MATAGAL kaming nagkatinginan na dalawa pero unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi n’ya sabay nod sa kin. “Maniwala ka sa kin, darling. Mali ka ng iniisip, hindi ko ‘yon kailangan kasi mas kailangan kita.” Nagkibit balikat ako bago ako umayos bumangon mula sa pagbaon ng mukha ko sa dibdib n’ya. Pumaibabaw ako sa kan’ya sabay pulupot ng kanan kong kamay sa batok n’ya habang ang kaliwa kong kamay ay hinahaplos-haplos ang buhok n’ya. “Final answer na ba ‘yan? Kasi hindi ako tumatanggap ng mga pangakong napapako. What are your thoughts about this, Mr. Clavel?” “I am definitely sure with my answer, Miss Echavez,” pilyo n’yang sambit bago nito ibaba ang tingin n’ya sa aking hinaharap at agad iyong hinalik-halikan nang matapos siya sa kan’yang g

