Third Person's POV NAPANGISI si Hendrix ng mapait. “Nga naman pala, importante ako kaso nand’yan pala ang biyenan ko. Ano ba namang laban ko sa nanay?” Itinuloy na lamang ni Hendrix ang kan’yang pagtayo at mabilis na nagbihis. Tamang-tama naman noong makaupo siya sa kan’yang higaan ay biglang nag-vibrate ang kan’yang phone at nakita n’yang tumatawag ang kan’yang ina. “Anak, how’s your day?” “Ayos naman, mom, kayo po ba?” tamad na sagot ni Hendrix kaya agad itong napansin ng ina. “Ayos pero parang wala ka naman sa mood, tell me about that, son.” “Ngayon alam ko na kung bakit minsan ayaw noong mga taga-Spain na nasa iisang bahay ang mag-asawa kasama ang biyenan nila,” panimula ni Hendrix na siyang nagpatawa

