"tao po!" nan dito ako ngayon sa labas ng bahay nila aling Vivi. Makikiusap sana ako ulit dito na kung pwedeng iwan ko muna si Hyohan bukas dito. Dahil may pasok ako bukas at may lakad naman si Kim. Nakakailang katok na ako pero wala pa ding nagbubukas ng pinto.
....
"oh! Kamusta lakad mo? Pumayag ba si aling Vivi?" tanong ni Kim ng makapasok ako ng bahay. Wala pala sina aling Vivi isang linggo daw itong mamamalagi sa Cavite dahil may dinalaw ang mga ito doon, sabi ni aling Petchay. Nakita kasi ako nito na nasa labas ng bahay ni aling Vivi.
"wala nga ehh, wala pala sina aling Vivi sa bahay. May pinuntahan daw sa sunod na linggo pa daw ang uwi." sagot ko dito habang naglalakad papuntang kawayang upuan.
"pano yan? Gusto mo di nalang ako sumama bukas-? Agad kong pinutol sa pagsasalita si Kim.
" ano ka ba? Ako ng bahala bukas. Basta sasama ka sa kanila bukas." may diin kong sabi.
" ehh, pano si Hyohan? Walang magbabantay sa kanya bukas." tanong nito.
"basta, ako ng bahala. Mag enjoy ka sa pupuntahan niyo." sagot ko dito.
Nasa kwarto na siya ngayon. Iniisip ko kung anong gagawin ko bukas. Pwede namang di ako pumasok, isang araw lang naman. I-te-text ko nalang si John na di ako makakapasok. Wala kasi akong number ni Matteo, nakakalimutan ko kasi laging hingin.
....
Kinabukasan alasyete na ako nagising. Agad akong bumangon at pumunta ng banyo para makapag hilamos. Pagkalabas ko ng banyo hinanap ko agad ang de-keypad kong cellphone. I-te-text ko si John na di ako papasok. Siguro magdadahilan nalang ako na masama ang pakiramdam ko, siguro paniniwalaan naman ako nito.
Me: good morning John. Pasabi naman kay sir Matt di ako makakapasok. Masama kasi pakiramdam ko.
Send.
Mas okay na ito, atleast kahit isang araw lang di ko makita si Matteo. Naaalala ko kasi yung tagpo kahapon.
" Bakit kasi ang tanga ko?. Biruin mo nakipag chugchugan ako dito tapos iisipin ko panaginip lang ang lahat." halos sabunutan ko na ang sarili kapag naaalala ko ang katangahan ko. "inom pa kasi ng alak!"sigaw ng utak ko.
Natigil ako sa pag-iisip at nabaling ang paningin ko sa cellphone ng tumunog ito.
Binasa ko ito. Nagreply na pala si John.
John: Hala! Bakit? Anong nangyari bakla?
Nagtipa ako ng reply.
Me:Masama kasi pakiramdam ko, para akong lalagnatin.
Habang inaantay ang reply ni John. Lumabas muna ako ng kwarto, tulog pa kasi si Hyohan. Kaya maghahanda muna ako ng almusalan naming mag-ina. Di na pala uuwi si Kim dahil diretso na daw Ito sa lakad nito pagkatapos ng trabaho.
Nasa kusina na ako. dinidurog ko ang bahaw na kanin kagabi isasangag ko kasi Ito, ng biglang tumunog ang cell phone ko.
Nagpunas muna ako ng kamay tyaka inabot ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa.
John: sige, sabihin ko. Pagaling ka Barb. Get well soon.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa napaniwala ko si John, siguro naman maniniwala din si Matteo.
Dalawang oras na ang nakalipas matapos na maka text ko si John. Nag lilinis na ako ng bahay dahil wala naman akong gagawin maghapon. Si Hyohan naman ay busy sa paglalaro sa labas.
Matapos kong linisin ang sala umupo muna ako sa upuang kawayan. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng suot na short. Tinignan ko ang cellphone ko Kung may text ba si John. Gusto kong malaman kung anong sinabi ni Matteo sa hindi ko pagpasok ngayon.
Ngunit wala itong reply. Binalik ko na ang cellphone sa loob ng bulsa ng short ko, at tumayo na ako. Tapos ko na linisin ang buong bahay. Di naman kasi mahirap linisin Ito dahil maliit lang.
....
"Nay, punta po tayo doon. Sige na po!" Pakiusap ni Hyohan. Nasa mall Kasi kami ngayon. Dahil wala naman akong magawa pinasyal ko nalang si Hyohan. Para kahit papano matuwa naman Ito. Matagal tagal na Kasi yung huling gala naming mag ina.
"Sige baby punta tayo doon. Basta wag lang lalayo kay nanay ha." Bilin ko dito, nakita ko kasing napaka daming tao na naglalaro doon. Masyado pa namang makulit itong si Hyohan. Baka kung saan saan mag pupupunta.
"Sige po nay. Tara na po nay, doon po tayo." Pagkasabi nito hinila na siya nito papunta sa kumpulan ng mga naglalaro.
Parang walang sawa si Hyohan sa mga laruan na nakikita nito. Di ko masisisi Ito dahil halos dalawang beses ko lang nagagala sa mall si Hyohan sa loob ng isang buwan, dahil nga sa busy ako sa mga nagiging raket ko.kaya hinayaan ko nalang na mag enjoy Ito ngayon.
"Hyohan, baby. Di ka pa ba nagugutom? Tara na mamaya ka naman ulit maglaro. Kain muna tayo." Ang bilis ng oras mag aalas 12 na ng hapon. Kung di pa kumalam ang sikmura ko hindi ko mapapansin ang oras.
"Mamaya na po nanay. Isa nalang po." Sagot ni Hyohan habang ang mga paningin ay nakatutok sa binabaril nito na nasa screen.
"Ayy, talo! " Malungkot nitong Sabi. Namatay kasi Ito sa nilalaro nito.
"Kain na muna tayo, sige na. Mamaya babalik ulit tayo dito promise." Sabi ko kay Hyohan, dahil mukhang Hindi Ito nakakaramdam ng gutom dahil sa mga nilalaro nito.
"Sige na nga po nanay. Basta balik po tayo mamaya dito." Sumang-ayon nalang ako dito para pumayag itong kumain muna.
Sa Jollibee kami pumunta. Naghanap ako ng pweding maupuan dahil madaming tao sa loob kaya konti nalang ang bakante. Doon kami na upo sa may pinaka gilid kita namin ang mga tao na dumadaan sa labas ng kainan.
"Hyohan, dito ka lang ha. Bibili lang si nanay ng pagkain sa counter." Sabi ko kay Hyohan ng makaupo na kami sa upuan.
"Sige po nay." Sagot naman nito habang inaayos ang sarili sa pagkakaupo.
Pumunta na ako ng counter para mag order. Isang 1pc chicken and rice at sunday ice cream ang kay Hyohan dahil Ito ang paburito nito. Habang ang akin ay yum burger, burger Patty with rice at coke float Ang drink.
Inabot ko na ang bayad sa cashier.
Sinulyapan ko muna si Hyohan sa mesa namin habang inaantay ang sukli. Naglalaro Ito doon gamit ang mga daliri.
"Ma'am, here your change, thank you." Napabaling ang tingin ko sa nag salitang cashier. Inabot ko ang sukli at tyaka nag pasalamat.
May inabot sa akin ang cashier na number ihahatid nalang daw sa mesa yung order pagkatapos ihanda.
Kaya tumalikod na ako upang maglakad patungo sa mesa namin ni Hyohan.
Nang madako ang paningin ko sa mesa kung saan ko iniwan si Hyohan, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Parang di ako makahinga habang naglalakad papunta doon. Halos takbuhin ko ang lamesa. Pero pagdating ko doon wala nga talaga si Hyohan. Wala Ito sa upuan nito kanina. Kinakabahan na ako. Parang gusto ng tumalon ng puso ko dahil sa sobrang kaba.
Nilibot ko ang buong paningin sa kabuoan ng kainan ngunit hindi ko talaga makita si Hyohan.
Tumakbo ako sa Cr dahil baka Nan doon ito. Baka naihi lang Ito. Ngunit pagdating ko doon walang Hyohan.
Muli akong tumakbo pabalik sa mesa namin ngunit wala din Ito. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Para na akong mababaliw. Pumunta ako sa guard na nakatayo sa entrance ng Jollibe. " Kuya, may nakita po ba kayong batang lalaki na 5 years old. Naka blue po siyang damit naka pantalon din po siya na kulay itim tapos rubber shoes na itim." nagmamadaling tanong ko sa guard, para na akong tatakasan ngbkatinuan. Ngunit wala daw itong napansin dahil masyado daw madami ang batang lumalabas mula sa loob.
Tinakbo ko ang daan palabas ng kainan. Nagbabakasakali akong baka nasa labas lang ito.
Nilibot ko ang paningin ko ngunit hindi ko ito makita. Lakad takbo ang ginawa ko pabalik sa mga dinaan namin kanina. Inisip ko na baka bumalik Ito sa pinuntahan naming laruan kanina.
Hindi ko namalayan habang naglalakad tumutulo na pala ang luha ko. Pinagtitinginan na ako ng mga nakakasalubong ko. Ngunit wala akong pakialam sa mga iniisip ng mga Ito. Ang mahalaga para sa akin ay makita ko si Hyohan.
Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang batang lalaki na umiiyak sa isang sulok. Kahit nakatalikod Ito ay nakikilala ko Ito. Parang gusto kong lumipad papunta sa kinaroroonan nito. Gusto kong yakapin Ito ng mahigpit yung bang hindi Ito makawawala sa akin.
Ngunit natigil ako sa paglalakad ng mapansin ko ang isang bulto ng lalaki na nakaluhod sa harapan ng bata. Parang pinukpok ng sampung beses ang puso ko sa sobrang kabog.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga Ito.
Nang humarap si Hyohan sa gawi ko agad itong tumigil sa pag-iyak at tumakbo patungo sa akin.
Nang makalapit Ito hindi ko na napigilan ang maiyak. Niyakap ko Ito ng mahigpit at kinintalan ng mga mumunting halik sa paligid ng mukha nito.
Natigil ako sa ginagawa Kong paghalik kay Hyohan ng isang malaking bulto ang umagaw sa pansin ko. Nakatayo Ito sa harapan ko. Kita ko sa mga mata nito ang napakadilim na aura.
Gusto kong tumayo sa pagkakasalampak sa lapag at hilahin si Hyohan para makaalis sa harapan ng lalaking Ito. Dahil biglang parang binundol ng kaba ang dibdib ko dahil sa mga nakikita ko sa mata nito.
Pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi ako dapat matakot dito dahil wala naman itong naaalala sa mga nangyari noon.
Ngunit laking gulat ko ng biglang kumalas si Hyohan sa pagkakayakap sa akin at nilusob nito ng yakap ang lalaking nakatayo sa harapan ko. At mas lalong nagbigay ng kakaibang kabog sa dibdib ko ang sumunod na sinabi ni Hyohan sa lalaking yakap yakap nito ngayon.
"Tatay!"