CHAPTER 7

1760 Words
           BUSY akong kumakain ng hawak kong malaking tortillas habang nanood ng tv sa salas namin. Nakapambahay lang ako dahil off ko ngayong araw at plano ko na maging tambay lang sa bahay.            It’s a mood!            “Mommy! Anong niluluto mo po? Ang bango!” hiyaw ko habang hawak-hawak ang remote at pinagpapalit-palit ang channel ng pinapanood ko. May mga natitira pang powder sa daliri ko mula sa kinakain ko kaya kumuha ako ng tissue para tanggalin ‘yon.            “Cookies, anak! Teka, paluto na ‘to,” sagot naman ni mommy mula sa kusina. Kung wala si mommy sa kuwarto n’ya nasa kusina lang ‘yan o ‘di naman kaya nasa simbahan na malapit dito sa min, naghihintay ng taong mukhang malabo namang bumalik, ang tatay kong iniwan lang kami.            Umaayos ako ng upo at inilagay sa lap ko ang isang maliit na unan na nakapatong sa sofa namin. Naka-focus na ako sa pinapanood kung bagong series sa Netflix ng may maramdaman akong tao sa likod, hindi pa nga ako nakakalingon ay naramdaman ko na ang hininga n’ya sa tenga ko.            “Darling,” bulong ni Hendrix bago sinunod na halikan ako sa buhok mula sa likuran ko at ng linungin ko siya ay nakatayo na ito sa aking likuran.            “Nandito ka na naman, ang aga-aga,” reklamo ko bago sumubo ng kinakain ko. Nag-make face siya bago nag-squat at ipatong ang chin sa likod ng sofa sa bandang balikat ko.            “Nandiyan ba si lola?” aniya.            “Wala, kanina pa nakaalis, bakit?” sagot kong wala sa kan’ya ang sa focus sa halip ay sa pinapanood ko.            Tumahimik siya sa likod kaya hinayaan ko na lang. Pero tumahimik pala kasi may plinaplanong gawin, buhatin ba naman ako ng patayo ng sofa at itayo ako sa harapan n’ya.            “Ano ba!” daing ko.            “Sumama ka sa kin,” aniya habang hinihila na ako palabas ng bahay namin. Nag-panic naman ako para isuot ang sandals ko, hindi ko na nga naisuot ng tama dahil nagtatakbo na itong si Hendrix habang hawak-hawak ang kamay ko.            “Ang gulo mo talaga, Drix! Teka nga lang! Saan ba tayo pupunta?!” reklamo ko habang sinusubukang mag-keep up sa pagtakbo niya.            “Huwag na kasing magreklamo, Bear, d’yan lang naman tayo.”            “K,” maikli kong sagot.            Tumigil nga kami sa hindi kalayuan ng bahay namin. Sa tabi kasi ng bahay namin ay parang may malaking parang na punong-puno ng alagang-alagang bermuda grass na ngayon ay halos pinapalibutan na ng bulaklak. Naglatag si Drix ng maliit na tela sakto para upuan ng dalawang tao. Tinanggal n’ya ang wallet n’yang nasa likod ng bulsa n’ya atsaka umupo.            “Dito ka sa tabi ko,” anito habang tinatapik ang space na nasa tabi nga n’ya. Napairap muna ako bago inayos ang pagkakasuot ko sa suot kong sandals bago sundin ang gusto n’yang mangyari.            “Ano ba kasing trip mo at nandito ka na naman? Wala ka bang ginagawa sa inyo?” pag-uumpisa ko ng usapan habang napapapikit pa ako kasi sa tirik na araw sa labas.            “Wala, mas importante ang ginawa ko ngayon kaya nandito ako,” aniya. Ini-stretch niya ang dalawa n’yang mahahabang binti at sinupuntahan ang sarili n’yang nakaliyad na ngayon gamit ang dalawa n’yang kamay na nakatukod sa may likuran n’ya.            Nag-indian sit na lang ako at baka may makakita pa sa mga hindi dapat makita sa kin.            “Bakit mo hinahanap si mameng? May gusto ko bang sabihin sa kan’ya?” tanong ko na lang.            “Wala naman, magso-sorry lang sana ako sa kan’ya kagabi, medyo nagalit yata sa ginawa ko sa ‘yo,” seryoso n’yang saad.            “Kailan pa nagalit sa ‘yo si mameng? Eh, paborito ka nga n’on!” pamumuri ko sa bago isubo ang panibagong piraso ng chips na kinakain ko kanina. Buti na lang nabitbit ko pa.            “Eh, kasi kagabi parang umiba ang tono n’ya n’ong makitang hinahalikan kita sa mukha, it was my first time seeing her act like that, sa harapan ko pa mismo,” anang n’ya. Kahit nga ako nagulat din sa ikinilos ni mameng kagabi. Pero naiintindihan ko naman siya hindi naman kasi kami gan’on ka-sweet kapag nasa harapan namin sila.            “I think, normal lang ‘yon, okay kasi sana na ganoon tayo kalapit kung mga bata pa tayo pero ngayon kasi iba na, hindi na tayo ‘yong si Bearlene at si Hendrix na bata pa, nakakaintindi na tayo ng dapat na ginagawa ng isang disenteng babae at lalaki,” pagpapaliwanag ko naman.            “That’s true. Nagulat lang din siguro siyang madatnan tayong ganoon kagabi,” anito.            “Ang landi mo kasi kagabi, may pahalik-halik ka pa,” paninisi ko na lang kono.            “Tsk. Hindi ko lang din napigilan ang sarili ko, nakalimutan ko ng ilang saglit na nasa harapan tayo ng bahay ninyo. Eh, sa ayaw kong makita kang umiiyak,” seryoso saad ni Hendrix.            “Kahit alam mo namang iniiyakan ko sa tuwing umaalis kayo ‘dati’,” salita ko habang tinitignan siyang nakatingin sa ibang direksiyon.            “Oh, well, iniiyakan ko rin namang malayo sa ‘yo, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan,” and that hits me. Hindi lang ako ang nahihirapan.            Liningon n’ya ako ngunit ako naman itong umiwas ng tingin at natahimik na lang. Nahihirapan na ba siya sa sitwasyon naming dalawa ngayon?            “Kung nahihirapan ka na, itigil mo na,” bahaw kong sagot.            “Sabi mo, pero hindi naman ‘yan ang pinunta ko rito.”            “Oh? Bakit ka ba nandito?”            “Paano kapag may niligawan akong iba, papayag ka ba?” Ilang ulit akong napalunok sa tanong n’ya. Umiling muna ako bago sumagot.            “Bakit naman hindi? Kailan pa kita pinigilan na mambabae?”              “Sabagay,” nag-iisip n’yang sagot. Pa-simple ko siyang tinignan at napanguso na lang. Bakit ba kailangan n’ya pang sabihin ang bagay na ‘yan sa kin?            “I-iyan lang ba ang pinunta mo rito? Wala namang dulot!” pag-iiba ko ng emosiyon ko. Sinusubukan ko na lang na maging masigla kahit hindi naman ganoon ang nararamdaman ko ngayon.            Hindi siya sumagot kaya ako na lang ang nagsalita. “Bakit may nagugustuhan ka na bang babae?” lakas loob kong tanong.                  “Higit ng pagmamahal ko sa ‘yo? Wala, wala namang kasing babae na makakapantay pa sa meron ka,” seryoso n’yang sagot. Biglang naglundagan ang mga daga sa puso ko ngunit ilang saglit lang ang tinagal noon kasi unfair na nga ako, mas lalo pa ba akong magiging unfair?            “Eh, bakit ka nagtatanong kong paano manligaw? Alam mo ang gulo mo, Drix,” daing ko.            “Wala lang, for reference. Ano bang gusto ng mga babae? Anong kiliti ba, ganoon?” aniya.            “Dapat sweet ka lagi, gusto ng mga ‘yan na lagi silang nasa priority mo gan’on. Kapag nagmahal ka kasi dapat seryosohan hindi ‘yong puro laro-laro lang,” sagot ko naman.            “Hindi ba ako sweet na tao?”            “Ha? Ah? Sweet ka naman ah,” atubili kong sagot.            “Eh, hindi ba kita priority? ‘Di ba lagi ko namang sinasabi sa ‘yo na priority kita?” saan ba papunta ang usapan naming ito?            “Oo nga, lagi mo namang sinasabi na priority mo ako, so?”            “Sa tingin mo ba hindi ako seryosong tao? Na hindi ako seryoso sa ‘yo?” tanong n’ya ulit habang unti-unti ng namumungay ang mga mata n’ya habang tinitignan ako. Naging balisa ako sa mga titig n’ya kaya sinusubukan ko talagang ibahin ang direksiyon ng mga mata ko.            “Seryoso ka, seryoso ka namang tao, may nagsabi ba sa ‘yo na hindi? Sa sobrang kaseryosohan mo nga ay nanapak ka na agad, daig mo pa mga basagulero sa kanto,” aniya ko naman.            “So, bakit?”            “Bakit, ano?” takha kong tanong.            “Ang sweet ko namang tao, sweet na sweet nga ako sa ‘yo lagi, eh. Araw-araw basta nandito lang ako sa San Ramon. Na halos sa ‘yo na nga lang umiikot ang buhay at oras ko kapag nakauwi ako rito,” sabay gulo n’ya ng buhok ko.            “Seryoso naman ako. Seryosong-seryoso naman ako pagdating sa pagpaparamdaman sa ‘yo na hindi lang laro-laro ang pinagsasabi ko sa ‘yo, ang mga pinagagawa ko sa ‘yo. I know that you know, I know you can feel it, na sa bawat pag-iisa ng mga katawan natin hindi lang basta init ang hihanap ko, alam kong nararamdam mong f**k s**t, mahal na mahal kita,” pagpapatuloy n’ya.            Lalong lumalakas at tumintindi ang tahip ng dibidib ko, mukhang alam ko na kung saan na naman papunta ang usapang ito.            “Priority? Tangina! Kaya kong lumipad mula Spain pabalik dito sa San Ramon agad-agad kung sabihin mo lang na kailangan mo rin ako, na kailangan mo rin ‘tong lalaking ‘to sa buhay mo. Kaya kong i-give up lahat kung ‘yon ang gusto mo, kasi putangina, sa lahat ng priority ko sa buhay ikaw ang top, pero, Bear,” humina ang boses n’ya matapos n’yang hawakan ang jaw ko at dahan-dahang ilingon sa kan’ya upang magkatinginan kaming dalawa.            “Bakit, Bear? Bakit hindi pa rin pwede? Bakit ganito pa rin tayo? Bakit sa tuwing iisipin ko, bakit parang hindi mo naman nakikita lahat ng ginagawa ko para sa ‘yo? Bear, bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang maging tayo?”            “Darling, bakit?”            Hindi ako makapagsalita, hindi ko kayang ibuka ang mga bibig ko para pumakawala ng mga kataga. Ang sakit sa matang makita ang lalaking ito na nasa harapan mo na nagbabadya na ang mga luha, na nasa kalagitnaan na ng tuluyang pag-iyak?            Nagkatinginan kami ng ilang saglit bago ko hinila ang kuwelyo n’ya at siilin siya ng halik. Pumikit ako habang ginagalaw ang aking mga labi sa mga labi n’ya. I was kissing him torridly hanggang sa hindi na rin n’ya napigilan pang hindi gumanti sa kin ng halik. Ilang saglit lang ng sinakop na rin n’ya ang magkabilaan kong pisngi gamit ang dalawa n’yang palad habang binabalik ang halik ko ng mas matindi pa.            Kapuwa kami naghahabol ng hininga ng tuluyan naming bitawan ang isa’t isa. Yumakap ako sa kan’ya ng mahigit.            “Gan’yan ang gusto ng mga babae, sweet ka, kaso hindi ako sila. Hindi ako pwedeng tumulad sa kanila, hindi ako pwedeng maging sila.”            Bago ako tumayo upang talikuran siya at mag-umpisang maglakad paalis. Habang iniiwan siyang nakatitig sa pag-alis ko ng bigo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD