"oh, gising ka na pala! " tanong ni Kim ng makalabas ako ng kwarto.
Natigilan ako ng maalala ko si Hyohan, iniwan ko nga pala ito kina aling Vivi.
"puntahan ko pala si Hyohan kina aling Vivi, hindi ko na kasi nasundo kagabi baka tulog na." paalam ko kay Kim. Natigilan ako ng pumasok si Hyohan sa pinto.
"di na kailangan, hinatid na kanina ni aling Vivi si Hyohan dahil may lalakaran daw ang pamilya nito na maaga." nakaramdam ako ng hiya para kay aling Vivi dahil sa abalang nagawa ko. Mamaya nalang ako magpapasalamat. Bulong ko sa sarili.
"kanina pa nga yan nandito di ka lang ginising, mukhang pagod na pagod ka ehh. Sya nga pala, kamusta lakad mo kagabi?" Sabi nito na parang may gustong ipahiwatig. Siguro nakakita kana ng jojowain dun no?" tanong ni Kim habang nagsasalin ng pagkain sa plato.
Lumapit ako sa lamesa kung nasaan si Kim at umupo ako sa tapat nito, ganun din ang ginawa ni Hyohan, umupo ito sa tabi ko.
"anong, pinagsasabi mo? Wala no. Tyaka tumigil ka nga nasa harap mo si Hyohan, baka kung anong isipin ng bata." sita ko dito sabay tingin sa gilid ko kung nasaan si Hyohan.
"nay, ano po yung jowa?" tanong sa akin ni Hyohan. Sabi ko na nga ba ehh, to talaga si Kim.
"tsk!" sabi nito habang iiling - iling. "kunwari ka pa, ehh kanina ko pa napapansin yang lakad mo iika-ika ka kaya at tyaka halata sa mukha mo no." pagpapatuloy pa nito.
Hindi ko ito pinansin, at bumaling ako ng tingin kay Hyohan. "baby, Punta ka muna sa kwarto." utos ko dito. Ayaw ko kasing kung ano-ano ang marinig nito mula sa madaldal kong kaibigan.
"maya na po. Di ko pa po tapos inumin yung gatas ko." sagot sa akin ni Hyohan sabay taas sa baso ng gatas.
"doon mo nalang inumin. Sige na hyohan." malambing kong utos. Mabuti nalang at sumunod ito.
"daldal mo talaga! Tignan mo kung ano-ano tuloy naiisip ni Hyohan." kunwaring inis kong sabi kay Kim ng makapasok na si Hyohan sa loob ng kwarto.
"ako pa talaga! Wala naman akong ibang sinabi ha! Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit parang hirap na hirap kang maglakad?." tanong nito. Ngunit pati ako naguguluhan sa mga nangyari kagabi. Di ko alam kung totoo ba yun. Pero parang totoo ehh, kung totoo yun, sino kaya yung lalaking yun? Bakit parang kilala ito ng katawan ko. Bakit ako nag paubaya sa lalaking hindi ko makita ang mukha dahil sa labis na kalasingan.
"hoy! Ano na? tinatanong kaya kita." napapitlag ako ng marinig ko Ang boses ni Kim.
"a-ano! Ahh,,,, na dulas kasi ako kagabi. Kaya medyo masakit hita ko." nauutal nyang sagot.
"ahh, talaga? Ehh dapat pala nag pacheck kana, baka may nabaling buto." sabi nito, ngunit kabaliktaran ang nakikita ko sa mata nito. Kita ko ang mapangasar nitong hitsura.
"ehh, bat parang di ka naniniwala? Totoo namang na dulas ako. " pagsisinungaling ko.
"bat! May sinabi ba kong di ako naniniwala? Masyado kang defensive.
"bala ka dyan!" pagsuko ko dito. Dahil hindi naman ako mananalo kay Kim.
"sya nga pala, walang bantay si Hyohan bukas. May lakad kasi kami nila mami Ester. Mag outing daw kami libre nya. Kung okay lang." na patingin ako kay Kim na ngayon ay busy sa pag-nguya.
"oo, naman no! Sige iiwan ko muna kina aling Vivi ulit si Hyohan." mabilis kong pagsang ayon dito. Napakalaki na ng tulong ni Kim sa aming mag-ina. May sarili din itong buhay at wala akong karapatan na hadlangan ito sa mga dapat at gusto nitong gawin.
.....
Kahit napaka bigat ng pakiramdam ko, pinilit kong pumasok. Hindi ko pwedeng idahilan na masakit ang aking katawan .
Nasa floor na ako ng office ni Matteo at syempre office ko din.
"Morning" bati ko kay John ng matapat ako sa lamesa nito.
Napaangat ito ng tingin ng makiya ako. "ohh! Kala ko di ka papasok? "nag tatanong na mata ang pinukol ko dito.
" ha? Bat mo naman nasabi yan?" takang tanong ko dito.
" wala, naisip ko lang. Nakailang bote ka kaya kagabi." nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot nito. Masyado na akong paranoid. Dahil sa mga sinabi ni Kim kanina. Mabuti nalang naibsan ng maligamgam na tubig ang katawan ko at medyo umayos na ang aking pakiramdam.
"dyan na ba si sir Matt?" pag-iiba ko ng usapan.
"oo, kanina pa nga nandito ehh, naunahan pa ko. Parang dito nga ata natulog yun." sagot ni John.
"ohh? Bakit, anong oras ba pumasok?" tanong ko dahil sa kuryosidad.
"6 am kasi ako pumasok, dahil may aayusin akong file nakalimutan ko kasi kahapon. Pero pagdating ko, nasa loob na siya." sagot ni John.
"nasa loob pa ba?" tanong ko dito dahil bigla akong nilukob ng kaba. Naalala ko kasi yung nangyari sa loob ng sasakyan nito. Parang wala na akong mukhang ihaharap dito sa oras na magkita kami.
"wala, nasa marketing department siya ngayon. Nagpatawag ng emergency meeting." sagot nito.
Nakahinga ako ng maluwag, may pagkakataon pa akong maghanda para sa pagkikita namin ni Matteo.
"pero alam mo barbie. Parang galit si sir. Kanina kasi binati ko siya pero di ako pinansin. Sanay naman na ako. Pero iba ngayon ehh. Nanaas nga balahibo ko kanina dahil parang gusto niya akong sakalin." natawa ako sa mukha ni John habang nagsasalita. Mukha kasing natakot nga ito.
....
Pagpasok niya ng office agad akong umupo sa upuan ko. Inunat ko ang aking mga binti dahil medyo na ngangalay Ang mga ito.
Binuksan ko ang drawer ko dahil naalala kong may nilagay pala akong cloud nine doon kagabi. Para kasing kilangan ko ng matamis para magkaron ng lakas. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang supot. Kinuha ko ito upang tignan ang laman.
Dalawang tableta ang laman nun. Dalawang pirasong pain reliever. Tinignan ko ulit ang laman ng supot. May papel pala itong kasama. Binuklat ko ito at binasa.
"drink this medicine! It can help to lessen the pain." ito ang nakalagay. Ngunit walang nakasulat kung kanino galing.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko sa pagkakataong ito. "hindi naman siguro." may pangamba Kong usal.
baka, galing ito kay John. Baka naisip nito na kilangan ko ng gamot sa sakit ng ulo. Oo, tama si John ang naglagay nito sa drawer niya. pangungumbinsi ko sa sarili. Ngunit hindi pa din maalis sa isip ko na baka si ano nga ang naglagay nito.
Gulat kong ibinalik sa loob ng drawer ang supot na may gamot ng makita kong bumukas ang pinto. At iluwa nito si Matteo.
" hey! you ok?" sabi nito, habang ang mukha ay ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko dahil naka yuko ito pantay sa aking mukha .
Amoy ko ang mabango nitong hininga. Nakatatlong lunok ata ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
"ha? Hindi ehh. Malaki kasi. " napapitlag ako ng mapagtanto ang kumawala sa aking bibig. Nakakahiya naka nganga pa ata ako. At anong sinabi ko? Anong malaki?
Kita ko ang nagtatanong na hitsura ni Matteo. Siguro naguguluhan ito sa sinabi ko. Mangali-ngaling batukan ko ang sarili dahil sa kahihiyan.
Tumayo ito ng tuwid at tumingin diretso sa mata ko. "w-what did you say?" kunot noong tanong nito.
"ahh, wala sir, naiisip ko lang yung ulam naming hotdog kanina, malaki kasi." huli na ng mapagtanto ko ang naging sagot dito.
Kita ko kung pano kumislap ang itim na itim na mga mata ni Matteo. Para itong biglang may naalalang nakakatuwa.
"ohh, i see. Akala ko may iba kang gustong iparating sa malaki." sabi nito habang titig na titig sa mata ko. Tumaas pa ang gilid ng labi nito.
"wa-wala no! Tyaka ano akala mo sa akin. Madumi ang utak? Kung ano-ano ang iniisip? Wala akong ibang gustong sabihin ha. Talagang malaki lang yung hotdog na ulam namin kanina." halos di ako huminga habang nagpapaliwanag.
Kita ko ang muling pagtaas ng gilid ng labi nito.
Parang tumaas ata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Dahil hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig nito sa akin, parang may gusto kasi itong ipabatid.
Binaling ko ang aking paningin sa mga papel sa ibabaw ng lamesa. Kunwaring nagbabasa ako upang makaiwas sa mata nito.
Nakahinga ako ng maluwag, ng marinig ko ang yabag nito paalis sa harapan ko. Sinulyapan ko ito upang kumpirmahin kung wala na nga ito sa aking harapan.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto. Gusto ko sanang tanungin si Matteo kung may iuutos ba ito sa akin. Kaso parang umurong ang dila ko.
Sinulyapan ko ang katabi ko na busy sa pagbabasa at pag pirma sa mga papeles sa ibabaw ng lamesa nito.
Hindi ko namalayang hindi na pala sulyap ang ginagawa ko kundi nakatitig na ako dito ng matagal.
Pwede bang sa loob ng isang araw malaki ang magbago sa isang tao? Kasi parang ang laki ng pinagbago ni Matteo simula kanina. Ngumingiti na kasi ito. Hindi tulad dati na parang palaging buhat ang problema ng buong mundo. At bakit parang mas gwapo ito ngayon? Parang ang sarap makulong sa mga bisig nito. Hay, naku! Napaka harot ng isip ko.
"don't stare at me. Baka maubos ako." malamig na boses nito ang pumukaw sa naglalayag kong isip.
"ha? Anong tinitignan. Di kaya ako nakatingin sayo. Sumakit lang leeg ko kaya nakatagilid yung ulo ko no! Kapal, nakatingin daw ako? Asa ka!" nakita ko kung pano namula ang mukha ni Matteo, halatang nagpipigil ito ng tawa.
"ows! Ehh bakit defensive ka? Tyaka sabi mo masakit leeg mo? Ehh bakit nagagalaw mo ngayon?" pang-aasar nito.
"anong defensive? Hindi ahh! Nagpapaliwanag lang ako. Masyado ka kasing assumero. Mas gwapo pa nga sayo si John no!" kita ko kung pano nag bago ang emosyon nito. Ang kaninang ngiti sa mga labi nito ay napalitan ng lamig at bakas sa mata nito ang galit.
Bakit siya nagagalit? Dahil ba sa sinabi ko na assumero ito? O di naman kaya sa sinabi kong mas gwapo si John? . Bakit parang ako na ata ang assumera ngayon. Kung di ko lang alam ang balibalita na ikakasal na ito.
Naalala ko bigla ang pangyayari kahapon nung marinig ko ang pag-uusap nang mga mahaderang chismosa ng planetang earthquake. Baka isipin kong nagseselos ito dahil sa mga nakikita kong reaction nito.
"hay, naku Mira! Assumera ka talaga. Bat naman magseselos kay John yan
Halata naman na mas lamang ang peslak nyan kay John." sabat ng mahaderang kong isip.
"oo, nga no? Bat nga magseselos si Matt ehh lamang na lamang kay John ito. Tyaka si John babae at hindi lalaki." sagot ko sa sariling tanong.
Nang tignan ko si Matteo. Hindi na ito nakatingin sa akin. Bagkus tinakpan na nito ang mukha gamit ang binabasang papeles.
" si-sir, ma-may gusto ka bang iutos? Gusto mo ba ng kape? Timplahan kita." basag ko sa katahimikan.
Ngunit hindi ito sumagot. Nakatakip pa rin ang mukha niyo gamit ang papel na hawak nito.
Tatayo na sana ako ng bigla itong magsalita. "san ka pupunta?" malamig nitong tanong.
"lalabas sana. Tatanungin ko lang si John kung may pwede akong itulong. Kanina pa po kasi ako naiinip dito. Wala ka namang inuutos sir." pagpapaliwanag ko dito.
"okay, fine! Here." sabi nito sabay bigay ng mga papel.
"anong gagawin ko dito?" tanong ko dahil inabot nya lang naman ang mga papel na di pinapaliwanag kung anong gagawin ko.
"photocopy all of this" sagot nito.
"yun, lang pala ehh!" sagot ko, keribels ko yun. Tinuruan kasi ako ni John nung isang araw kung pano mag xerox kaya marunong na ako.
Naglakad na ako papunta ng pinto para lumabas dahil nasa tabi ng lamesa ni John ang photocopy machine.
"where do you go again?" napalingon ako ng muli kong marinig ang malamig na boses ni Matteo.
"sabi mo sir, i xerox ko to. Tas ngayon magtatanong ka." sabi ko dito dahil naguguluhan na talaga ako.
"s**t!"
nagulat ako ng marinig ang sigaw ni Matteo.
Bipolar ata to ehh, sabi kasi nila bipolar daw tawag sa paiba-iba ng mood. Kanina kasi masaya tapos ngayon galit naman ito. Ano ba talagang gusto nito?
"bakit po? May mali po ba akong ginawa?" naguguluhan ko pa ding tanong.
"wala! I forgot to up a photocopier machine here in my office."sagot nito na parang na fu-frustrate.
napanga-nga ako sa mga narinig ko. "ha? Bakit? Malapit lang naman po yung copier machine, sa labas sa tabi lang yun ng lamesa ni John. Di na kilangan po na magpalagay dito." gulong gulo kong sagot.
" Tyaka, mas okay nga yun, kasi habang nag xexerox ako, matuturuan ako ni John ng mga dapat kong gawin. Para pag wala siya nan dito ako." paliwanag ko dito. Ngunit parang bigla nanaman itong nagalit.
" John, again! Bakit ba palagi mo nalang bukang bibig si John. May gusto ka ba sa kanya? "napanganga ako sa tanong nito.
Di kaya sila talo ni John. Hotdog gusto nun hindi mani. Bulong ko sa sarili.
" ehh, ano kung magkagusto ako kay john. Gwapo naman siya malaki katawan, mabait at higit sa lahat mukhang yummy! " bulyaw ko na hindi iniisip ang mga sinasabi. Naiinis kasi ako. Bakit ba parang ang laking bagay sa kanya ang pakikipag kaibigan ko kay John. Wala siyang pake kung sinong gusto kong kausapin no.
" okay, fine! Photocopy all that files 100 pcs each! At gusto ko tapos mo na yan by 12."
napanganga ako sa utos nito. 12 talaga? 11:15 na kaya. Tapos ang ixexerox ko parang kasing kapal ng kalahati ng libro.
"what are you doing? Faster! You have 45 mins left. By 12 dapat tapos kana." utos nito.
Padabog kong sinara ang pinto matalos lumabas.
"ohh, bat ka nakasimangot? May nangyari ba" tanong ni John.
"wala, yung boss mo kasi badtrip." sagot ko dito.
"mukhang magagamit ko na yung binigay mong pain reliever. Sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa Matteo na yun." nang gagalaiti nyang sabi.
"ha? Anong pain reliever? Wala naman akong binigay sayo no!"
May pagtatanong akong tumingin kay John. Kung hindi si John ang nagbigay nun. Sino?
Natutup ko ang aking bibig, dahil sa sumagi sa akingg isip. "hindi kaya siya? Pero bakit nya ako bibigyan ng pain reliever?" tanong ko sa sarili.
Mas lumaki ang mata ko ng maalala ang nangyari kagabi, sa pagitan ko at ng estranghero na akala ko ay panaginip lang. "totoo pala ang mga nangyari at hindi panaginip?" napakapit ako ng mahigpit sa braso ni John, dahil parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Ngunit isang malakas na braso ang humila sa akin upang mapalayo kay john. Nang lingunin ko ito malamig at nakapanginginig na mga mata ang bumungad sa akin.
" Ma- Matteo? I-ikaw? "
"Yes , I am!"