Nikita’s POV
“NASAAN si Bearlene?” I asked our maid, who was sweeping in the salas where I last saw my daughter.
“Nasa labas po, ma’am,” she answered.I asked our maid, who was sweeping in the salas where I last saw my daughter.
“Nasa labas po, ma’am,” she answered.
“Nasa labas? Akala ko ba nanood lang siya ng tv rito a while ago?” confusedly, I ask.
“Ah, opo nga po, ma’am. Kaso dumating po ‘yong apo ni vice mayor, ‘yong gwapo, si Sir He--, ano nga ba pangalan n’on, ma’am?”
“Sino? Si Hendrix ba?”
“Ayon! Si Sir Hendrix pala! Opo, ma’am, hinila palabas si Ma’am Bearlene, eh, may sasabihin yata,” sagot n’ya before leaving me in the salas dumbfounded.
Napalunok ako. Before pushing the wheel of my wheelchair upang lumapit sa malaking bintana sa may kusina namin kung saan kitang-kita ang malapad na parang. It was maintained everyday lalo pa at tinatanim ko pa ang mga bulaklak d’yan noon n’ong nandito pa siya sa piling namin ng anak ko.
From here, malinaw kong nakikita ang anak ko na nakatalikod habang kausap si Hendrix na nakapaharap naman mula sa kinaroroonan ko ngayon.
“Ang gwapo talaga ni Sir Hendrix ano? Bagay na bagay sila ni Ma’am Bearlene,” dinig kong bulungan ng mga kasama namin sa bahay.
Humahagikhik pa ng mahihina ang kasama n’ya. “Oo nga, mars! Ang laki pa ng katawan, siguro may abs ‘yan!” anito.
“Ay naku, mars! Kung ‘yan siguro mapapangasawa ko hindi na ako aalis ng bahay araw-araw. Hindi ako magsasawang tignan siya,” kinikilig pang tugon naman ng isa.
“Pero alam mo ba kung sila na ni Ma’am Bearlene? Halos taon-taon kapag umuuwi ‘yan galing Spain laging nandito, eh,” aniya.
“Hindi ko alam, mars. Parang hindi naman sila kasi kaswal lang naman sila mag-usap, ‘di ba dapat kung sila may mga tawagan ‘yan, ano nga ba tawag doon? Inderment?” Endearment pagtatama ko sa utak ko.
“Ay, oo nga, mars! Siguro nanlilgaw pa lang? Buti nga ‘yan, eh, nakakakita tayo ng gan’yan kagwapong lalaki rito araw-araw, bagay na bagay naman sila ni Ma’am Bearlene.”
“Tess? Pwede ba bumili muna kayo ng tatlong sako ng harina sa palengke? Dalhin mo na itong si Clarita para may gawin naman kayo kaysa pagtsismisan ang Sir Hendrix ninyo,” singgit ko na sa kanilang usapan.
“Sige po, ma’am, sorry po,” sagot nilang pareho bago ako iwanan mag-isa sa kusina.
Ang gusto ko lang naman mangyari ay maiwan akong mag-isa rito. Binalingan ko ulit ng tingin ang anak ko at si Hendrix na mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Napansin kong nagsasalita si Hendrix habang diretsong nakatingin sa anak ko. Hilam na rin ang kan’yang mukha na animo’y kanina pa nagpipigil sa pag-iyak.
“Nag-aaway ba sila?” bulong ko.
Ngunit nanatili akong nakatingin sa kanilang dalawa hanggang sa hilahin siya ng anak ko at halikan. Noong una ay gulat pa si Hendrix ngunit hindi naman nagtagal ay napapikit na ito habang binabalik ang halik ng anak ko habang umiiyak.
I was surprised when a tear fell from my eyes. Agad ko itong pinunasan at pinagpatuloy ang panonood sa kanila hanggang sa tumayo na si Bearlene at naglakad palayo habang si Hendrix ay mukhang bigo. Nanatili lang ako roon hanggang sa makita kong pabalik na si Bearlene ng bahay, mabilis kong itulak ang gulong ng wheelchair ko para abangan si Bearlene. Agad siyang napatingin sa kin ng makatapak siya sa aming pintuan.
“Saan ka galing, anak?” bungad kong tanong na nagkukunwari na hindi ko sila nakita.
“Sa labas lang po, mommy,” aniya at simpleng pinupunasan ang mga mata n’ya. Tinatago n’ya pa.
“Sinong kasama mo? Nandiyan ba si Hendrix? Bakit hindi mo papasukin?” ngunit umiling siya.
“Uuwi na rin po ‘yon, mommy. Akyat lang po ako, mommy.”
Bearlene’s POV
“Ano ang nakita kong naghalikan kayo? Ano ‘yon?” hindi ko naituloy ang paghakbang pa-akyat sa kuwarto ko nang marinig ko ang sinabi ni mommy. Natuod ako.
“Bearlene, kinakausap kita, ano ang nakita kong ‘yon?! Hinalikan mo siya?” tumaas na ang boses ni mommy na natiling nasa likuran ko.
“Mommy, please not now,” aniya ko. Buti na lang at walang ibang tao rito ngayon.
“Bearlene Echavez, hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo, ano ang nakita kong ‘yon?” ulit niya. Kaya mas lalo akong napapikit ng madiin.
“Ano ba kayo ni Hendrix, anak?” Ano nga ba po, mommy?
“Magkaibigan po kami, mommy. Best friend ko po si Hendrix,” sagot ko naman.
“Hindi kana bata para pagsabihan pa sa mga desisyon mo sa buhay, anak. Alam mo na ang tama at mali kaya hindi na kita panghihimasukan pa. Hindi naman siguro kami nagkulang sa ‘yo ng mameng mo, hindi ba?”
“Opo, mommy,” sagot ko.
“Mabuti naman kung ganoon at nagkakaintindihan tayo. Hindi naman namin ito ginagawa para sa min kundi para sa ‘yo, para rin sa inyo. Hindi basta-basta ang sitwasyon na meron ka anak kaya sana tandaan mo ‘yan,” mahaba nitong litanya.
“Mommy,” paano kong hindi ko kaya ang gusto n’yong mangyari? Paano kong ang sakit-sakit na rin sa kin? Na kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ay kailangan ko si… “Naiintindihan ko po kayo, alam ko po ang ginagawa ko. Huwag po kayong mag-alala sa kin,” dugtong ko na lamang.
“Mabuti naman, anak. Dahil hindi mo siya maaring mahalin. Hindi pwede,” parang bombang pinasabog sa harapan ko ang katotohanang iyon.
I still damn love you, darling. Mahal na mahal pa rin kita kahit hindi pa rin pwede.
I don’t love you pa rin.
Nikita’s POV
(Flashback)
“Naka-shot ka na ba, parang dinadaya mo naman ako, eh!” he started protesting. Still, hawak-hawak pa rin ang basong may lamang alak.
“Alam mo lasing kana, Elion, tigilan mo na kaya ‘yan? Akala ko ba pupuntahan mo pa ‘yong ano si, argh! I mean your girlfriend,” pigil ko sa kan’ya.
“Lasing ako? Nikita, naririnig mo ba sarili mo? May high tolerance ako sa alak kaya impossible ‘yang sinasabi mo. ‘Yon na nga, eh, dapat pupuntahan ko naman talaga siya,” sabi n’ya sabay baba ng tingin.
“Oh, ayan naman pala, eh! Bakit ka pa nandito sa apartment ko at nag-iinom d’yan? Pumunta kana sa girlfriend mo, I’m sure she’s also waiting for you,” aniya ko.
“Tsk. ‘Yon hinihintay ako? Impossible,” sagot naman nito sabay punas ng bibig n’ya gamit ang manggas ng balikat n’ya.
“What do you mean?” saad ko atsaka ininom ang natitirang alak sa pangalawa shot ko kanina.
“Bakit kasi ang gulo ninyong mga babae? Ang hirap n’yong i-spelling-in, ang hirap-hirap, mas pipiliin ko pa yata ang gumawa ng research ko n’on sa nursing kaysa ang mag-isip ng rason bakit na naman siya galit sa kin,” parang batang nagsusumbong sa nanay.
“Baka naman may ginawa kang mali,” aniya ko sabay subo ng binili n’yang chicharong bulaklak.
“Paano ko malalaman kung tama ba o mali ang ginawa ko kung hindi naman n’ya sinasabi? Tapos ano? Biglang hindi sasagot, biglang galit? Nakakagago!” he cursed bago n’ya muling ubusin ang huli kong itinagay na alak sa baso n’ya.
“Alalahanin mo kasi, anong ginawa n’yo prior the incident? Baka naman may nasabi kang ikakasama ng loob n’ya?”
“Incident? Anong akala mo sa kin, Niks, sasadyaing magalit siya sa kin? Ano ako tanga?” napa-irap ako sa naging sagot n’ya.
“Whatever. Let me rephrase my sentence, then, napaka-insensitive mo naman!” iiling-iling lang siya.
“Alalahanin mo kasi, anong ginawa n’yo prior the ‘accident’?” ulit ko na lang ng sinabi ko.
“Actually, wala naman kasi buong araw halos madalang lang kami nagka-usap, nagsabi naman ako sa kan’ya na-busy ako sa hospital, shift ko ‘yon, eh, alam naman n’ya. Lagi nga akong nagtatago ng likod para mai-update siya tapos ganoon pa makukuha ko, galit?”
“Baka naman na-miss ka lang kaya nag-iinarte? Nagpapasuyo lang ‘yon! Ikaw, ang tanda mo na pero parang hindi ka pa rin sanay sa mga babae,” sisi ko sa kan’ya.
“Kasalanan mo ‘to, eh,” anito.
“Ano? Bakit naman ako nasali d’yan sa lovers quarrel n’yo? Bakit napunta sa kin ang mali?”
“Ikaw nagtulak sa kin na ligawan ‘yang babaeng ‘yan. Sabi mo feel mo na magkakasundo kami, na maiintindihan n’ya ako no matter what pero parang hindi naman. Nakikipagkompetensiya pa nga siya sa trabaho ko,” ayon! Ako pa nga ang mali.
“Gago ‘to. Suggestion lang naman ‘yon, Elion, hindi ko naman sa ‘yo sinabing sundin mo. Ano ‘to kapag ba s-in-uggest ko sa ‘yo na magpakamatay ka ngayon susundin mo rin kahit ayaw mo naman? Common sense nga, registered nurse pero wala namang common sense, ‘no ba ‘yan!” pabiro kong banat.
“Kita mo ‘to nanglait pa, tulungan mo na lang kasi ako, ano bang magandang gawin? Kakausapin ko ba? Ano?”
“Alam mo, mas maganda koung tumigil ka na sa kakainom mo at matulog ka na, nakailang kahon ka na, gago!”
“Wala pa nga, eh, nakainom na pala ako? Parang wala naman,” patawa-tawa n’ya pang daing.
“Hay naku! Ewan ko sa ‘yo, bahala ka nga,” pinabayaan ko na lang siya at pinapatuloy na lang ang paglantak sa chicharon. Sarap talaga ng chicharon sa may kanto.
“Ano na nga? Kakausapin ko ba agad bukas o hahayaan ko na muna siya? Ano? Tulong naman, Niks!”
Umiling ako habang tinitignan siya. “Puntahan mo bukas ng personal, ayusin mo na rin muna sarili mo bago ka sa kan’ya magpakita kasi baka imbes na magka-ayos kayo ay hindi na lang. Suyuin mo lang hanggang bumigay at malaman mo ang dahilan bakit nagalit tapos kapag alam mo na doon ka na magdesisyon kung anong gagawin mo para maitama at makabawi sa kasalanan mo sa kan’ya. Alam mo ang mga babae kailangan lang n’yan na maramdaman nilang mahalaga sila sa ‘yo,” mahaba kong advice.
Nabigla nga ako kanina ng sumulpot ‘to sa apartment ko. Wala namang pasabi na pupunta, nag-aya agad ng inuman ‘yon pala may problema na naman sa jologs n’yang girlfriend. Ako nga naman talaga nag-suggest sa kan’ya na ligawan ‘yong si jologs, hindi ko naman kasi alam na kapag tumagal pala mas lalo siyang magiging jologs, lumalabas talaga ang pakiki-uso n’ya kahit hindi naman bagay.
“May stock ka ba d’yan?”
“Wala, soju lang nasa ref ko, hindi ka naman kasi nagpasabi na pupunta ka at may plano ka palang maglasing. Kung nagsabi ka sana ng mas maaga, eh, ‘di sana binilhan kita,” sagot ko.
“Anong oras na ba?”
“Alas diyes palang naman, bakit? Bilhan ba kita?” alok ko na lang. Mukhang kulang pa ang inubos n’yang isang kahon, eh.
“Huwag na ako na lang lalabas, bibili na lang ako sa baba,” aniya habang sinusubukan ng tumayo palabas ng apartment ko.
Hinayaan ko na lang siya sa gusto n’ya. Natagalan siya sa pagbalik pero may dala-dala namang alak kaya kumuha na lang ako ng panibagong ice cubes sa ref. Habang inilalagay ko ang ice cubes sa bowl ay tinitignan ko si Elion na walang tigil sa pag-inom ng bago n’yang biling inumin.
Plano pa yata nitong magpaalaga sa kin, ah. Tiyak ako maya-maya tutumba na ‘to sa kalasingan.
“Lintik! Wala na palang ice,” daing n’ya.
“Meron pa ako rito, sandali.”
“Nice! ‘Yan gusto ko sa ‘yo, Niks, hindi ka tulad ng iba d’yan na ang arte pa, eh. Umamin ka nga sa kin, lesbian ka ba?”
“Saan mo naman nakuha ang fake news na ‘yan?” wika ko sabay lapag ng bowl na may lamang ice cubes sa tapat n’ya. Tahimik itong naglagay ng ice sa baso na meron siya.
“Wala lang, nagtataka lang ako kasi ang tigas ng puso mo, sa ‘yo naman talaga ako nagpapansin dati pa, ikaw lang naman ‘tong hindi man lang ako ma-appreciate.”
Akala mo lang ‘yon.
“Alam mo lasing ka na nga, Elion Trinidad, ano-ano na pinagsasabi mo, tumayo ka na d’yan at humiga doon sa kama sa kabila na lang ako matutulog,” ustos ko sa kan’ya na siya naman n’yang sinunod. Naghubad siya ng pang-itinaas n’ya exposing his six pack abs.
“Tsk. May plano pa yatang gawing motel ‘tong apartment ko,” sumalampak lang ang gago sa kama ko habang ako naiwanang nagliligpit ng mga pinag-inuman n’ya. Hindi naman nagtagal at natapos ko na rin ang pagliligpit kaya nilapitan ko si Elion at tatakpan ko sana ang katawan n’ya ng kumot ng mapansin ko ang namumula n’yang mukha hanggang sa madapo ang tingin ko sa mga labi n’ya.
Something is tempting me, I want to kiss him.
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha n’ya, hindi naman na siguro magigising ‘to dahil sa kalasingan.
Magnanakaw na sana ako sa kan’ya ng halik ng bigla n’ya akong hilahin.
“I got you, Niks.”