Umikot ito papunta ng driver's seat. Nang bumukas ang pinto ng kotse. Labis na pagpipigil ng hininga ang ginawa ko. Diretso lang nakatingin sa harap ng sasakyan si Matteo. Bakas sa mukha nito ang labis na galit. Pati na din ang itim na itim nitong mata, ngayon ay parang nahaluan ng pula.
Bakit siya nagagalit? May dapat ba siyang ikagalit? Yan ang mga katanungan na umiikot sa isipan ko.
Nag-antay ako na magsalita ito ngunit hindi ito nangyari.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan, nang parang kulog na nakakabingi na boses ni Matteo ang nangibabaw sa loob ng sasakyan.
"where do you think you go?" madiin nitong bigkas. Ngayon ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa aking mukha. Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pagtitig nito.
"lalabas! San pa ba sa tingin mo?" sagot ko dito, habang nakikipag tagisan ng tingin.
Hindi nya pwedeng ipakita dito na naaapektohan ako sa presensya nito. At bakit naman ako maaapektohan dito?
"at bat ka lalabas? Babalik ka sa loob?" sabi nito sa hindi patanong na tono kundi sa tonong may pagbabanta.
"anong pake mo? Wala kang pake kung gusto kong bumalik sa loob." sabi ko sa matigas na tono.
Inalis ko na ang tingin ko kay Matteo. At binaling ang tingin sa pinto ng kotse. Binuksan ko ito upang lumabas. Ngunit bago ko pa man maihakbang ang aking paa, Napigilan agad ako ni Matteo. Madiin nitong hinawakan ang aking braso na nakahawak sa pinto at walang sabing hinila ako. Muntik na akong masubsub sa dibdib nito dahil sa lakas ng paghila nito sa braso ko.
Masakit ang paraan ng pagkakahawak niya sa braso ko. Ngunit wala doon ang aking pansin, kundi sa mga mata nito na limang taon ko nang hiniling na wag nang muling makita.
Nakaramdam ako ng takot sa pagkakataong ito.
"bi-bitawan mo nga ko!" nauutal-utal kong utos.
"sabing bitawan mo ko!" pag-uulit ko. Ngunit parang wala itong balak na bitawan ang aking braso. Feeling ko mag kakapasa ito dahil sa higpit ng pagkakahawak Matteo.
"ano ba, Matteo! Sabing bitawan mo ko. Nasasaktan ako." ulit ko sa pangatlong pagkakataon.
Ang kaninang mata nito na madilim at bakas ang galit, ay napalitan ng pagkabigla at pag-aala. Para itong natauhan.
"so-sorry" na uutal nitong sabi at bakas ang sinseridad.
Hindi ko malaman kung bakit parang naiinis ako sa paghingi nito ng tawad. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa ginawa nito ngayon o dahil sa ginawa nito dati sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses. "so-sorry?" patuya kong tanong. "huh! ano sa tingin mo? Na paghumingi ka ng sorry matatapos na ang lahat ng nagawa mong kasalanan? Na kapag nag sorry ka ayos na? Na kapag nag sorry ka mapapatawad na kita?" tuloy tuloy Kong bulyaw dito.
Matapos kong sabihin ang mga ito, para akong nakahinga ng malalim. Matagal ko nang gustong sigawan ito harap-harapan.
Hindi ko namalayan ang paglandas ng luha mula sa aking mata. Ang luha na akala ko ay tapos na. Ang luhang matagal kong kinimkim at binaon sa likod ng nakaraan.
Alam kong, nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang mga sinasabi ko. Kung hindi ko lang alam na wala itong naaalala tungkol sa mga ginawa nito sa akin noon, baka kanina o di kaya matagal na ko nang isinumbat dito ang bagay na ginawa nito. O di kaya kanina ko pa siya sinaktan.
Oo, gusto ko itong saktan. Gusto kong gumanti, pero pano? Hindi ko alam kung pano. Takot ang nangingibabaw sa akin. Simula pa man noon, hanggang ngayon.
Takot ako sa kayang gawin ni Matt, mayaman ito. Makapangyarihan. At higit sa lahat kaya nyang magpaikot sa palad ng mga taong kayang bilhin ng pera.
Tumingin ako sa mukha ni Matteo, kahit puno ng luha ang aking mga mata.
Bakas sa mata ni Matteo ang labis na pag-aalala at takot.
Takot? Totoo ba ang nakikita ko mula sa mata nito? Kung totoo man ito, bakit ito natatakot? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko habang nakatingin sa mata nito. Bakit parang hinihigop ng mga mata nito ang buong lakas ko?
Bakit parang gusto kong bawiin ang mga nasabi ko na? Bakit siya nagkakaganito? May mali. Hindi to dapat. Nababaliw na ba ako? Dapat nagagalit ako. At hindi ko dapat bararamdaman ito, hindi ako dapat maawa sa kanya.
Hahawakan akong muli ni Matteo, ngunit mabilis kong inilag ang aking braso.
"nag-alala lang ako" mahina nitong bigkas.
"bat, ka mag-aalala? Bakit sino ka ba? Tatay ba kita? Wala kang kinalaman sa buhay ko. Wag mo kong pakialaman." pabulyaw kong sigaw.
Kita ko kung pano muling gumuhit ang galit sa mata nito.
Agad kong hinarap ang pinto ng sasakyan at walang sabing binuksan ko ito. Ayaw ko nang marinig ang mga sasabihin nito.
Kilangan kong huminga. Kilangan kong mag-isip. Kilangan ko munang lumayo.
Wala akong matinong maisip. Bumalik ako sa loob ng bar. Wala akong pakialam kahit nasa loob ang lalaking nambastos sa akin.
Gusto kong uminom, gusto kong makalimot. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sabi ng iba nakakatulong ang alak sa paglimot. Gusto kong subukan ito. Lahat ng bagay na makakapag palimot sa akin sa pait at galit na nararamdaman ko ngayon, lahat yun gagawin ko.
Sa loob nakita ko si John. Nakaupo ito sa mesa na inuupuan namin kanina. Lumapit ako dito.
Gulat na gulat ang reaksyon nito ng makita ako.
"san ka galing?" tanong nito ng umupo na ako sa upuan katapat nito.
"sabi ni Sam, nakita ka daw niyang hinila ng lalaki palabas." sabi pa nito nang hindi ako sumagot. Si Sam ay ang kaibigan nito na kasama namin ngayon.
"wala yun! Napagkamalan lang akong kakilala kaya ako hinila palabas." pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihin dito na, nandito si Matteo. Ayokong mag-usisa pa ito tungkol sa nakaraan ko.
" ang sabihin mo gusto lang maka score nun. Kaya kunwari napagkamalan ka." nakahinga ako ng maluwag dahil naniwala sa sinabi ko si John.
"John! Order ka naman ng alak." utos ko dito. Halata sa mata nito ang gulat.
"hoy! Sabi ko order ka ng alak, yung pinakamalakas ha! Yung bang isang baso palang malakas na yung tama." pagpapatuloy ko, dahil parang gulat na gulat ito sa mga pinagsasabi ako.
Pano ba naman ito ang unang beses na iinom ako ng alak, at ang gusto ko pa ay yung pinaka malakas ang tama.
" ako na nga! " prisenta ko ng makita kong parang walang balak si John na gumalaw.
Tinawag ko ang waiter, "yung pinaka matapang nga kuya!" sabi ko dito.
Nakanganga si John ng tignan ko. "hoy! Pasukan yan ng langaw." sita ko dito.
Mukhang nabalik ito sa wisyo ng marinig ako.
"Mira? Is that really you?" sabi nito sa matinis at hindi makapaniwalang tono.
"nilalagnat ka ba?" tanong pa nito sabay sipat sa noo ko.
"wala naman! Bakit parang sinapian ka ng espiritu ng alak? May nangyari ba? May ginawa ba sayo yung lalaking humila sayo?" tanong nito na bakas ang pag-aalala sa tono at sa mukha.
"wala no! Bigla ko lang naisip na hindi naman masamang mag try ng bagay bagay. Gusto kong mag enjoy!" tugon ko sa pinasiglang tono. Ayaw kong mas mag-usisa pa ito sa mga nangyari.
Dumating na ang order ko. Nagsalin agad ako ng alak sa baso. Amoy palang malakas na ang tama. Biglaan Kong nilagok ang laman ng baso upang hindi gaanong malasahan ito. Ngunit mali ako, dahil sa ginawa ko, halos bumaliktad ang sikmura ko. Maduwal duwal ako ngunit pinigilan ko ito. Nang maramdaman kong umayos na ang aking tiyan. Nagsalin ulit ako at uminom.
.....
"hoy! Barbie! Tama na yan. Madami ka ng nainom." halos di ko maintindihan ang sinabi ni John. Siguro dahil sa epekto ng alak sa akin.
Hindi ko namalayan na halos maubos ko na pala ang laman ng limang boteng alak.
"e-enom pa teyo! Wa-wala k-ka pala ehh." paputol-putol nyang sabi kay John.
"uwi na kami Johny at Mira" paalam ng mga kaibigan ni John.
"ma-maya na, inom pa tayo. Sige na." sabi ko ngunit hindi na napigilan umuwi ang mga ito. Dahil may trabaho pa daw ang mga ito bukas.
Lumapit sa akin si John at inalalayan akong tumayo. "Barbie, tara na. Hatid na kita. Lasing ka na." sabi nito. Tinabig ko ang kamay nito at naglakad ng pasuray suray.
"a-ano ka-ka ba beks. Ka-kaya ko. Di p-pa ko lasing." sabi ko habang naglalakad palabas ng bar.
"hatid na kita barbie-" pinutol ko ito sa pagsasalita.
"wa-wag na. Kaya ko." pagtanggi ko dito.
Hindi ako napilit nito na ihatid kaya tumawag nalang ito ng taxi para maihatid na ako.
Pagdating ng taxi, nagpaalam na ako kay John. Matumba tumba ako habang naglalakad papunta ng taxi. nauntog pa ako ng papasok na ako sa loob.
....
Napadilat ako ng maramdaman na parang nakalutang ako. Ramdam ko ang mga matitigas na bisig na nakapulupot sa aking bewang.
Amoy ko ang napaka bangong amoy mula sa lalaking bumubuhat sa akin. Imbes na makaramdam ng takot mula dito. Mas nangibabaw sa akin ang pagnanais na makulong sa mga bisig nito.
Para bang ipinararamdam nito sa akin na ligtas ako. Na wala akong dapat ikatakot.
Tunog ng langitngit ng higaang papag ang tangi kong narinig. Inihiga na pala ako nito sa kahoy na papag.
Pamilyar sa akin ang lugar na ito. Kahit nanlalabo ang paningin, nilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng silid. Kaya pala, nasa loob na ako ng bahay.
Hindi ko alam kung nananaginip ba ako, o totoo ang mga nangyayari ngayon.
Pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaking bumuhat sa akin. Ngunit hindi ko makita ng malinaw ang mukha nito. Siguro dahil sa labis na kalasingan.
Umalis ito ng ilang saglit at muling bumalik. Umupo ito sa tabi ko, kinumutan ako nito. Naramdaman ko nalang ang mga labi nito na lumapat sa aking noo.
Nakaramdam ako ng kakaibang damdamin dahil sa ginawa nito. Ramdam ko mula dito ang pag-iingat.
Nang maaninag ko na palapit na ang labi nito sa aking labi......bigla akong napadilat. Nahinto ito siguro dahil sa pagkagulat.
Maduling-duling ako sa lapit nito sa aking mukha. Amoy ko ang malamig at mabango nitong hininga.
Hindi na ako makapag-isip ng matino ng makita kong ilalayo na nito ang mukha sa harapan ko.... Agad kong kinabig ang batok nito. Inabot ng aking labi ang labi nito.
Walang tugon ang lalaki sa paghalik ko. Ngunit ilang segundo lang ay, ito na mismo ang nag-umpisang gumalaw. Sa umpisa marahan at may paghagod. Ngunit habang tumatagal papusok ng papusok ang ginagawa nitong halik. Binuka ko ang aking labi upang bigyang pahintulot ito na suyurin ang loob ng aking bibig. Kumawa ang mahinang ungol mula sa akin ng biglang huminto ito sa paghalik.
Naaninag ko ang marahas nitong paghagod sa buhok. Para itong nahihirapan. "what the f**k!" Mariin nitong bigkas
Anong problema? May mali ba akong ginawa? Tanong ko sa sarili. Kahit di malinaw sa paningin ko, halatang nahihirapan ito sa pagkakataong Ito.
Mahilo-hilo akong bumangon. Baliw na nga siguro ako. Ngunit gusto ko ang ginawa nito kanina. Gusto kong muling maramdaman ang init ng katawan nito.
Agad ako nitong inalalayang makaupo ng maayos. Gusto kong ituloy nito ang ginawa kanina. Gusto kong maramdam Ang pamilyar na katawan nito sa aking katawan. Parang ang tagal kong nangulila sa init ng katawan nito.
"So-sorry-" agad kong pinutol ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng paghalik. Hinawakan ako nito sa balikat at balak na ilayo mula dito. Ngunit pinulupot ko agad ang mga braso sa leeg nito.
Napakatamis, napakasarap ng labi nito. Gumuhit ang kakaibang pagnanasa mula sa aking labi hanggang sa gitna ng aking hita. Parang gusto kong maihi dahil sa pagnanasang iyon.
Hindi ko alam kung pano titigil. Iba ang gusto ng isip ko sa nais ng aking katawan. Naramdaman ko nalang ang muling paglapat ng aking likod sa matigas na papag. .
Agad itong pumaibabaw sa akin. Ramdam ko ang buong bigat nito. Maging ang matigas na bumubukol sa gitnang hita nito.
Parang nagkaroon ng sariling isip ang aking kamay. Hinaplos ko ang katawan nito, pinadausdos mula sa dibdib nito hanggang sa madako ito sa gitna ng hita nito. Ramdam ko ang tigas nito at ang laki nito.
"ugh!" ungol nito ng marahan kong pisilin ang katigasan nito.
"don't do this to me!" pagmamakaawa nito ng kumalas saglitang maghiwalay ang aming mga labi. Ngunit dahil siguro sa espiritu ng alak wala na akong matinong maisip. ang gusto ko lang ay maibsan ang init ng aking katawan.
Muli kong nilapit ang aking labi sa labi nito. Ang kaninang pag-aalinlangan nito ay parang biglang naglaho. Tumayo ito at mabilis nitong inalis ang lahat ng saplot sa katawan.
Pilit kong inaaninag ang bulto nito. Nakaramdam ako ng pagkabila ng malinaw kong makita ang galit nitong alaga. Alam kong malaki iyon base sa nahawakan ko kanina ngunit hindi ko lubos akalain na doble pa pala sa inaakala ko ang laki nito.
"ang laki-" ngunit pinigil ako nito sa pagsasalita gamit ang mapusok na paghalik. Para itong nagmamadali. Parang may hinahabol.
"Uhm" ungol na lamang ang kumawala sa aking bibig. Ang aking katawan ay parang nilalagnat na sa sobrang init.
Bumaba ang labi nito sa aking leeg, sumisipsip at kumakagat doon. Habang ang isa nitong kamay ay madiin na lumalamas sa kanang dibdib ko.
Hindi ko alam kung saan ako bibiling. Halos mapugto ang aking paghinga. Nailiyad ko ang aking katawan ng sakupin ng mainit nitong bibig ang aking kaliwang dibdib. "Uhmm!...... A-ahhhhhh!" Ungol nalang ang tanging kumakawala sa aking bibig habang dinadama ang init ng bibig nito sa aking dibdib.
Halos di ko namalayang nahubad na pala nito ang suot kong bestida. Ngayon ay dalawang maninipis na saplot nalang ang tanging bumabalot sa aking kahubdan.
Naramdaman ko na unti-unting bumababa ang kamay nito mula sa dibdib, sa puson hanggang sa marating nito ang pagitan ng mga hita ko.
Halos mangisay ako ng maramdaman ko ang kamay nito sa loob ng aking panty.
"your already wet honey!" sabi nito ngunit wala doon ang aking ulirat kundi sa kamay nitong naglalaro sa aking kaselanan. Nakikiliti ako habang nilalantakan nito ang maliit na hiyas doon.
Inalis nito ang kamay sa loob ng panty ko at walang sabing pinunit iyon. Inihagis nalang nito kung saan ang punit kong panty. Ganun din ang ginawa nito sa bra na suot ko.
Ngayon ay tuluyan na akong hubad sa paningin nito. Sinakop ng labi nito ang kaliwang dibdib ko, ramdam ko ang dila at ngipin nito na kumakagat at dumidila doon.
Bumaba ang labi nito mula sa aking dibdib, sa puson hanggang sa marating nito ang pagitan ng aking hita.
Hinawakan ako nito sa dalawang hita at pinaghiwalay nito ang mga iyon. Ramdam ko ang pagtitig nito doon. Ngunit ilang saglit lang ay naramdaman ko nang muli ang mainit na hininga nito sa kaselanan ko. Napaliyad ako ng simulan nitong kintalan ng halik ang aking p********e.
Napakasarap ng ginagawa nito. Napasabunot ako sa buhok nito dahil sa sobrang sensasyong aking nararamdaman. Parang ayaw ko ng patigilin ito.
"Ahh!.... Uhm!!!! Wa-wag kang titigil." Halos kapusin ako sa paghinga. Nararamdaman kong may namumuo na sa loob ko. Para na akong naiihi.
Nanginig ang buong katawan ko at halos mangisay ako ng kumawala ang likido mula sa aking kaselan. Nang tignan ko ang lalaki na nakabaon sa aking hita, tila nasisiyahan ito sa katas ko. Ilang beses kong narating ang rurok ng hindi ko namamalayan.
"Your so sweet hon" Sabi nito habang dinidilaan ang palibot ng labi. Nang matapos itong linisin ang paligid ng labi gamit ang dila, pumaibabaw naman Ito sa akin.
Agad nitong pinagpantay ang aming mga katawan. Sa posisyon namin ngayon, ramdam ko ang kahandaan nito. Ang matiigas ng p*********i nito na kumikiskis at bumubundol sa aking kaselanan. Parang inihahanda ako nito sa nalalapit na pag-iisa ng aming katawan.
"ahh!" sigaw ko ng simulan nitong ipasok ang akin ang p*********i nito.
"I-im sorry hon!" Hinalik-halikan ako nito sa paligid ng mikha, na tila isa Ito sa paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Mas binuka ko ang aking hita upang malaya nitong magawa ang nais nitong gawin. Unti-unting nawawala ang sakit.
Nang naramdaman nito na handa na ako para sa tuluyan nitong pagpasok sa akin, dahan-dahan itong gumalaw. Sa umpisa ay marahan lang ngunit ng lumaon unti-unti na itong bumibilis.
"ahh! Sige pa. Wag kang titigil" may pakiusap kong utos. Gusto ko ang ginagawa nito. Hindi ko maiwasang mapahiyaw dahil sa kakaibang emosyon. Para na akong mamamatay kung ititigil Ito sa paggalaw sa aking ibabaw.
"ugh! Hon your so tight" hirap nitong utas.
Pabilis ng pabilis ang ginagawa nitong pag ulos. Medyo masakit pa rin ngunit ayaw ko itong tumigil.
"Ugh! Ahh! Ahh! Bilisan mo pa! Uhmm! s**t! Ang sarap" sunod-sunod kong ungol.
Unti unti kong ginalaw ang aking balakang upang salubungin ang pag-ulos nito. Tunog mula sa nag-iisa naming katawan ang pumupuno sa loob ng silid.
Ilang sandali pa ay naabot kong muli ang rurok ng kaligayahan. Ilang saglit ito naman ang sumunod. Nangisay ito sa ibabaw ko habang saganang pinupuno ang loob ko ng likido mula sa pagkalalake nito.
Pagod itong umalis sa ibabaw ko. Yumakap ang mga bisig nito sa aking bewang.
Pumikit ako. Dinadama ang pang-yayaring namagitan sa aming dalawa at ng lalaking nasa aking tabi. Maaaring pagsisihan ko ito kinabukasan. Ngunit parang walang pagsisisi akong nararamdaman sa pagkakataong Ito. Bahala na bukas.
"I love you Mira,,, please forgive me!" Dahil sa pagod Hindi ko na narinig ang sinabi nito at agad akong ginupo ng dilim.
.....
Mainit na sinag ng araw ang gumising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon, ngunit bigla akong natigilan ng sumidhi ang kirot mula sa gitnang bahagi ng aking hita.
Nagbalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Agad kong nilibot ang paningin sa kabuoan ng silid. Ngunit wala naman akong nakita. Laking pagtataka ko dahil nakasuot na ako ng damit. Ngunit iba na na Ito sa suot ko kagabi. Totoo kaya ang mga nangyaring iyon? O panaginip lang at gawa lamang ito ng kalasingan ko?