"Yun ang di ako sigurado. Alam ko namang hindi tanga ang kung sinuamang nilalang na nagpadala ng mga nilalang na iyon mula sa ibang kaharian at napakalakas ng mga ito. Sinigurado nitong walang bakas ng ebidensyang maiiwan kung sakalaing mabigo ang mga nilalang na pinadala nila upang dispatsahin ang mga Clan Chief na nakatira sa teritoryo ng Green Valley." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila hindi nito mapigilang magtaka. "So you mean to say na malalakas na mga nilalang? Gaano naman kalakas?!" Tila nanlaki naman ang mga mata ng magandang babaeng habang nakatingin ito sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong. "Early Xiantian Realm Expert ang biglang sumulpot na pambihirang nilalang ngunit hindi ko alam sa ibang mga karatig-angkan namin." Seryosong sambit ng batang l

