SINUSUBUKAN kong makatulog matapos nang makauwi ako sa min galing sa trabaho ko. Hindi na rin ako nakadaan pa sa boutique namin at mas minabuti ko na lang na tawagan si Manang Bernadith dahil hindi rin naman maganda na baka magpang-abot pa kami ni Hendrix doon at isa pa ay masama rin ang pakiramdam ko. Ilang beses na akong nagpalipat-lipat ng posisyon pero halos isang oras na akong nakahiga pero hindi pa rin ako makatulog ng tuluyan. Ayaw ko rin namang kumain at wala talaga akong gana mula pa kaninang umaga. Ngunit agad akong napabalikwas ng malakas na tumunog ang ringtone ng phone kong nasa bedside table ko lang. “Sobrang lakas ba talaga ng ringtone ko o wala lang ako sa sarili ko kanina kaya gulat na gulat ako?” tanong ko pa sa sarili ko bago ko ‘yon kunin at sagutin agad n’ong panga

