R-Raven, natatakot ako, natatakot ako, huwag mo akong iiwan, please. Papatayin din nila ako tulad ng ginawa nila kay Rhea," humagulhol at nanginginig ang katawan na wika ni Shane. "Hush, hindi ko hahayaang mangyari iyon sa'yo, sweetheart. It won't happen to you." He embraced her as tight as he could to make her feel better even though just for a while. Sa pamamagitan ng kaniyang mga yakap nais niyang ipadama sa dalaga na walang itong dapat na ikabahala at ikatakot pagkat hindi niya ito pababayaan. Dadaan muna sa bangkay niya ang sinumang naghahangad at nagnanais ng hindi maganda para kay Shane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD