“ANONG nangyari sa ‘yo kahapon at umuwi ka ng lasing? Halos hindi ka na nga makauwi rito para tignan kung maayos pa ba ang pamilya mong nasa pamamahay na ‘to tapos uuwi ka pang langong-lango sa alak?” pagpapagalit ni Vice Mayor Revilla sa apo. “Pasensiya na po, grandma, alam ko naman na po kasing ang dami ng pulis na nandito para bantayan kayo kaya hinayaan ko munang mailabas ko ang sama ng loob ko bago ako umuwi rito,” sagot naman ni Hendrix na kinakamot pa ang kan’yang batok. “Hendrix, still! You should be here paano kung napano ka sa labas? Sa tingin mo mapapatawad ko ang sarili ko kung may nangyari sa ‘yong masama?” naiinis na ani ng kan’yang lola habang tinitimpla ang kan’yang tsaa. “Grandma, kaya ko naman ang sarili ko.” “Kay

