CRISTAL Akala ko magiging okey na ang lahat. Akala ko nagkakaintindihan na kaming dalawa. Akala ko magkakaroon na ng level ang pagsasama naming dalawa. Akala ko malinaw 'yong nabasa kong sulat niya sa akin na mahal niya rin ako. Pero lahat ng akala kong iyon naglahong parang bula ng ilang araw 'di na naman nagpakita sa akin ang Keith Kyle Altamonte na 'yon! Ibang tauhan na naman ang nakabantay sa control room. Pati si Muriel 'di ko na rin mahagilap pa. Lahat ng bantay nag-iba. Humigpit lalo. Sabi niya magpapaalam siya sa akin kapag aalis siya. Pero ngayon ni ha ni ho wala man lang akong matanggap galing sa kanya. Ang masaklap mukhang pinagkaisahan nila akong lahat! "Anong akala niya sa akin? Tao-tauhan sa posporo? Kung kailan niya gagamitin saka niya lang ako maaalala?" Nagdadabog

