Ang Dark Puppetry naman ay maituturing na taboo o pinagbabawal na propesyon kung saan ay lumalakad ang mga ito sa daan ng pagpatay o pag-eksperimento ng mga nilalang na buhay. Maituturing na karumal-dumal ang mga gawain nila na kinamumuhian at magkagayon man ay kinakatakutan din ng mga nabibilang sa mga Righteous Sects o ng iba pang mga mabubuting organization, tribo, angkan at iba pa. Karamihan sa mga ito ay pinapatay pa ng maaaga o hina-hunting bago pa makapaminsala. Ang mga Dark Puppetry na mga eksperto ay masasabing ligtas sa mga Demonic Path na mga Sect kung saan ay eksperto ang mga ito sa mga masasamang mga gawain. Isa ang mga dark puppetry sa pinahahalagahang lubos ng mga Demonic Sects Kung saan ay ninu-nurture ang mga ito at tinuturuan ng mas karumal-dumal na gawain ng masasamng ga

