“MANANG Soleng! May kumakatok po yata sa labas!” hiyaw ko.
Hawak-hawak ang mug ng kape ko ay nanatili akong nasa balkonahe ng bahay namin sa taas. Masarap kasi ang hangin dito lalo na sa mga ganitong oras.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa baba. Baka may bisita na naman si mameng. Halos araw-araw naman na gano’n, kung hindi rito sa bahay ay sa munsipyo sila pumupunta. Ngunit nagitla ako n’ong may marinig akong umaakyat papunta sa kinaroroonan ko.
“Oh? Manang Soleng, anong ginawa mo rito?” salubong ko sa isa sa aming kasama sa bahay. Matagal na ‘yang si Manang Soleng na namamasukan sa pamilya namin, hindi pa ako napapanganak ay nandito na siya.
“Si Sir Hendrix po nasa salas, hinihintay ka, hija,” aniya. Ba’t naman nandito ‘tong mokong na ‘to?
“Gano’n ba, manang. Sige, dalhin mo na lang po itong mug sa kusina at tapos na rin naman akong magkape.” Tumango ito sa kin bilang tugon.
Sabay kaming bumaba galing second floor ng bahay hanggang sa makarating ako sa salas at nando’n nga ang mokong nakaupo at mukhang may dala-dalang pasalubong.
“Anong ginagawa mo rito?” singhal ko.
Nakasimple itim na bettany terno lang ang suot ko habang siya mukhang posturang-postura sa suot niyang white t-shirt na naka-tuck in pa sa suot n’yang itim na jogger pants.
“Napaka-others mo naman, dinala ko lang ‘tong pasalubong ko. Sayang! Tatlong books pa sana ‘to ng Crazy Rich Asians. Itatapon ko na lang ‘to mukhang ayaw mo naman,” pangongonsensiya niya. Tsk.
“Sino ba may sabi sa ‘yong ayaw ko? Akin na nga ‘yan,” Lumapit ako sa kan’ya at agad na hinablot ang paper bag na dala-dala n’ya’t dire-diretsong umupo sa sofa namin tapos sinunod na tinignan ang laman.
“Owshi! CRA nga!” bulalas ko.
“Tsk! Kinalimutan mo na ang nagbigay, ‘di ka man lang nagpasalamat sa kin. Where’s Tita Nikki?” tanong n’ya sa kin.
“Nasa taas,” sagot kong wala sa kan’ya ang atensiyon kundi nasa librong bigay n’ya.
“Hendrix! Nandito ka pala. Lalo ka yata talagang pumopogi siguro may girlfriend ka na ano?” salubong ni mommy habang tinutulak pa ang gulong ng wheelchair n’ya inisahang hakbang ni Hendrix ang distaniya nilang dalawa para siya na mismo ang magtulak ng wheelchair ni mommy.
“Naku, tita! Wala pa po akong girlfriend, pwede po ba anak n’yo na lang?” Halos mabingi ako sa sinabi n’ya kaya awtomatikong lumipad ang hawak-hawak kong libro at tumama ‘yon sa braso ni Hendrix.
“Mommy, ‘wag ka maniwala d’yan!” Agad akong tumayo habang hawak-hawak ang pangkamot ni mameng na nakapatong malapit sa sofa kanina.
“Lumapit ka nga rito sa aking mokong ka! Kung ano-anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo!” nangigil kong sambit. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kan’ya at agad naman siyang tumakbo pa palayo sa kin.
“Tita Nikki, oh! Nanakit ang anak mo! Hoy! Masakit ‘yan!” pigil n’ya habang lumalayo sa kin lalo na at sinusubukan ko talagang abutin ang kuwelyo n’ya.
“Lumapit ka nga sa kin!” hiyaw ko at naghabulan kaming parang mga bata sa salas ng bahay. N’ong wala na siyang mapuntahan pa ay nagtago siya sa likod ni mommy kaya agad kong hinablot ang manggas n’ya at pinaggugulo ang buhok nito.
Nasa gano’ng estado kami nang dumating ang veterinarian ng pusa kong si Mojie.
“Good afternoon po, Ma’am Nikki, Bearlene. Mukhang may bisita yata kayo? Balik na lang ako mamaya,” suggestion n’ya na agad ko namang pinigilan.
“Ay hindi! Okay lang, tuloy ka, doc. Upo ka muna. Manang Soleng! Pabigyan naman ng maiinom si Doc Albert,” sunod-sunod kong banggit habang pasimple kong itinapon sa gilid ang hawak kong pangkamot at inayos ang suot ko.
nakahawak sa wheelchair ni mommy.
“Teka lang po, doc. Kukunin ko lang si Mojie sa taas,” nakangiti kong sambit atsaka pumanhik sa k’warto ko para kunin ang pusa kong ilang araw na may lagnat.
Hindi naman ako nagtagal.
Habang pababa ako ng hagdan at akay-akay si Mojie sa kanan kong braso ay nakita kong pareho nang nakaupo si Hendrix at Albert sa sofa habang sina mommy ay nasa kusina na naghahanda ng meryenda.
“Doc, bumaba naman na po ‘yong lagnat n’ya kaninang umaga pero matamlay pa rin po siya,” salaysay ko n’ong makarating ako sa harapan nilang dalawa. Natigil lang ang pagtitinginan n’ong dalawa nang magsalita na ako.
“Ah? Yes, akin na muna si Mojie. Available pa ba ‘yong kuwarto n’yo?” tanong n’ya.
“Kuwarto?!” anggil agad ni Hendrix.
“Ah opo, doc. Doon mo na lang po titignan si Mojie?” sagot ko naman habang binabaliwala si Hendrix.
“Oh, yes, sana, para mas matignan ko siya nang mas maayos,” saad naman ni Doc Albert kaya tumalikod na ako para maglakad papasok sa extra na kuwarto naming nandito lang din sa malapit.
Binuksan ko ang pinto at isinunod ang ilaw bago silang dalawa pinapasok.
“Drix, bakit ka pa sumunod?” tanong ko sa kan’ya.
“Hindi ko kilala ‘tong kausap mo kaya mahirap na,” aniya na naninigas na ang bagang.
“By the way, I’m Albert Zamora,” may diin na sagot ni Doc Albert atsaka in-extend ang kanan n’yang kamay sa harapan ni Hendrix.
“The neighbor and the vet,” dugtong pa n’ya nang tumama ang mata nila sa isa’t isa. Ngumisi si Hendrix bilang sagot.
“Hendrix Clavel, the ‘best friend’ and the grandson of the vice mayor,” matigas na ani ni Hendrix bago n’ya tinanggap ang kamay ni Doc Albert. Nanatili akong nakatingin sa kanilang dalawa na halos ayaw na ngang bitawan ang kamay ng isa’t isa. Para bang nagpupunong braso sila sa diin nang pagkakahawak nila sa pareho nilang kamay.
“Apo ka pala ng vice mayor,” bawi rin ni Doc Albert kay Hendrix.
“You’re right, kaya hindi ako madaling kalaban,” ani naman nitong si Hendrix. Bigla tuloy na naging tensyonado ang paligid na pati si Mojie na hawak-hawak ko ay gusto nang kumawala.
“Ah? Excuse me? Pwede na po ba nating tignan ang lagay ni Mojie, doc?” untag ko na at baka saan pa silang dalawa umabot.
“Oh, yes, akin na muna si Mojie,” agad namang sagot ni Doc Albert matapos nilang mabitawan ang isa’t isa.
Lumapit sa akin si Doc Albert kaya nagkalapit ang katawan naming dalawa ngunit bigla naman akonghinila ni Hendrix sa tabi n’ya at pumagitna pa siya sa aming dalawa ni doc.
“D’yan ka lang, mukhang kursonada ka ng gago,” aniyang mas lalo pang sumisingkit ang singkit na n’yang mata.