NAPUNO ng tensiyon lalo na ang buong kuwarto ng mag-umpisang tingnan ni Doc Albert si Mojie na ngayon ay parang lantang gulay na dahil may kung anong tinurok sa kan’ya si doc.
For pete’s sake, ano ba kasing problema ng pusang ito?
Lalapit sana ako kay Mojie n’ong hawakan ni Hendrix ang kanan kong kamay at hilahin ako pabalik.
“Huwag ka na ngang lumapit d’yan, ‘di ba? Pinipigilan na nga hindi pa rin nakikinig,” aniyang naka-cross arms na at patuloy pa ang paninigas ng panga. Ang dami talagang problema nitong gunggong na ‘to.
“Drix, pwede ba ikalma mo ang mga mabasa sa ‘yo. Nag-iinit ka masyado,” bulong ko sa kan’ya pabalik na siya naman n’yang tinugunan ng masamang tingin.
“Pfft! Tension is driving you crazy. Try to listen to Miss Bearlene, hindi naman ako nangangagat,” sagot naman ng isa.
“Hinihingi ko ba ang opinyon mo, doc? I am not even talking to you, kumain ka ng sahog ‘wag puro sabaw. It is making you look crazy, too,” sagot n’ya with gritted teeth. Ayaw talagang magpatalo nitong si Hendrix Clavel, hindi pa rin nagbabago.
“Magsuntukan na lang kaya kayong dalawa para matapos na. Gusto n’yo ba umalis na lang kami ni Mojie? Parang nakaka-istorbo naman kasi kami sa inyo,” sarkastiko kong suggestion habang prenting-prenti ng naka-upo sa libreng sofa bed sa loob ng kuwarto’t nagsisimula ng mag-scroll ng phone ko.
“Bearlene, that’s nonsense. / Miss Bearlene, it’s a no,” sabay nilang sagot sa kin.
“At last! Nagkasundo kayo kahit part lang na ‘yan. So, can we proceed sa pagpapagaling kay Mojie? Parehong hindi ko kailangan ang mga opinyon ninyo, nag-away pa kayo. Anyway, what you two are talking about is not connected to the reason why we are, kaya mas mabuting tigilan n’yo na.”
Ako pa talaga ang pinakitaan ng mga abilidad nilang hindi maganda. Huwag ako, kung nagpapansin sila sa kagandahan ko, huwag naman sa panahong kailangan ni Mojie. Mas mahal pa ang buhay ng pusa kong savannah sa mga buhay nila, duh!
“Bear, stop it, hindi nakatutulong,” puna sa kin ni Hendrix na hindi man lang inaalis ang atensiyon sa veterinarian na nandito. Masyado siyang kabado, hindi na ako magtataka ‘pag ‘yan kinabag na talaga ng tuluyan.
“Don’t worry, Mojie, will recover soon. Babalik-balik na lang ako rito or puntahan mo na lang ako sa clinic if ever may mga untoward effects na naman,” saad ni doc bago sa kin ibalik ang natutulog ng si Mojie.
“Ginawa pang rason ang pusa. Psh! Weakshit,” bulong daw ni Hendrix, eh, dinig na dinig naman.
“Pfft! At least ako may karapatang pumunta, kaysa naman sa iba d’yan, wala namang ‘sila’ kung umasta akala mo kung sinong ‘tanga’,” anas ni Doc Albert habang hinihimas-himas ang katawan ni Mojie. Woah! Medyo harsh ng slight.
Na tanga pa nga!
“Label ang puta,” side comment naman ng isa na sinusubukan na naman akong ilayo sa bisita. Talagang pumapagitna siya, eh.
“Salamat, doc. I-transfer ko na lang ba sa bank account mo ang bayad or you can received cash?” tanong ko.
“Don’t mention it, have dinner with me some other time and let’s call it even,” aniyang sinabayan pa ng ubod ng lapad n’yang killer smile. May dimples ‘din kasi siya ‘yon nga lang mas maganda ang sa mokong kong best friend.
“Really? Hindi ba nakahihiya?” casual kong tanong. Habang nag-uumpisa ng bumulong-bulong ang katabi ko.
“Of course not! How about tomorrow evening, my treat?”
“Okay,” bahaw kong sagot. Dinner lang naman, eh. No harm.
“Nice! Ma-uuna na ako, salamat sa meryenda. Mr. Clavel, una na ako, pare,” pagpapaalam n’ya at muli silang nagsukatan ng tingin ni Hendrix.
“Ingat ka, madapa ka sanang gago ka,” bulong naman ng isa. Ngingiti-ngiti ang doctor bago n’ya kinuha ang dala-dala n’yang bag at lumabas ng kuwarto, sinundan naman namin siya ni Hendrix hanggang sa makasakay siya sa dala-dala n’yang sasakyan.
“Nice car,” komento ko bago ako tumalikod mula sa pagkakatayo sa pintuan ng bahay namin at bitbit si Mojie sa dalawa kong kamay.
“Coffee?” boses ni Hendrix habang sinundan ako hanggang sa makaakyat ako ng hagdan papunta sa kuwarto ko.
“Call! Hintayin mo na lang ako sa balkonahe,” wika ko n’ong lingunin ko siya. Sumaludo naman ang timang at dumiretso ng kusina namin.
“Mojie, pagaling kang mabuti, ha? Ang laki na ng ginagastos ko sa ‘yo, mahiya ka naman, joke lang! Stay health, my mojie!” alo ko sa aking pusa na r-in-egalo pa sa kin ng mameng ko when I was seven years old. Hindi na ako nagpalit pa ng damit matapos kong ibalik si Mojie sa mini-house na kulungan n’ya na nasa connecting room ng kuwarto ko.
Inaaliw ko ang sarili ko sa pagtitingin-tingin ng mga feeds sa social media accounts ko at sinunod ko namang inaakyat ang balkonahe namin. Wala pa si Hendrix doon kaya mas minabuti ko na lang na maupo. Itinaas ko ang dalawa kong paa sa upuan at nag-indian sit. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Hendrix na may dalang dalawang mug ng kape.
“Ikaw nagtimpla n’yan?” bungad ko sa kan’ya bago ko tinanggap ang umuusok pang-coffee na may na gamit creamier ko.
“Oo naman, alam mo namang effort ako pagdating sa ‘yo,” sabi n’ya at sinunod na abutin ang buhok ko at guluhin ‘yon ng kunti. Napakunot naman ako ng mukha bago sabay na ayosin ang buhok kong ginulo n’ya.
“Lagi mo talaga akong ginagawang pangit,” reklamo ko sa kan’ya.
“Kahit anong gulo ko naman sa buhok mo. Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko,” sabay tingin n’ya ng husto sa mga mata ko.
Ako ang hindi nakatagal at binaba ko ang aking mga mata. Puma-simple-ng sipsip ako ng kape ko para maiba ang tuon naming dalawa.
“Ang lakas ng apog ng nakita mong veterinarian. Merong namang babae d’yan, lalaki pa talaga ang pinili mo,” nanggagalaiti n’yang saad.
“Hindi ka pa pala naka-get over sa topic na ‘yan. Umuwi na nga, oh, pinag-iinitan mo pa rin,” sagot ko naman.
“Eh, gago. Akala mo naman kong sino kung magsalita, hambog ang gago,” aniya.
“Parang ikaw?” panunukso ko sa kan’ya habang hinihipan ng dahan-dahan ang hawak-hawak kong kape.
“Bear,” pagbabanta n’ya.
“What? Sinasabi ko lang naman ang totoo.”
“Bakit kasi hindi mo na lang ako sagutin, para isampal ko sa gagong Albert na ‘yan ang label na hinahanap n’ya,” lakas loob n’yang saad.
“Drix, you already know my answer,” biglang seryoso kong sagot.
“Why not? Bakit kasi hindi pa rin pwede? Hindi mo ba talaga ako gusto? Wala ba talaga akong pag-asa d’yan sa puso mo?” wika n’ya habang tinatanggal ang dalawa kong kamay na nakahawak sa mug ko. Hawak-hawak na n’ya ngayon ang mga daliri ko at pinaglalaruan na iyon hanggang sa i-intertwine n’ya ang kamay naming dalawa. Natuon ang atensiyon ko sa ginagawa n’ya kaya pina-simple ko iyong kinuha at nagkamot kamo ng buhok ko bago nagsalitang muli.
“Tsk,” daing n’ya. Hindi naman ‘yan manhid para hindi mantindihan ang ginawa ko.
“Sinabi ko bang hindi kita gusto? Wala naman, ah,” aniya ko.
“That’s the point, bakit hindi mo na lang subukan? Bakit hindi natin subukan?” saad n’ya habang ang mga kamay nito ay nasa mga balakang ko na at nag-uumpisa ng humaplos, magmasahe.
“Ang kamay mo saan-saan na napupunta, gago!” umiiling kong puna.
“Pft! I miss you, darling,” he sweetly said.
“Darling mo mukha mo, Hendrix!”
“Ano na naman? Ang cute mo doon, ulitin mo nga!” utos n’ya habang hawak-hawak na ngayon ang mga kamay ko. Wala, na-intertwine na n’ya, eh, mas malakas siya sa kin kaya hindi ko na mabawi pa.
“Tigilan mo nga ako, Drix, para kang bata!” pagtatanggi ko habang ang camera ng phone n’ya ay nakatutok na sa mukha ko.
“Sige na, darling, darling, uulit na ‘yan!” natatawa n’yang suyo pero ako natatawa ring hinawi at ibinaba ang phone n’ya sa mesa.
“Wala ka bang jowa? Bakit ka nandito, hindi mo bisitahin ang mga babae mo?” pag-iiba ko ng usapan.
“Binibisita ko na nga ang babaeng gusto ko. Ikaw,” it was a smooth answer. Sapul sa puso, hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.
“Alam mo, ikaw, ang dami mong baon tuwing uuwi ka rito, sinong nagtuturo ng mga kabaduyan na ‘yan sa ‘yo sa Spain?”
“Kabaduyan daw, pero kinilig ang darling ko na ‘yan! Kinilig si darling, kinilig si darling!”
“Shut up!” bumubungisngis kong tugon.
“I miss your smile,” sabay trace ng mga labi ko hanggang sa pilya kong kinagat ang hinlalaki n’ya, yummy ay este! Hinlalaki lang.
“I miss your smell,” at hinalikan n’ya ang likod ng palad ng kaliwa kong kamay.
“I miss your eyes, I miss you, my Bearlene, hindi mo alam kung gaano ko ka gustong summer na lang araw-araw para nakikita kita, para lagi kitang kasama. This boy is madly deeply in love with you. I love you, darling,” seryosong-seryoso siya habang direktang nakatitig sa kin.
Hindi pwede, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Tandaan mo ‘yan, Bearlene Echavez.
“Drix, I need to rest, medyo napagod ako kay Mojie kanina,” pagdadahilan ko na lang atsaka tumayo’t tinaggal ang pagkakahawak n’ya sa kamay ko. Hinilot-hilot ko kono ang sinitido ko habang nakatingala na siya sa kin.
“Okay, hatid na kita sa kuwarto mo,” aniya bago ako yakapin at isandal ang noo n’ya sa buhok ko.
“I love you, Bear. I love you,” parang musika sa tenga ko ang mga katagang ‘yon. Ang sarap-sarap pakinggan. Ulit-ulitin. Kaso hindi pwede.
“Mag-ingat ka sa pag-uwi, send my regards to lola vice and your mom,” ani ko bago ako tuluyang maglakad at iwanan siyang nakatayo sa ganoong posisyon.
(Flashback)
“Apo, halika nga rito sa tabi ko,” isang araw tawag ni mameng sa kin matapos ko siyang madatnan na nagbabasa ng kung anong dokumento sa balkonahe ng bahay namin. Ilang araw na lang ang nalalabi bago mag-umpisa ang taonang pistang bayan at ang summer sa taong ito.
“Mameng, ang dami n’yo namang binabasa, para saan po ba ‘yan?” tanong ko sa kan’ya matapos akong makahalik sa noo n’ya.
“Public servant yata ang lola mo,” natatawa n’yang wika habang ako naman ay bumubuntong hininga habang tinatanggal ang suot kong cardigan at komportableng pinatong ang paa sa mini-table at komportableng sumadal sa upuan.
“Nga naman po, mameng. Kailan ka po ba magreretiro sa politika?” tanong ko sa kan’ya habang nakapikit na ang dalawang mga mata.
“Hindi ko rin alam. Mabuti pa, apo, ang pag-usapan natin ay ikaw, ang puso mo,” seryosong saad ni mameng kaya napa-upo ako ng maayos at napamulat.
“What about that, mameng?” tanong ko naman sa kan’ya atsaka kumuha ng isang mamon na nakahanda.
“Summer is coming, uuwi na naman ang family nila Hendrix,” anito.
“Tapos po? Eh, lagi naman po silang ganoon, mameng, kung dati po iniiyak ko pa ‘yan, hindi na po ngayon, I’m too grown up for that,” tugon ko.
“How about your heart? Kamusta naman ang puso mo? Kaya pa ba n’yan?”
“Mameng, ano po bang ibig n’yong sabihin?” paglilinaw ko. I was just 16 by that time at naguguluhan ako sa tuwing si mommy sinasabihan akong hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Na kahit hindi ko maintindihan kong bakit kinikintal ko na lang din sa utak ko na hindi ko nga talaga kailangan ng lalaki, especially if that man is just like my father, who abandoned my mother and me.
“Siguro naman sinasabi sa’yo ng Mommy Nikita mo na you should not fall in love to anyone, hindi ba?”
“Not exactly that po, mameng. Sabi lang ni mommy ay lagi ko raw pong tatandaan na hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko and I bet she’s right, hindi ko nga po kailangan ng lalaki sa buhay ko, ayaw ko pong maiwan na malungkot just like mom after dad left her,” seryoso yet batang-bata kong sagot.
“Actually, your mom is right. Hindi natin kailangan ng lalaki sa buhay natin, tayong mga Echavez but your mom missed to tell you something important,” sumeryoso ang mga mata ni mameng at sumunod na rin ang kan’yang buong mukha.
“Like what, mameng?”
“Hindi tayo pwedeng magmahal, apo, hindi mo pwedeng hayaang mahulog ang sarili mo sa isang lalaki dahil hindi pwede. Napansin mo ba, ako, your titas and the rest of our family, lahat ng ‘yan biyuda o kung hindi naman ay hindi nagpakasal, napansin mo ba?” mameng said and she was right.
“Yes po, bakit nga ba ganoon, mameng? Malas ba tayo sa pag-ibig? Maganda naman po lahi natin, ah?” inosente kong sagot.
“Kasi sa kabila ng kagandahan na meron ang mga mukha natin ay kaakibat naman noon ang sumpang sinumpaan ng pamilya natin, matagal ng panahon ang nakalilipas,” nanatiling seryoso si mameng kaya I continue to listen to her carefully.
“Sumpa? Totoo ba ‘yan, mameng? Hello! Nasa 21st century na po tayo, wala na pong mga gan’yang nag-eexist,” insist ko. Pero imbes na tawanan ako ay tinignan ako ng nakakatakot ni mameng. Hinawakan n’ya ang dalawa kong mga balikat at hinarap n’ya ako direkta sa kan’ya.
“Totoo ang sumpa, apo. Ikintal mo sa isip mo na sa oras na magmahal ka at hinayaan mong ibalik mo ang pagmamahal ng isang lalaki sa’yo, mamatay sila. Mamatay siya. Dahil iyan ang sinumpaang sumpa ng pamilyang Echavez, mamatay ang taong iibigin ng mga Echavez,” mameng’s voice creeps the hell out of me.
(End of Flashback)
I was 16 years old back then and today, I am 24. Almost 8 years had passed since the day na nagka-idea ako tungkol sa dahilan kung bakit ang pamilya namin ay halos mga babae na lamang ang natitirang buhay.
Naka-upo ako ngayon sa aking higaan habang yakap-yakap ang dalawa kong binti while watching a movie from my flat screen.
Dati akala ko hindi totoo, na it was just a myth, kuwentong barbero lamang but it’s true.
Kaya kong mag-isa sa buhay, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko kasi if I will, he’ll die. Ayaw kong mawala si Hendrix sa buhay ko.
Kaya I don’t love him. I will never will.
Naputol ang pag-iisip ko when my phone vibrated, text messages from Hendrix and my friend, Yvanna. Una kong binuksan ang text ni Yvanna.
Baks, bar tayo tonight. See you!
Join me in. See you!
Matapos kong repl-a-y-an si Yvanna ay sinunod kong binuksan ang text ni Hendrix.
I’m home. I love you, darling!