CHAPTER 6

4239 Words
           NAGISING ako sa silaw ng araw na pumapasok na sa bintana ng kuwarto dinalhan sa kin ni Hendrix kagabi. Kinukusot ko ang mga mata ko at inunat ang dalawa kong kamay ng ma-realize kong nasa tabi ko pa pala si Hendrix na nakatingin lang sa kin ng husto.            “Good morning, darling,” salita n’yang gamit pa ang bedroom voice na meron siya.            Wafu, mame.            “Ganda ng gising mo? Morning,” sagot ko. Ilang segundo lang ang hinintay ko para bumangon at i-expose ang walang saplot kong katawan sa kan’ya bago nagpatuloy na maglakad para isa-isang kunin ang mga damit ko at didiretso na sana sa comfort room ng humarang si Hendrix sa pintuan. Nag-ala machete pa ang gago habang wala rin suot kahit na ano.            “Drix, padaan, gagamit ako, oh, bulag lang?” biro ko sa kan’ya habang tinatakpan na ang hinaharap at p***y ko gamit ang mga damit na meron ako kagabi.            “Bakit pa kailangan itago, ilang beses ko na rin namang namarkahan ‘yan,” aniya habang tinitignan ang malulusog kong mga hinaharap.            “Tsk. Daming sinasabi, padaan na nga, gagamit ako,” nag-uumpisa na akong ma-inis sa pinagagawa n’ya.            “Oh! Kalma, darling, wala bang good morning kiss?” aniya bago tahasang ilapit ang mukha n’ya sa mukha ko.            “Wala pa nga akong toothbrush! Lumayo ka nga,” reklamo ko pa. Pero may katigasan din talaga ng ulo ‘tong si Hendrix.            Ang tanong! Saang ulo? Mame, pareho, chos!            Halikan ba naman ako, diniinan na naman n’ya ang halik n’ya bago ako buhatin na siyang sinundan ko na lang. Nakapalupot na ngayon ang dalawa kong paa sa bandang tiyan n’ya habang ang dalawa kong kamay ay nasa leeg naman n’ya.            “Pfft! Lasang whiskey,” natatawa kong sagot habang hinahabol ang naglalaro n’yang dila sa bibig ko.            “Magtaka ka kong lasang Bearlene ‘yan,” mahina n’yang tawa baga ako ilagay sa bathtub.            “Saan ka?” tanong ko.            “Shower, bilisan mo na, baka malate ka sa trabaho mo, kasalanan ko pa,” aniya habang naglalakad na papunta sa shower exposing his healthy buttocks. Parang kape na lang kulang, pang-umagahan na.            “Buti alam mo, lumalandi ka pa, eh.”            “Ang sexy mo, eh, kung wala ka lang trabaho, kahit buong araw tayong maglaro yakang-yaka. Pero seryoso, Bear?” biglang seryoso n’yang tawag.            “Hmm?” sagot ko naman at inu-umpisahan ng kukusin ang mga kamay ko gamit ang isang bath scrub.            “Seriously, f**k, I miss you so much, darling,” sabi n’ya sabay mabilis na hinagkan at inangkin na naman ang mga labi ko. Napatingkayad ako sa taas n’ya. Ako pa ang nag-adjust.            “f**k, I really miss you, darling,” he said between our kisses. Gustong-gusto kong sabihin na, I miss you too, Hendrix, pero walang lumalabas na boses galing sa lalamunan ko, pati yata ang boses ko nakikiayon sa tadhana.            “I love you damn much, darling,” punong-puno ng pagmamahal na saad n’ya habang pinapaulanan ako ng halik.            Hendrix, sorry, I’m so sorry.            Mabilis lang naman natapos ang buong araw hanggang sa natapos ang trabaho ko sa radio station. Lulan ng regalo sa kin ni mommy na blue Mazda MX-5 Miata mabilis kong tinahak ng highway pauwi sa amin. Hindi naman nagtagal ang naging biyahe ko lalo’t ayaw ko namang ma-late sa usapan naming dinner n’ong doctor ni Mojie. Pinarada ko sa parking lot ng bahay ang kotse ko atsaka hinagis sa driver ni mameng ang susi para siya na ang pumarada ng maayos.            “Salamat, kuya! Nandito na ba si mameng?” tanong ko sa kan’ya habang inaayos ang pagkakasukbit ng leather jacket ko sa mga bisig ko.            “Oo, ma’am, kanina pa po,” anito.            Umakyat ako sa bahay namin hanggang sa makita ko na naman ang pagmumukha ni Hendrix na nasa salas at nakikipagkuwentuhan kay mameng na kasalukuyang uminom ng paborito n’yang tsaa.            “Nandito ka na naman, Drix, may bahay naman kayo na nangapit bahay ka pa ng may bahay,” aniya ko bago ko lapitan si mameng at humalik sa kan’yang ulo.            “Lola, oh, ‘yong apo n’yo inaaway na naman ako,” sumbong n’yang parang bata. Ngumiti lang sa min si mameng. Tumayo sa Hendrix para salubungin ako ng yakap kaya yumakap ako sa kan’ya sabay halik n’ya sa buhok ko.            “Welcome home, darling,” mahina n’yang bulong lalo at nandiyan lang si mameng nakatingin sa min.            “Oh, tama na ‘yan, distansiya na, hindi na kayo mga bata,” puna agad ni mameng. Nagkatinginan kami ni Hendrix, alam ko na mga titig n’yang ‘yan, titig nasa mood kasi may nadiligan. Gagong maharot.            “Mommy! I’m home!” hiyaw ko bago ako naglakad papasok sa kusina na for sure kinaroroonan ni mommy. Hindi nga ako nagkamali dahil masaya nitong itinutulak ang wheelchair n’ya para salubungin ako.            “Nak!” nakangiti nitong hiyaw. Kaya agad akong lumapit sa kan’ya at yumakap sabay halik sa kan’yang mga noo.            “How’s your day, mommy?”            “It was good, I have new recipe try it later, may dinner daw kayo sabi ni Drix?” aniya.            “Ang daldal talaga, yes, mom, Mojie’s doctor invited me out, pagbibigyan ko lang, dinner lang naman,” pagpapaalam ko na.            “Alright, ingat kayo,” saad naman ni mommy bago bumalik sa kusina at hayaan akong makaakyat sa kuwarto ko.            “Mameng, Drix, change lang ako.” Kapuwa nila ako tinanguan kaya dire-diretso na ako sa bathroom ko. Third Person’s POV            Matapos makaakyat ni Bearlene sa taas ng kan’yang kuwarto ay naiwanang kapuwa tahimik si Hendrix at ang mameng ni Bearlene na si Mayora Hermosa. Humigop ang mayora ng hawak-hawak na tsaa bago muling tignan si Hendrix.            “Hendrix, kailan ang balik ninyo sa Spain?” ma-awtoridad na ani ng matanda.            “Maybe three to four days from now, lola, kailangan kasing bumalik ni mom agad,” confident naman na sagot ng binata.             “I see. I remember the past years, n’ong bata pa kayong pareho ng apo kong si Bearlene., she will start whining to stop you from coming back to Spain and leaving her here, but look at her now. She grew up strongly independent woman,” pagmamalaki ng matanda.           “Beautifully, strong independent woman, lola,” pagtatama ng lalaki na siyang nakapukol sa mga mata ng matanda upang tignan ng husto ang binatang ngayon ay nagtitingin-tingin sa paligid.           “Hindi ka ba nag-girlfriend doon sa Spain? Kahit isa, apo?” tanong ng matanda.           “My heart is not in Spain, lola, nasa bahay n’yo,” seryosong tugon ng binata na siyang nagpa-iling sa matanda.           “What do you mean by that, Hijo, you are still not over my granddaughter?” nanudyong anang ng mayora.           “Lola, I will never stop loving your granddaughter, never, I can’t,” seryosong sagot ng binata sa kausap.            “Kahit alam mong hindi n’ya kayang ibalik ang pagmamahal na meron ka para sa kan’ya?” sasagot pa sana ang binata ng napansin nitong nasa hagdaan na ang babaeng iniibig at bumababa. Bearlene’s POV            Napansin kong parehong seryoso si mameng at si Hendrix sa pinag-uusapan nila. Wearing my white bra top, Calvin Klein logo waist leggings with clear heels and forever 21 stud earrings, Maybelline matte lipstick and braided hair. Pinagpapatuloy ko ang pagbaba.            “Mameng! Dinner lang kami kasama ‘yong doctor ni Mojie,” paalam ko sa kan’ya bago ko inilipat sa kabila kong kamay ang bitbit kong white satchel white bag.            “Hindi ba masyado kang maganda sa suot mo, apo?” puna n’ya sa suot ko.            “Lola, pinagbataan ko na nga ‘yang susunugin ko mga damit n’ya, hindi pala talaga naniniwala,” pagsasali naman ni Hendrix sa usapan.           “I think that’s a great idea, Hendrix, and I should do that some other time.”             “Mameng! No way! Mauuna na po kami,” paalam ko bago ko siya lagpasan at puntahan si mommy upang humalik.            “Take care, anak,” sabi naman ni mommy at kapuwa pa kami inihatid ni Hendrix hanggang sa pintuan ng bahay.            Sakto naman ang pagbaba namin ni Hendrix palabas ng bahay dahil pumarada na rin ang 2017 BMW M2 na sasakyan ni Doc Albert.            “Oh, ngayon saan ako sasakay?” tanong ko sa kanilang dalawa ng makalapit sa kin si Doc Albert.            “I didn’t expect na may chaperon ka palang kasama,” agad na sagot ni Doc Albert bago sa kin bumeso.            “Ewan ko ba d’yan, bigla na lang sumusulpot,” I was pertaining to Hendrix na matalim na ang tingin sa kakarating lang na veterinarian.            “Masama bang maki-join, pare?” seryoso n’yang tugon.            “No, the more the merrier,” bawi naman ni Doc Albert. Bago kami abutan ng madaling araw sa kakatalo ng dalawang itong pumagitna na ako sa kanilang dalawa.            “Since si Doc Albert naman ang nagyaya sa kin, sa kan’ya na lang muna ako sasabay, Drix,” suggestion ko na.            “Ge. Sa likod lang ako,” mabilis na pagsang-ayon ni Hendrix bago pumasok sa dala niyang Ford Mustang 3.7 V6.            Pinagbuksan ako ng pintuan ni Doc Albert bago ako umupo sa shotgun seat habang siya naman ay umikot upang makabalik sa driver’s seat.            “Saan ba tayo? Baka na-over dressed na ‘ko,” aniya ko.            “No, you look stunning,” madulas din pala dila ng isang ito.            Si Doc Albert lang ang nag-i-initiate ng usapan namin sa buong biyahe, tamang sagot lang ako kapag tinatanong n’ya. Hindi naman kasi ako ‘yong pala salitang babae lalo na at sa lalaki, well except kay Hendrix. At least siya alam n’ya anong lugar n’ya sa buhay ko not like this guy na mukhang umaasang may pag-asa kami. Hindi n’ya siguro nababalitaang never pa akong nagka-jowa. What I and Hendrix have will always stay like that, we were like that since then, summer buddy, f**k buddy. At least ganoon ang set-up namin sa puso’t isipan ko. Pero sa puso ko? Gustong lumaban pero hindi ko hinahayaan. I know I may sound unfair, especially kay Hendrix na alam kong mahal ako but I can’t afford to lose him forever, hindi ko rin naman kayang mawala siya ng dahil sa lintik na sumpang meron ang pamilya namin.            “We’re here!” anunsiyo ni Doc Albert ng tumigil siya sa isang simpleng restaurant hindi kalayuan sa kabesera ng San Ramon.            “Nice place, matagal ko ng gustong i-try ‘to,” aniya ko na lang bago hintayin na pagbuksan n’ya ako ng pinto pero nandoon na si Hendrix to do it for me, inilagay n’ya ang palad n’ya sa ulo ko para hindi ako mabunggo o kung ano man sa pinto ng kotse ni Doc Albert.            “Papasok na ako to check for my reservation,” saad na lang ni Doc Albert na nagbago yata ang timpla ng maunahin ni Hendrix. Tumango ako sa kan’ya kaya naiwan kami ni Hendrix na nakatayo doon.            “Iba talaga kapag bagong dilig,” panunukso n’ya matapos n’ya akong halikan sa labi.            “Gago! Akala mo naman siya hindi sumigla ng makadilig,” bawi ko sa napakadumi n’yang pinagsasabi.            “Parang gusto ko pa ngang mandilig ng halamang naka-puti, ‘yong mga nasa tabi-tabi na masyadong exposed ang hinaharap, sarap masahehin,” natatawa n’yang saad kaya mas lalong lumalabas ang dimples n’yang bagay na bagay naman sa kan’ya.            “Let’s go, inside,” hindi na ako sumagot pa at tumango na lang bago sumunod papasok sa restaurant. The ambience inside was great, kunti lang din ang mga kumakain kaya mas lalong maganda. My smooth melody music pa ang nagpi-play na siyang mas nanakuha sa kin.            “The ambiance is great,” comment ni Hendrix bago sila nag-agawan ng upuan para hilahin. Kaya ang ginawa ko dahil four seater naman iniwan ko silang maghilahan n’ong upuan at umupo ako sa iba.            “Ano pang tinatayo n’yong dalawa d’yan?” untag ko sa kanila. Kapuwa sila nagulat ng makitang naka-upo na ako.            “I thought dito ka uupo. / Bakit ka d’yan umupo?” they said in unison.            “Okay na ako rito, mas mabuti pa kumain na tayo medyo gutom na rin ako. I just had a light lunch meal,” aniya ko.            “Ako na ang nag-order, sana ayos lang,” sabi ni Doc Albert bago itinaas ang mga kamay para senyasan ang waiter doon sa restaurant.            “Naka-order ka na, eh, may magagawa pa ba kami,” sagot naman nitong si Hendrix kaya sinipa ko siya ng mahina sa baba ng lamesa.            “What?” inis n’yang baling sa kin.            “Nothing, let’s eat,” sagot ko na lang matapos mai-serve ang mga pagkain sa harapan namin. Tahimik kaming tatlong kumakain ng biglang binasag ni Doc Albert ang katahimikan.            “Vegan ka ba, Bearlene?” aniya habang hinihiwa ang steak na nasa plato n’ya.            “No, hindi naman ganoon—“            “Hindi siya Vegan, kung anong niluluto ni Tita Nikita for her, kinakain n’ya, her mom is one of the best cooks I have ever known,” pamumutol ni Hendrix ng sasabihin ko.            “Really?” baling pa rin sa kin ni Doc Albert.            “Yes, he’s right,” nahihiya ko namang sagot. Sabat kasi ng sabat ‘tong si Hendrix.            “I hope you don’t mind me calling you by your name,” muli n’yang kausap sa kin. Umiling ako.            “Sure. Sure.”            Muli kaming natahimik lalo at itong si Hendrix parang nagdadabog sa gedli. Anong trip naman ng isang ito? Nagpapapansin na naman yata.            “By the way, Bearlene, saan ka nag-college, if I’m not mistaken, you are a radio Dj?” muling pagbubukas ng topic ni Doc Albert matapos n’yang punasan ang bibig n’ya gamit ang table napkin na nasa gilid lang ng plato, nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako tumango. Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng sumabat na naman si Hendrix.            “Radio Dj siya sa Padayon Radio Station and she took up her broadcasting degree at the University of the Philippines in Diliman, gr-um-aduate rin siya as Magna Cumlaude, may itatanong ka pa ba?” simpleng sagot ni Hendrix pero napansin ko kung paano na pakuyom ng kamao n’ya si Doc Albert.            “Wow! That’s great. How about your favorite pet? Si Mojie lang ba ang alaga mo?” muli pa ring nakabaling sa kin si Doc Albert habang tinatanong iyon.            “Hindi siya mahilig sa kahit na ano mang pet, hindi kasi siya lover ng mga ‘animal’. Mojie was given to her by her grandmother kaya nag-iisa lang ‘yon,” makahulugang sagot ni Hendrix na talagang diniinan at tinignan si Doc Albert sa mata ng banggitin n’ya ang salitang animal.            Natahimik sila pareho kaya papalit-palit ang naging tingin ko sa kanilang dalawa.            “Yes, he’s right, medyo allergic din kasi ako minsan sa mga balahibo nila, mameng just gave me Mojie kasi supposedly ibibigay n’ya ‘yan sa pinsan kong lalaki pero may nangyaring accident kaya sa kin na lang napunta,” pagbabasag ko ng katahimikan. ‘Yon na nga lang ang nag-iisa kong pinsang lalaki, naaksidente pa matapos n’ya ring mapasagot ang jowa n’ya na magpakasal sa kan’ya.              “I see, may sentimental value pala sa ‘yo si Mojie,” sagot naman ni Albert at pinagpatuloy ang pagkain.            “Medyo ganoon na nga, besides naging stress reliever ko na rin si Mojie since time in memorial kaya inaalagaan ko talaga ng mabuti ‘yon.”            “Speaking of Mojie, how is she?”            “Thank, God! She is eating properly and sleeping loud and safe, thank you for saving her,” mabilis kong sagot baka sumingit na naman si Hendrix sa usapan.            “Let me ask this, may boyfriend ka na ba?” diretsahan n’yang tanong habang direkta ring nakatitig sa kin. Ako ang unang bumitaw sa staring game namin at tinignan ko si Hendrix na pinaglalaruan na ang kutsilyo sa kamay n’ya.            “Ano naman sa ‘yo kung may boyfriend siya?” matigas na saad ni Hendrix.            “Hindi naman ikaw ang tinatanong ko, pare, kaya huwag kang sabat ng sabat, kanina ka pa,” matigas din sagot ni Albert.            “Ang dami mong tanong akala mo kung sino kang field reporter, last time I checked isa ka namang veterinarian,” sagot ni Hendrix sabay subo ng kinakain n’yang pechay ay este repolyo.            Ano ba namang utak ‘to, makasalanan.            “Last time I checked, hindi ka rin si Bearlene kaya bakit ka ba nakikisali?”            “Wala ka namang relo kaya bakit ka magche-check? Isa pa, wala ka na roon at isa pa wala akong tiwala sa ‘yo,” gagong Hendrix ‘to, trashtalker amp.            “Tsk. Mas katiwa-tiwala naman ang mukha ko kaysa sa mukha mo.”            “Hindi tayo sure, ‘di hamak na abante naman ako ng ilang ligo sa ‘yo.”            Nagkakainitan na po mga kaibigan, ipapasa ko na ba ang problemang ito sa sarili kong programa? Hali na at sabay-sabay nating bigyang sulosyon ang makabagbag damdaming problemang ito, now na!            Naalimpungatan ako matapos kong maramdaman na nag-vibrate ang phone kong nasa tabi lang.            “Ah, Albert? Hendrix? Excuse me lang, ha, tumatawag si mameng,” aniya ko bago ko ito sinagot at tinakpan ng kamay ko para mas marinig ko.            “Hello po, mameng? May ipapabili po ba kayo?” bungad ko sa kan’ya. Naging maingay ang paligid at ilang sandali pa bago may magsalita sa kabilang linya.            “Hija, go home right away, si Nikita, your mom, nagse-seizure na naman,” nagmamadaling saad ni mameng at may kung ano ng inaasikaso naririnig ko na rin ang paghahabol ng hininga ni mommy sa kabilang linya. Agad akong napatayo at agad kong hinablot ang bag ko,            “I need to go home, si mommy,” ayon na lang ang nabanggit ko, hahakbang na sana ako paalis ng kapuwa humarang sa daraanan ko ang dalawang lalaki na kasama ko.            “Ihahatid na kita. / I’ll bring you home.” Sabay na naman nilang presinta.            “Ako na. / Halikana.” For the second time around, sabay na naman nilang salita. Tinignan ko sila pareho bago ko sila lagpasan.            “Kaya kong umuwi mag-isa, padaan,” ani ko at mabilis na tinakbo ang labas at pumara ng masasakyan. Kapuwa hinabol ako ng mga kasama ko kaso mabilis na akong sumakay sa isang taxi.            “Kuya, Hermosa street, pakibilisan na lang po, emergency,” saad bago nito pinaharorot ang kan’yang taxi. Third Person’s POV            Naiwan ang dalawang matitipunong lalaking nakatayo sa harapan ng pintuan ng restaurant na kanilang pinanggalingan. Parehong tinatanaw ang taxi na kakaalis lamang lulan ang babaeng kapwa nila nais makasama.            Mabilis ang naging kilos ng dalawa upang pumasok sa dala-dala nilang mga sasakyan ng kamuntik na silang magbungguan dahil pareho silang nagmamadaling sundan si Bearlene.            Malakas ang naging tunog ng kanilang mga gulong na sabay na nagpreno. Ilang sandali lamang ang tinagal ng kapuwa sila lumabas mula sa kanilang mga kinauupuan at nagtalpakan.            “Gago ka ba?” agad na angil ni Hendrix kay Albert at hawak-hawak na ang kuwelyo nito.            “Mas gago ka! Kanina ka pa, talaga bang pinupuno mo ako?” angil pabalik ni Albert.            “Hanapin mo paki ko, pare,” sarkastikong tugon ni Hendrix.            “Humanda ka na ring bumagsak sa hospital matapos ng gagawin ko sa ‘yo,” maangas na banta ni Albert. Pero mas mabilis is Hendrix dahil agad n’ya itong nasuntok na siyang nagpatilapon sa kan’ya, sinundan siya ni Hendrix at pinaulanan ng suntok sa nukha, tagiliran, sikmura pati tadyak sa katawan. Nakakabawi naman ng suntok si Albert na siyang nagpadugo sa gilid ng labi ni Hendrix hanggang sa may mga umawat na sakanilang staff ng restaurant na pagmamay-ari ni Albert.            “May oras ka rin sa king, Clavel ka!” sigaw ni Albert matapos siyang ilayo sa kalaban ng dalawang lalaki. Habang si Hendrix naman ay nagpumiglas na sa may hawak sa kan’ya at pinunasan ang dugo sa kan’yang labi. Aambahin pa sana n’yang susuntukin si Albert ng agad na siyang pumasok sa kotse n’ya at pinaandar iyon. Binuksan nito ang binatana ng kotse n’ya atsaka itinaas ang ikatlong daliri sa labas ng bintana sabay sigaw.            “Manghiram ka na ng mukha sa mga aso, ulol! f**k you!” Bearlene’s POV            Halos talunin ko na ang labas ng bahay namin papunta sa kuwarto ni mommy sa second floor. Nadatnan ko na si mameng na nakayakap kay mommy habang hinahawakan ang oxygen mask, sunod kong na pansin ang mga kasama namin sa bahay na hindi na magkanda ugaga, nandoon na rin ang doctor ni mommy kaya agad akong pumunta sa gawi ni mameng upang palitan siya. Halos hinahabol na ni mommy ang hininga n’ya na halos mapuno na ako ng kalmot mula sa kan’ya dahil hindi na n’ya malaman kong paano pa huminga ng maayos.            “Try to inhale, exhale, Nikita,” utos ng doctor bago n’ya kinuha ang kamay ni mommy at may tinusok na syringe sa may ugat nito. Tumayo ang doctor matapos n’ya akong i-tap ng kunti sa balikat at puntahan si mameng na ngayon ay hindi na alam kung saan ilalagay ang kaba habang pabalik-balik sa paglalakad.            “Mommy, mommy,” tawag ko sa aking ina.            “Ano bang pinagagawa nitong si Nikita, mayora? Kabilin-bilinan kong huwag ng lumabas ng lumabas ng bahay. Mas mabuti na manatili na lang dito sa loob kaysa lumabas-labas pa mas lalong prone siya sa kung anong microorganism sa labas that may cause her harm,” dinig kong litanya ng doctor kay mameng.            “Mommy, inhale, exhale,” baling ko kay mommy na unti-unti ng kumakalma.            “Doc, ang tigas ng ulo ayaw paawat sa amin nitong anak n’ya, lagi ‘yang lumalabas tuwing hapon at nandoon sa simbahan naghihintay ng wala namang hinihintay,” direktahang saad ni mameng.            “Nikita, if you want to live longer, please do listen to your mom and daughter, mas lalo nagiging mahina ang katawan mo, you are prone to disease lalo at mababa na ang immune system mo, hija, help yourself,” bilin ng doctor bago sila parehong lumabas ni mameng ng kuwarto.            Bumalik na sa normal ang paghinga ni mommy kaya kusa na itong sumandal sa headboard ng kama n’ya habang hawak-hawak pa rin ang braso ko. Sumenyas na lang ako sa mga kasama namin sa bahay na iwanan na kami roon ni mommy.            “Mommy,” mahina kong tawag sa kan’ya bago humalik sa kan’yang noo.            “Mommy, you should take a rest now,” aniya ko bago siya tapik-tapikin. Tumango naman siya sa kin at ipinikit na nga ang mga mata.            Hinintay kong makatulog si mommy ng tuluyan bago ko siya iwanan sa kuwarto n’ya. Paglabas ko ay nakita ko pa si Manang Soleng na may dala-dalang dalawang baso ng maiinom bago siya pumasok sa office ni mameng. Hindi pa siguro nakauwi ang doctor ni mommy. Kaysa makinig sa pag-uusapan nila ay lumabas na lang ako ng bahay para makapahangin man lang.            Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Hendrix na nasa labas at naka-upo sa hood ng sasakyan n’ya.            “Kanina ka pa?” basag ang boses kong tanong.            “A while ago, sinundan kita and I heard Tita Nikita had a seizure,” aniya.            Hindi na ako naghintay ng mas matagal pa at agad akong mabilis na lumapit sa kan’ya at yumakap. Tumayo siya ng maayos kaya ngayon nakadantay na ang mga labi n’ya sa noo ko. He is planting small kisses in my forehead habang hindi ko na napigilang umiyak na ng umiyak.            “Everything will be fine,” comfort nito bago ibalik ng tuluyan ang yakap ko sa kan’ya.            Hindi na ako sumagot pa at pinagpatuloy ang pag-iyak. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kan’ya and I started rubbing my right hand sa wrist ng left hand ko habang patuloy lang ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.            “I was afraid, I thought I’ll lost my mom,” tanging nasabi ko na lang between my sobs. Takot na takot ako lagi sa tuwing magkakaganoon si mommy, last time na todo ang seizure niya naconfine siya ng ilang buwan sa hospital, she was in a vegetative state.            “Shush, I’m here, darling, I’m here. Everything will be fine,” assure sa kin ni Hendrix habang pinapaulanan na ako ng halik sa aking noo. Ma-ingat n’yang tinanggal ang pagkakayakap sa kin at hinawakan ang dalawa kong balikat upang iharap ako sa kan’ya.            “Stop crying, darling,” he sweetly said before kissing my cheeks para isunod ang mga mata kong basa na ng luha.            “Bearlene, pumasok ka na sa loob. Hendrix, you should go home too,” pagalit na utos ni mameng kaya agad kaming naghiwalay ni Hendrix sa isa’t isa.            “I love you, darling,” pahabol na bulong ni Hendrix habang abala na akong pinupunasan ang mga luha ko.            “Apo, bilis na!” pasigaw na saad ni mameng kaya napatakbo naman ako sa kinaroroonan n’ya. Nang makarating ako sa kan’ya ay agad itong umakbay sa kin at nagsalita.            “Huwag n’yo ng ipilit ang hindi pwede. Bearlene, kung ayaw mong mawala siya sa ‘yo ng tuluyan, tama na ang paglalaro ninyong dalawa. Hindi makakatulong kong mananatili kayong gan’yan, apo,” kintal nito sa utak ko. Itinaas ko ang mugto kong mata kay mameng.            “Mameng, just leave us like this,” I plead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD