Tila nanlaki naman ang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang maging ito ay tulalang nakatingin sa direksyon ng magandang babaeng ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya. "Paanong nangyari iyon? Sigurado akong isang Early Xiantian Realm Expert iyon. Iyon ang nasisiguro ko." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi ito makapaniwala sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang Cultivation Level ng nasabing puppet na buhay na nilalang na iyon na siyang nakalaban at napaslang niya. "Tanga ka bang talaga batang Xiaolong? Isa ako sa masasabing matagal ng nabubuhay sa mundong ito. Anong sinasabi mong di sigurado. May alam ka ba sa Puppetry? O paunang kaalaman?

