“Summer!” Napamulat ako when I heard that voice. Heto na naman ako sa white wall, white ceiling na nakikita ko. Panikit mulat kong muli ang mga mata ko at una kong nakita ang pink niyang lips. Muli niyang tinawag ang pangalan ko at doon ko na naaninag ang mukha niya. Kim looked at me at umiling ng kaunti. I inhaled habang nakatingin sa kanya. Hinang hina ako ngayon. Nabigla nalang ako dahil hawak hawak niya ang mga kamay ko at walang tigil itong hinahalikan. Totoo ba talaga ang nangyari kanina? Na umuulan tapos hinihintay ko siya? Totoo ba lahat yun o panaginip lang? Lutang na naman ang isip ko. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito siya ngayon sa harapan ko at kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Ang mga halik niya sa palad ko na parang sinasabi niyang I’M HERE. DON’T WORRY.

