"Nakuha ko na ate ang pinupunto mo. Ngunit hindi pa rin maiaalis sa aking isipan ang mga bagay na maaaring magdulot ng hindi inaasahang pangyayari at trahedyang biglang babagsak sa angkan na ito sa hinaharap. Masyadong komplikado na ang lahat ng bagay na naririto." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang nakapaskil pa rin ang halo-halong emosyon sa mukha nito na lamang ang mga negatibong emosyon kaysa positibo. "Hmmm... Meron ka bang hindi sinasabi sa kwento mo batang Xiaolong?! To think na masyadong plain yung kwento mo sa akin ay hindi ako maaaring magconclude lamang ng kung ano-anong mga bagay. Tama ba ko?!" Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang naningkit ang mga mata nitong pinagmamasdan ang batang lalaking

