Sa pagpupumilit ni Shane na makita ang bangkay ng kaibigan ay sinamahan siya ni Raven sa morgue. Namumugto na ang mga mata niya sa kaiiyak. At ngayo'y lalo pang naninikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang wala nang buhay na katawan ng babae.
Kahapon lang ay kasama pa niya ito at masayang nakikipagkuwentuhan. Ngayon ay isa nang malamig na bangkay.
"Hush...my sweet, hindi makakabuti sa'yo ang labis na pag-iyak."
Si Raven na niyakap siya ng mahigpit para pakalmahin siya. Ipinagpapasalamat niya na nasa tabi niya ang binata na umaalalay sa kanya dahil baka kung wala ito ay masiraan na siya ng isip sa kakaisip. Kahit paano ay naiibsan ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng kaibigan.
"N-nasaan ang anak ko?" Mula sa pinto ay narinig niya ang boses ng ina ni Rhea.
"T-tita," Tanging nasambit niya.
"Anong nangyari sa anak ko? That's not her! Please tell me Shane hindi siya 'yan." Humagulhol na pagsusumamo ng ginang nakatingin sa nakahimlay na bangkay. Nanginginig ang kamay nito habang tinatanggal ang puting telang nakatakip sa bangkay.
"No! R-Rhea?!"
Umalingawngaw sa loob sa naturang silid ang malakas na hiyaw at iyak ng ginang. Humagulhol itong niyakap ang walang buhay na katawan ng anak habang pinapatahan ng luhaang esposo. Parehong nagluluksa at hindi matanggap ang kinasapitan ng kanilang nag-iisang anak.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Raven sa palad niya nang nasa loob na sila ng sasakyan. Nararamdaman niyang nagpapahiwatid lamang ito nasa tabi niya ito anumang sandaling kailangan niya ang binata.
Dumiretso na rin sila sa estasyon ng pulisya upang sampahan ng kaso ang mga lalaking may kagagawan sa pagkamatay ni Rhea. At dahil siya ang star witness sa pagpaslang sa kaibigan ay kinailangan niyangg mabigyan ng proteksyon. And there was Raven he volunteered himself to protect her and to keep her safe from those criminals.
Pansamantala ay manunuluyan muna siya sa safe house na pagmamay-ari ng lalaki habang nasa ere pa ang kaso. And of course god knows how happy she was. She knew that with him she will always be safe from any danger. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon pero pabor na pabor iyon para sa kanya.
Wala siyang damit na pampalit kaya kailangan niyang pumunta sa boarding hause na tinutuluyan niya upang kumuha ng mga gamit niya. Sinang-ayunan naman iyon ni Raven.
"Anong nangyari rito?" Tanong na aniya nang makitang sira ang pintuan ng okupado niyang silid. Nagkukumpulan rin ang mga kapwa niya boarders nakapatda sa mukha ng mga ito ang takot
"S-Shane?" Umiiyak na tawag ng landlady sa pangalan niya. Kasabay ng pagyakap nito sa kanya. "M-may mga armadong lalaking nagpunta rito, hinahanap ka nila," Anito ang mga mata'y namamasa pa rin sa luha.Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito ang nangyari kay Rhea.
Pinanlakihan siya ng mga mata at napakapit ng mahigpit sa braso ni Raven. Nakasisiguro siyang Si David at mga kaibigan ng lalaki ang tinutukoy nito.
"Nakilala n'yo ho ba?" Pagkuwan ay tanong ni Raven habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay niya.
"Nakatakip ang kanilang mga mukha, may mga baril sila at ikaw ang hinahanap nila, Shane." Isa sa mga board-mate niya ang sumagot.
Pakiramdam niya ay umakyat sa bawat himaymay ang matinding takot. Kinikilabutan siya sa maaaring mangyari sa kanya. Namalayan na lamang niyang umiiyak na siya habang nakatingin sa mga nagkalat na gamit sa salas.
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Raven sa kamay niya. Marahil ay nararamdaman ng lalaki ang takot na lumulukob sa kanya. "Don't worry my sweet you'll be safe with me," may assurance na wika nito. Ikinulong ang maganda niyang mukha sa dalawang palad nito. "Trust me " he added as he wipe her tears with his knuckles.
"May nasaktan ho ba sa inyo rito?" Maya-maya'y tanong ni Raven. Umiling naman ang landlady at ng mga studyanteng naroroon.
"Good."
Kinuha ni Raven telepono sa bulsa at may tinawagan ng sa kabilang linya.
"Are you a cop?" Boses iyon ng boarder na nasa tabi ng okupado niyang silid.
"Yes, I am." pormal na sagot ng lalaki.
"Eh, papaano kung bumalik ang mga lalaking iyon dito?" May pagpapacute sa boses na sabi pa nito.
"Oo nga paano kung saktan nila kami?" Dagdag pa ng isang studyante.
"Don't worry ladies parating na rito ang mga tauhan tinitiyak ko sa inyo na walang mangyayaring hindi maganda sa inyong lahat. Huwag na rin kayong mag-alala dahil hindi na muling makakatuntong sa lugar na ito ang mga taong sinasabi n'yo." Paniniguradong dadag pa ni Raven.
"Sana nga, hijo," ang landlady. " Shane, mas makakabuti siguro kung huwag ka na munang manatili dito para rin naman sa kaligtasan mo, hija."
"Huwag ho kayong mag-alala ma'am, naparito lamang kami para kunin ang mga gamit ni Shane." Magalang na sagot ni Raven.
"I'm sorry aling Jessica, pati ho kayo rito ay nadamay pa," malungkot na pahayag niya.
"Huwag mo ng isipin iyon bata ka ang mahalaga ay maging ligtas ka. Nakikiramay ako sa pagkawala ni Rhea,"malungkot na dagdag pa nito.
"Salamat ho," aniyang yumakap sa mabait na ginang.
Sa kabila ng takot na naranasan ng mga kapwa niya boarders ay hindi maitatago sa mga mata ng mga ito ang paghanga sa lalaking kasama niya. Siyempre pa hindi iyon nakaligtas sa matalas na paningin niya. She intentionally pressed herself towards him para ipakita sa mga ito off limits na ang lalaki. Alam niyang hindi tama iyon pero naiirita siya sa pagpapacute ng mga iyo kay Raven. And by hook or by crook she won't let anyone steal her man. She remarks.
"Dito ka na muna pansamantala habang hindi pa naipapakulong ang mga lalaking pumatay kay Rhea, huwag ka na rin mag-alala dahil safe ka rito. May limang guwardiya sa labas para magmasid at siguraduhing walang sinumang makakapasok." Pahayag ni Raven.
"A-aalis ka?" Naroon ang takot sa tono ng boses niya.
"Babalik ako estasyon,"
"P-pero,"
Ikinulong nito sa mga palad ang magandang niyang mukha. "Don't worry, nothing's gonna bad happen to you, Shane." Anitong ang mukha ay kahibla na lamqng ang pagitan sa mukha niya niya.
She felt like her whole being suddenly froze for their closeness. Ang kanyang mga mata ay napatingin sa mga labi ng lalaki. How she wish she can kiss him right away.
"Huwag ka ng mag isip ng kung anu-ano pa maliwanag ba Shane?" Malumay pero maawturidad na sabi pa nito habang matamang nakatitig sa kanya.
Oh god! She can even smell his fresh breath ang bango ng hininga nga ng lalaki. Ang sarap halikan at magpahalik. She giggle of the thoughts.
"Shane?"
Napapitlag siya at biglang naimulat ang mga mata. She felt the sudden burn of her both cheeks hindi niya namalayang naipikit na pala niya ang mga mata habang pinapangarap itong halikan siya sa mga labi.
"H--ha? Bakit?" Patay malisyang tugon niya.
"Get some rest," nakangiting sabi nito.
"O-okay, " nag iwas ng tingin kung bakit ba kasi ang lakas ng dating ng lalaking ito sa kanya.
"Eh, hindi naman talaga niya sinasadyang mapapikit eh."Kastigo pa niya sa sarili.
"Ah-eh anong oras ka babalik?"
"I won't be late, maya-maya'y darating si nana Gina to make sure na ayos ka lang dito. Anito na ang tinutukoy ay ang tiyahin niyang naninilbihan sa mag-asawang Izza at Enricho.
Samantala hindi naman tumitigil sa paghahanap sa kanya si David ang mga kasama nito.
"Dude, paano kung nakapagsumbong na sa mga pulis ang babaeng 'yon? Ayokong makulong." Tarantang saad ni Justine. Kasabay ng pagpapakawala nito ng usok ng sigarilyo.
Kuyom naman ni David ang sariling Kamao. Ito man ay hindi makakapayag na makapasok sa bilibid.
"We have to find her as soon as possible." Si Jasper. Isa sa mga kaibigan ng lalaki. Humigpit ang pagkakahawak nito sa basong naglalaman ng alak.
"I'll kill her!" Galit na bulalas ni Justine.
"Don't you ever dare, Justine." Pinukulan ito ng masamang tingin ni David. Napalingon dito ang iba pa nilang mga kasamahan.
"Why not, David? Ang babaeng 'yan ang sisira sa atin. Don't tell me na may gusto ka sa kaniya? After all this mess?" Nakipagbuno ng tingin angil ni Justine.
"None of your damn business. She's mine at walang sinuman sa inyo ang puwedeng gumalaw sa kaniya." He said in a thick voice.
"You're definetly insane! I won't hesitate to kill her oras na ako ang nakahanap sa putang inang Shane na 'yan."
Mabilis itong sinugod ng suntok ni David pagkatapos ay kinuwelyuhan ang lalaki. "Try, Justine, baka mauna kang paglamayan. " Galit na tugon nito nanlilisik habang nanlilisik ang mga mata na noon lang nakita ng mga kaibigan.
Inawat ito ni Jasper at ng iba pa nilang mga kasama. Marahas na inayus ni Justine ang nagusot na damit hindi hinihiwalay ang masamang tingin kay David. Padaskol itong lumabas ng pinto.
"All of you, hanapin niyo si Shane at iharap n'yo siya sa akin. At kapag nalaman kong sinaktan n'yo siya huwag na kayong magpapakita sa akin ng buhay. Maliwanag ba?!" May diin ang huling salitang anito.
--
Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ni Rhea Hindi matanggap ng mga kaibigan at kamag-anak ng dalaga ang maaga at biglaang pagpanaw nito. Higit sa lahat ay ang mga magulang ng yumaong babae.
Hindi na yata maubos-ubos ang mga luha sa mata niya sa walang patid niyang pag-iyak habang nakatunghay sa kabaong ng matalik na kaibigan. Lalo siyang nasasaktan sa tuwing naaalala ang mga masasayang alala nilang dalawa ang kakulitan nito at pagiging masalita nito. Hindi na rin niya makikita ang mga ngiti at halakhak ng matalik niyang kaibigan.
Napahagulhol siya ng malakas ng biglang maalala ang malagim na sinapit ni Rhea sa kamay ni David at mga kasama nito. Wala siyang nagawa. Wala siyang kuwentang kaibigan. Bakit hindi man lang niya nagawang saklulohan ang kaibigan sa panahong kailangan siya nito.
"Shane?" Mahinang tawag ni Raven. Ikinulong siya nito sa matikas na mga bisig habang inaalo. Kahit paano ay naiibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Labis-labis siyang nagpapasalamat at hindi siya pinapabayaan ng lalaki. Palagi itong nasa tabi niya sa tuwing kailagan niya.
"K-kasalanan ko, hindi ko man lang siya inawat na huwag sumama sa mga hayop na iyon, kasalan ko hindi ko man lwng siya natulongan at nailigtas habang binababoy siya ng mga demonyong iyon, kasalan ko." Humagulhol na paninisi niya sa sarili.
"No, my sweet. It's not your fault. Wala kang kasalanan. Please stop blaming yourself. None of this was your fault." Si Raven na niyakap siya ng mahigpit.
Lalo lamang siyang napahagulhol sa guilt na nadarama. She misses her bestfriend so much. Ito lang ang nag iisang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng mga sekreto niya at ngayon ay wala na ito. She cried more in vain.
"Hush...." Iginiya siya ni Raven paupo sa may mahabang sofa upang pakalmahin saglit siya nitong iniwan upang ikuha ng tubig.
Isuminghot-singhot na inangat ni Shane ang mukha sa pagkakayuko at sa kabiglaan niya'y mukha ni David ang kaniyang nakita. Tila siya itinulos sa pagkakaupo. Pinanlakihan ng mga mata habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa gilid.
Nakatingin din ito sa direksyon niya na naging dahilan para kilabutan siya sa takot.
"N-nandito s-siya," nasa boses ang takot na aniya. Sinundan ng tingin ni Raven ang tinatanaw ng dalaga.
Wala naman itong nakita liban sa mga pulis na naroroon.
"Shane, I think you need to rest, ihahatid na kita,"
"R-Raven nakita ko siya, naririto si David, nandito siya," magkahalong pagkapoot at galit ngayon ang nadarama niya.
Mabilis namang kumilos si Raven at lumabas pero tanging usok lang ng sasakyan ang naabutan nito. Tama nga si Shane.
Pagbalik nila sa safe house ay hindi siya siya kailanman iniwan ni Raven hangang sa pagtulog niya ay naroroon ito at nakayakp sa kanya hangang sa makatulog siya.
Wala na sa tabi niya si Raven pagmulat ng kaniyang mga mata. Kumpol ng mga rosas at note ang agad na nasipat ng kaniyang mga mata sa side table ng kama.
Sinamyu niya iyon at niyakap. Kahit paano ay naiibsan ang pagdadalamhati niya dahil sa pagiging gentle man at sweet ng binata.
Unfair man sa kaluluwa ng namayapang kaibigan dalangin niya na maunawaan din siya nito. Sapagkat gusto niya ang mga nangyayari. Ang makasama at makapiling ang lalaking lihim na iniibig. Alam naman iyon ni Rhea alam nitong matagal na siyang may gusto sa lalaki. Ito pa nga ang palaging nagsusulsol sa kanyang ipagtapat dito ang totoong damdamin para sa lalaki pero wala siyang lakas ng loob.
Buhat nang magpakita sa kanya si David ay hindi na siya hinayaang mapag-isa ni Raven. Palagi itong nasatabi niya at kung may gagawin man itong importante ay nag-aatas ito ng dalawa o tatlong tauhan para magbantay sa kanya.
Gustuhin man niyang pumasok sa unibersidad na pinapasukan ay hindi maaari. Naiintindihan naman iyon ng mga guro niya dahil maging ang mga ito ay nag-aalala rin sa kaniyang kaligtasan lalo pa't isa siya sa pinakamatlinong studyante sa paaralan iyon. Pero sinasamahan naman siya ni Raven sa university sa tuwing may exam sila pagkatapos ay babalik uli sa safe house.
Nagiging pabigat na siya sa lalaki lalo pa't di ito palagi itong nasa tabi niya at nakabantay. Kulang nalang ay pati sa loob ng banyo ay samahan siya ng lalaki.
In that case she'll love it even more. She will make sure that Raven won't take his eyes away from her body----oh gees! Kalaswaan na naman ang laman ng isip niya.