PROLOGUE
CRISTAL
"Next week, we will have all the money we need, and she will be one less problem for us to worry about, Honey." narinig kong boses ni Dad.
Napahinto ako sa paghakbang papasok sa kusina. Umatras ako at nagtago sa gilid ng hamba ng pintuan. Walang ingay na sumilip ako sa loob. Nasa harapan si Mom ng lababo at nakayakap naman si Dad sa kanyang likuran.
Kararating ko lang galing head quarters. Nahirapan akong pumuslit kay Altamonte kaya ginabi na ako ng uwi. Masyadong makulit ang bwesit na lalaking 'yon. Araw-araw na lang nasa Department, kasama ni Chief.
Hindi ko siya kilala but the way he acted in front of me, It seems like he knew me well. Tapos kung makatitig pa sa akin para akong hinuhubaran. Kahit tinutukan ko na siya ng baril sa kanyang noo para tigilan na ang kakasunod sa akin hindi man lang natinag. Hinawakan pa ang kamay ko at idiniin lalo sa noo niya. May sapak talaga!
"Hmmmp.. baka akala mo hindi ko alam ang tungkol sa City of Dreams." nagmamaktol na sabi ni Mom.
"Ano ka ba, nandiyan naman si Cristal. Ba't ka pa namomroblema doon?" Dad laughed. "'Wag ka ng magtampo. Babawi ako sayo. Ipapasyal kita sa Paris or kahit saang lugar na gusto mo."
Mom giggled when Dad shower her kisses on her neck.
"Paano kung malaman ni Cristal ang ginawa mo? Baka ipakulong ka no'n. Alalahanin mo, pulis ang anak mo."
"Zephanie is my only child. Hindi natin siya kadugo. Tinanggap ko lang siya dahil sa malaking perang ibinigay sa akin ni Chua para alagaan siya. And we're protected by his group kaya 'wag mo ng alalahanin pa ang babaeng 'yon pati 'yong may-ari ng City of dreams."
"Well, I believed you Honey. And besides, malaki ang utang na loob niya sa atin dahil kinupkop natin siya. Sorry na lang siya dahil mas mahalaga ang pera kaysa sa kanya."
Then they both laughed like crazy.
Nanlalaki sa gulat ang mga matang napatakip ako ng kamay sa aking bibig matapos kong marinig ang usapan nila.
"What are you doing there, Cristal?"
Naitulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang maarteng boses ng kapatid ko sa aking likuran. I snapped my head around and came face to face with Zephanie's evil face.
"Cristal, my beautiful daughter... kanina ka pa ba dumating?" nakangiting sabi ni Dad na bigla na lang nakatayo sa harapan ko.
Nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.
Humakbang ako ng isang beses sa aking kanan at walang sabi-sabing kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Narinig ko pa ang sunod-sunod na malulutong na mura ni Dad at pagtawag sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Nanginginig ang mga kamay na pumasok ako sa aking kotse. Kaagad ko iyon pinaandar at pinasibad palayo ng bahay.
Pagdating ko sa kanto kaagad akong lumiko pero ganun na lamang ang gulat ko ng may dalawang itim na Van ang humarang sa daraanan ko.
***
2 DECADES AGO.
"Mommy, Zephanie torn my doll!" umiiyak na sigaw ko kay Mom.
Pero kaagad din ako napatigil sa pag-iyak ng mas malakas na umiyak si Zephanie while calling our Moms name. Umalingaw-ngaw ang matining niyang boses sa buong kabahayan. Nilamon lang ang boses ko. Animo'y may matinding sakit siyang nararamdaman.
"Mommy kinurot ako ni ate Cristal!" hiyaw niya.
Kaagad nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Nagmamadali namang tumakbo si Mom palapit sa amin.
Nasa sala ako. Naglalaro ng paborito kong doll na bigay sa akin ni Kuya Kyle nang hablutin iyon sa akin ng kapatid ko. Ginupit niya ang damit nito at tinapak-tapakan habang nakangisi sa akin. Napaiyak ako sa ginawa niya. Sinubukan kong agawin iyon pero hindi niya binibigay sa akin. Tapos ang masaklap umaarte na naman siya ngayon na sinaktan ko siya.
"Ikaw na bata ka..." nanggigigil na hinablot ni Mom ang aking braso. Pinagpapalo ako ng kamay niya at pinagkukurot. Malakas akong napaiyak sa subrang sakit. "...diba sinabi ko sayong 'wag mong paiiyakin itong kapatid mo! Salbahe ka talaga!"
"H-Hindi ko naman po siya inaano, Mommy."
"Aba't sasagot ka pa talaga!" lalo niyang nilakasan ang pagpalo sa akin. "Hindi ka talaga tumatanda na bata ka! Lumalaki ka pang sinungaling!"
"Tama na po Mommy...! Ang sakit-sakit na po!" humahagulhol na hiyaw ko sa kanya pero hindi siya tumigil kakapalo, sampal at kurot sa akin. "S-Sorry na po Mommy... hindi na po mauulit."
"Sa susunod na paiyakin mo pa 'tong kapatid mo, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" nanggigigil na dinutdot niya pa ang sentido ko. "Ipasok mo diyan sa mapurol mong kukute ang lahat ng sinasabi ko sayo ha!"
Pabalya niya akong binitawan. Napaupo ako sa sahig. Patuloy na humahagulhol habang nakatingin sa kanila. Nanlilisik ang mga mata ni Mom sa akin at nakakuyom pa ang mga kamao.
Nakita kong ngumisi sa akin si Zephanie pero kaagad iyon napalitan ng luha sa kanyang mga mata ng lapitan siya ni Mom. Hinawakan siya nito sa magkabilaan niyang pisngi.
"Saan ka ba kinurot ng ate mo, baby?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Mom.
Umarte naman ang kapatid ko.
"Dito po Mommy oh." turo niya sa kanyang braso.
Kaagad naman iyon hinaplos ni Mom at paulit-ulit na hinalikan.
"Masakit pa ba, baby?" tanong niya. Umiiyak na tumango-tango ang kapatid ko. "Gusto mo ipasyal kita ng SM? Ipagsa-shopping ka ni Mommy ng laruan na gusto mo..."
Hindi ko na nakayanan pa ang eksenang nakikita ko sa aking harapan kaya kaagad akong bumangon at tumakbo palabas ng bahay. Narinig ko pa ang masayang boses ng kapatid ko habang iniinggit ako. Makailang ulit niya pa akong tinawag pero hindi ko siya pinansin. Pinabayaan din naman ako ni Mom na makalabas ng bahay. Wala naman siyang pakialam. Mas natutuwa pa nga 'yon kapag umaalis ako dahil naaalibadbaran daw siya sa pagmumukha ko. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ako. Na para bang may nagawa naman ako sa kanyang kasalanan para magalit siya sa akin ng ganun katindi.
Noong una inisip ko na baka nagkamali nga ako kaya palagi niya akong pinapagalitan at pinapalo. Pero kalaunan na-realized ko na mas mahal at paborito niya lang talaga ang kapatid ko kaya 'yong kasalanan ni Zephanie ay ako lahat sumasalo. Ako lagi sinisisi at binabalingan niya. Pinapaako sa akin ang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Pinapaluhod niya pa ako sa asin. Minsan sa kulungan ng aso ako pinapatulog at hindi pinapakain. Lagi din silang nag-aaway ni Dad dahil sa akin. Hindi ko alam ang dahilan at hindi ko rin maintindihan kung ano ang pinagtatalunan nila. Tanging ang pangalan ko at ni Chua ang paulit-ulit na umuukilkil sa aking utak sa tuwing nag-aaway sila. 'Yon kasi lagi ang bukambibig ni Dad kay Mom.
Ramdam ko ang pagmamahal ni Dad bilang isang tunay na ama pero si Mom at Zephanie ay parang hayop ang turing nila sa akin. Buti pa nga 'yong malaking aso namin sa likod ng bahay niyayakap ako pero sila kailan man never nilang nagawa sa akin 'yon. Hampas ng hanger at sinturon ang pinapayakap sa akin ni Mom. Taliwas sa pagmamahal, pag-aalaga at pag-aaruga na binibigay niya sa kapatid ko.
Dumeritso ako sa park at naupo sa bench. Pinagpatuloy ko ang pag-iyak. Laging ganito ang eksena sa tuwing umiiyak si Zephanie ng walang dahilan. Tatakbo ako palabas ng bahay at dito maglalabas ng sama ng loob sa park.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang trato sa akin ni Mom sa tuwing wala si Dad. Pinagmamalupitan niya ako na para bang hindi niya ako tunay na anak. Kinakampihan lagi ang bunsong kapatid ko kahit ito naman lagi ang nananakit sa akin.
"Are you okey?" anang boses ng lalaki.
Kaagad akong napatingin sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ng kanyang kamay ang luha sa aking mga mata.
"Why are you crying?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Sa tuwing dumadaan ako dito sa park lagi na lang kita nakikitang umiiyak."
"K-Kuya Kyle..." kaagad akong yumakap sa kanya.
Humagulhol ako ng malakas sa kanyang dibdib ng maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa akin. I felt home and comfortable in his tight embrace. Ang yakap na pinanabikan kong makuha kay Mom at sa kapatid ko ay sa kanya ko natagpuan. Though mahal ako ni Dad at laging pinagtatanggol kapag sinasaktan ako ni Mom, still, palagi itong wala sa bahay. Hindi ko alam kung saan ito pumupunta. Halos hindi na nga umuuwi. Kung maligaw man ito sa bahay, gabi na o kaya ay madaling araw.
Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak habang marahan niyang hinaplos ang buhok at likod ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak. Huminto lang ako ng mamaos na ang boses ko at tumigil na ang pagpatak ng aking luha. Medyo nabawasan na rin ang bigat ng dibdib ko pero ang sakit-sakit pa rin isipin ang katutuhanan na hindi nila ako mahal at walang halaga sa kanila.
"Pinagalitan ka na naman ba ng Mommy mo, Cristal?"
Sumisinok na bumangon ako mula sa pagkakasubsob sa kanyang dibdib. Ginamit ko ang damit niya para punasan ang mga luha sa aking mukha. Natawa siya sa ginawa ko.
Malungkot akong tumingin sa malayo.
"Lagi naman ako pinapagalitan no'n."
"Bakit hindi mo dala 'yong doll na bigay ko sayo?" nahimigan ko ang galit sa kanyang boses.
Nilingon ko siya. Kaagad akong tinubuan ng takot sabay patak ng aking luha ng makita kong madilim ang kanyang mukha. Salubong ang mga kilay na nakatitig sa akin.
"S-Sorry po Kuya Kyle... na-naiwala ko po sa--"
"It's okey." nakangiti na sabad niya saka niyakap ako. Napasubsob akong muli sa kanyang dibdib at napahikbi. "Papalitan ko na lang ng mas malaki. 'Wag ka ng umiyak, please. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."
Nag-angat akong tingin sa kanya. Nakangiti pa ring tumunghay siya sa akin. Nilalaro-laro ng kanyang kamay ang mga buhok ko.
I smiled at him. "Akala ko nagalit ka sa akin."
Umiling siya. "No... never and will never ever."
"Thank you so much Kuya Kyle. You're the best cheerleader I ever had in my entire life." niyakap ko siya ng mahigpit. "You're my hero, Kuya Kyle. Thank you for always being here by my side."
He smiled and kissed me at my forehead. Sinapo niya ang mukha ko ng kanyang dalawang kamay at tinitigan sa aking mga mata.
"Remember this Cristal... whatever happens, I will always be there for you." may dinukot siya sa kanyang bulsa at inabot sa akin ang isang touch screen phone. Napatitig ako doon. "Here.. keep it. 'Wag mong ipapakita sa kanila ah. Kapag sinaktan ka pa nila ulit, tawagan mo ako kaagad. Naiintindihan mo ba, hmmm?"
Natitigilan na tumango na lang ako sa kanya. Muli niya naman akong niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na hinalikan sa ibabaw ng aking ulo.
Ngunit hindi ko akalain na ang araw na iyon ang huli na naming pagkikita. Iyak ako ng iyak ng mabalitaan kong lumipad na silang buong pamilya papuntang States. Kahit sinabi niyang babalikan niya ako ay hindi ako naniwala pa sa kanya dahil ang layo-layo niya na. Alam kong kailan man hindi na siya babalik pa. Hindi na magpapakita pa sa akin.
Isang beses ko lang din siya nagawang tawagan gamit ang phone na binigay niya sa akin, noong araw mismo na nasa airport na sila dahil nahuli ako ng kapatid kong ka-video call ko siya. Kinumpiska sa akin ni Mom ang phone ko at binasag.
And that's the end of our communication. I lost someone that I loved the most. And will never ever see him anymore.
My miserable life intensifies every single day, months, years of my life in the hands of my own mom and little sister everytime my Dad's not around.
It was my childhood worst nightmare. Living like hell in my own home.
****
"Keith..?" nanlalaki ang mga matang nilapitan ko siya sabay hawak sa kanyang braso. "Anong nangyari sayo? Bakit may... s-sugat ka?"
Tinabig niya ang kamay ko. "Wala 'to." matiim niya akong tinitigan. "Saan ka galing? Bakit hindi kita naabutan dito sa loob ng kwarto? Sinuway mo na naman ba ang utos ko?"
Hinatak ko siya sa kanyang braso at kinaladkad papunta sa banyo. Tinapat ko ang kanyang sugatang braso sa sink at hinugasan. Pagkatapos hinatak ko siyang muli pabalik sa kama. Pinaupo ko siya doon at sinimulang gamutin ang kanyang sugat.
"Anong nangyari?"
"Hindi mo sinagot ang tanong ko sayo."
"Sasagutin lang kita kapag sinagot mo ang tanong ko."
He chuckled.
Nilinis ko ang mga ginamit ko pagkatapos ko siyang gamutin at binalik sa lalagyanan nito. Dinampot ko ang bulak na may dugo at betadine at nagtungo sa banyo. Tinapon ko sa basurahan doon. Naghugas ako ng aking mga kamay saka muling lumabas.
"Sino nagbigay sayo ng permiso para sagot-sagutin mo ako ngayon?"
"Ako."
"Sino ka ba sa tingin mo?"
"Ako lang naman si Police Sergeant Cristal Jane Lopez na pinadukot mo at kinulong dito sa impyerno niyong kuta."
He laughed wholeheartedly.
"I can't believed you'll grow up like that. You were like a drench kitten back then. So sweet and innocent. But now, look at you?" tumayo siya at humakbang palapit sa akin.
Kaagad akong napaatras. He smirked and stepped forward.
Biglang rumagasa ang takot sa dibdib ko ng makita ko ang uri ng titig niya sa akin. Nilingon ko ang doorknob at mabilis na tinakbo iyon.
"Ahh!" tili ko ng maunahan niya ako doon.
Malakas niya akong isinandal sa likod ng pintuan. Habol ang hiningang tumaas baba ang dibdib ko sa ginawa niya.
"Police Sergeant, ha?" he huskily whispered.
Mariin akong napapikit ng haplusin ng kanyang kanang kamay ang braso ko paakyat sa aking balikat.
Nakatukod ang kanyang kaliwang siko sa gilid ng ulo ko kaya ramdam ko ang init at naaamoy ko ang mabago niyang hininga na tumatama sa aking mukha sa subrang lapit ng mukha niya sa akin. Ipinaling ko ang aking ulo sa kabila pero kaagad niyang hinawakan iyon at marahan na hinaplos.
"P-Please--"
"Please what, Cristal?"
Halos idiin ko ang aking katawan sa pinto ng ilapit niya pa lalo ang mukha sa akin. His lips almost touching my skin, teasing me. Pinaparaanan ang gilid ng aking pisngi, sa tainga at pababa sa aking leeg.
"L-Let me go, K-Keith." I said almost inaudible.
"Not until I've change the hell you're saying... to heaven." he whispered again then abrubtly claimed my lips.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023