Nahuli na ng mga tauhan ni Raven ang apat na sangkot sa pagpatay sa kaibigan niya pero sina Justine at David ay nanatili pa rin malaya pero nakatitiyak siyang hindi titigil si Raven hanggat hindi nabubulok sa kulangan ang lahat ng mga sangkot sa krimen. Naroroon pa rin ang takot sa dibdib niya ngunit hanggat nasa pangangalaga siya ni Raven nakatitiyak siyang ligtas siya sa anumang kapahamakan. "What the heck is this, David?!" galit na sambulat ni Don Martin Corpuz sa anak. Hawak-hawak nito ang pahayagan na halos pangalan lahat ng lalaki ang nilalaman. Namumula ang mukha at tila lalabasan ng ugat ang leeg sa balitang sumalubong dito. Kagagaling lamang ng ginoo mula sa ibang bansa kasama ang may bahay nito. "Dad, that's not true," "And how can you explain this damn news, ha, David? Exp

