[Summer] Bakit ganun? Wala man lang ginawa si Kim para suyuin ako kanina? Hindi ako sanay na ganun siya eh. Ang alam ko lang naman pinagluto ko sila ng umaga at pinaghirapan ko yun. Pero okay lang baka sa paguwi ko naman may surprise siya sakin. Tama. Yun nalang ang iisipin ko imbes na magdamdam ako. I draw a deep breath saka nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kabilang building. I have my next class pa. And major subject ko pa yun. “Hey!” Nabigla ako nang may biglang humigit sa akin. Humawak siya sa braso ko ng sobrang higpit na hindi ko maisip kung paano ko tatangalin. Nilingon ko kung sino siya dahil kinakaladkad niya na ako. Siya yung babaeng buong klaseng nakatitig sakin. Yung babaeng sobrang kapal ng make up at hindi ko maintindihan kung saan lupalop nanggaling. "ARAY! MISS M

