NAALIMPUNGATAN ako habang nakasalampak sa isang malamig na sahig kung saan mas madilim pa ang lugar pero mula rito rinig ko pa rin ang tugtug sa hall kung nasaan ginanap ang engagement party. Tahimik akong gumalaw para matanggal ang pagkakatali nila sa dalawa kong kamay. Unti-unti akong lumapit sa may barindilya at doon maingat na kiniskis ang lubid. Noong maramdaman ko ang unti-unting pagluwag noon ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na makawala. Tinuruan lang naman ako ng tatay ko sa mga ganito. Mula rito sa kinasasalmapakan ko ay nakatalikod si Cartier at Grace na mukhang may pinagtatalunan pa. “GRACE! SHUT UP, OKAY? TUMAHIMIK KA NA! KAPAG NAGISING SI BEARLENE ITUTULOY NATIN KUNG ANO ANG NAPAGPLANUHAN! Nandito na tayo. Hindi na tayo pwedeng umatras,

